Mag-log in
“Pao, pakidala naman ito sa office ni Sir. Kailangan na kasi ito,” utos ni Ma'am Eliana, ang senior namin dito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.
Tumango ako at kinuha ang makakapal na folder mula sa kanyang mesa. “Sige po.”
Hindi pa man ako nakakalayo sa palapag na iyon ay nagsimula na naman magbulungan ang ibang officemates namin.
“Panigurado, sinadya na naman ni Sir na siya ang utusan. Ano kayang nakita sa kaniya ni Sir, ’no?”
"Ewan ko ba kay Sir. Balita ko pa naman may fiancée na siya. Malapit na nga silang ikasal, e.”
"Maganda naman si Pao. Hindi lang palaayos. Huwag nga kayong magchismisan. Baka naririnig na kayo niyan…”
Hilaw akong napangiwi. Sana aware sila na dinig na dinig ko sila. Pero dahil sanay naman ako sa paganito nila, nagkunwari na lang akong walang narinig at nagpatuloy na sa pag-akyat papunta sa opisina ni Sir.
Magdadalawang taon na ako rito bilang normal na empleyado. At sa dalawang taon ko na rito, parang araw-araw ko na naririnig ang usap-usapan nilang may gusto nga sa akin ang aming CEO, si Kael Rafael Ashford. O mas kilala namin sa tawag na Sir Raf.
Si Sir Raf ay ang uri ng lalaking pinapangarap ng mga babae sa henerasyon ngayon. Matangkad, maputi, may matangos na ilong, at mga matang tila nanghihigop ng wisyo kung makatitig. Hindi naman siya masyadong friendly lalo na sa mga empleyado niya— dahilan kaya nagkaroon ng usap-usapan na may gusto nga siya sa akin. Lagi niya kasi akong nginingitian. Bukod doon ay malaki ang isinasahod niya sa akin kumpara sa iba.
Pero tulad nga ng pagkakaalam naming lahat, may fiancée na siya at kung hindi ako nagkakamali ay sa susunod na buwan na sila ikakasal.
Ako naman ay may long-time boyfriend. Pitong taon na kami ni Stefano. At kahit ang turing sa kaniya ng lahat ay palamunin at umaasa lang sa akin, wala akong pakialam dahil ang importante ay mahal na mahal namin ang isa't isa.
Mabait lang talaga si Sir at hindi iyon nakikita ng lahat kaya ang simpleng pagngiti, pagsahod niya sa akin ng malaki, at ang minsang pag-offer niya sa akin na sa kaniya na ako sumakay tuwing uwian, ay parte lang ng pagiging mabait niya.
Pagpasok ko sa opisina ni Sir ay nadatnan ko siyang seryosong nakaupo sa kaniyang swivel chair, nakayuko at nagbabasa ng mga dokumento. Napaangat ang kanyang tingin nang marinig ang pagpasok ko, at agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha—mula sa seryoso, agad siyang ngumiti.
“Magandang hapon po. Nandito na po ‘yung pinapaakyat ni Ma'am Eliana,” sabi ko sa magalang na boses.
“Ilagay mo lang dito, Pao,” sabi niya habang titig na titig sa akin.
Lumapit ako sa mesa niya at nilapag doon ang mga folder. Dapat ay aalis na ako pero may gusto sana akong ipakiusap sa kaniya. Kaso naunahan na niya ako sa pagsasalita.
“’Yung boyfriend mo nga pala, kamusta na kayo?" tanong niya na bahagya kong ikinagulat.
Ito ang unang beses niyang itinanong sa akin ito. Siguro ay curious lang siya kasi madalas kong ipagmayabang sa mga kasamahan ko kung gaano ako kamahal ni Stefano.
"Ayos lang naman po kami, Sir,” naiilang kong sagot.
Tumango-tango siya. “May trabaho na ba siya?" muli niyang tanong na medyo ikinagulat ko na naman.
"W-Wala pa po pero naghahanap naman po siya.”
Muli siyang tumango-tango. Nang pakiramdam kong wala na siyang tanong ay kinuha ko na iyon na pagkakataon para isatinig ang ipapakiusap ko.
“Ah, Sir… N-Natapos ko naman po lahat ng trabaho ko. Baka po… pwedeng maaga akong umalis?"
Saglit siyang natigilan, titig na titig pa rin sa akin, pero sa huli ay tumango na naman siya.
“Puwede ka nang umuwi ngayon din. Gusto mong ihatid kita?” tila wala lang sa kaniya na sagot niya.
Agad akong napangiti. "T-Talaga po? Maraming maraming salamat po! Ang bait niyo ho talaga!"
Nginitian niya ako. “Ihahatid na kita kung gan'un.”
Pero mabilis akong umiling. "Kahit hindi na po. May dadaanan pa kasi ako. Isa pa po, alam kong may trabaho pa kayo,” sagot ko nang nakangiti.
Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit.
Wala na akong sinayang na minuto dahil pagkalabas na pagkalabas ko sa kumpanya ay pumara na ako ng tricycle. Tiningnan ko ang orasan. Mag-a-alas tres pa lang ng hapon. Karaniwan ay alas-singko o alas-sais pa ako nakakaalis. Salamat talaga sa kabaitan ni Sir.
Habang nasa tricycle ako pauwi, napangiti ako. Magugulat siguro si Stefano kapag dumating ako nang maaga. Gusto ko kasi siyang sorpresahin dahil ngayong araw ang ikapitong anibersaryo ng relasyon namin.
Bumili na ako ng cake sa malapit na cakeshop at food buckets naman sa nadaanan kong restawran. Sana ma-enjoy namin ito.
Kaso ang dapat sanang pasorpresa ko sa kaniya ay nauwi sa hindi inaasahang pangyayari.
Kakapasok ko pa lang sa sala ng inuupahan naming bahay ay natigil ako nang may marinig akong dalawang tao na nagpapalitan ng ungol.
“Ang sarap mo naman… mas masarap ka pa kaysa kay Pao.”
“Ahhh… bilisan mo pa, Stef! Ughh~ Ahhh! Sige pa!”
"Grabe, ang sarap mo! Ang sexy sexy mo pa!”
Pakiramdam ko'y ang buong langit na ang bumagsak sa akin. Hindi ko na kailangan silipin kung kaninong mga ungol iyon dahil kilalang kilala ko na sila.
Ang babae ay si Maricel na kapitbahay lang namin. Kilala iyon sa pagiging malāndi dahil kahit sinong matipuhan niya ay pinapatos niya.
Wala naman akong pakialam sa babaeng ‘yun, pero si Stefano… paanong…
"Sana ikaw na lang girlfriend ko… ang sarap mo…” dinig kong ungol pa ni Stefano.
Dahan-dahan kong nilapag ang mga pinamili ko sa mesa. Halos mapaupo ako doon nang maramdaman ko ang biglang panghihina ng mga binti ko.
Mga hayop…
Mga hayop sila!
Pinunasan ko ang mga luha kong kanina pa pala tumulo, pagkatapos ay walang lingon-lingon na lumabas.
Dati pa man ay may naririnig na akong sabi-sabi na may dinadala dito si Stefano na babae tuwing nasa trabaho ako. Pero kahit kailan ay hindi ako naniwala.
Malaki ang tiwala ko sa kaniya kasi mahal na mahal ko siya.
Gusto ko silang pasukin kanina ni Maricel pero baka mahimatay lang ako kapag nakita kong gumagawa nga sila ng milagro sa mismong kuwarto namin. Hindi ko kaya…
Gusto kong makalimot. At kung ito man ay masamang panaginip, sana ay magising agad ako.
Pumara ulit ako ng tricycle at pinaderetso ko ito sa pinakasikat at pinakamaingay na bar sa siyudad. At doon, nagpakasaya ako, nakipagsayaw kung kani-kanino at nagpakalunod sa alak.
Paano mo ito nagawa sa akin, Stef?
Akala ko ba habang buhay na tayo?
Bakit? Binigay ko naman ang lahat ah?
Iyan ang paulit-ulit na isinisigaw ng utak ko. Tumungga ako nang tumungga ng alak hanggang sa kusang umikot at lumabo ang paningin ko. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito pero pakiramdam ko'y gabi na. Ramdam ko na rin ang kapaguran ko kaya naupo muna ako sa tabi, malayo sa nariritong nakikipagsiyahan sa mga kasamahan.
“Drinking alone, huh?"
Papikit na sana ako sa kinauupuan kong sofa nang may magsalita sa tabi ko. Dahil doon ay napilitan akong imulat ang mga mata ko.
"S-Sino ka?” tanong ko, sinubukan titigan ang lalaki sa mukha pero sa labo ng mga mata ko ngayon ay hindi ko siya makilala.
“Lasing ka na. Kaya mo pa bang tumayo?" tanong ng lalaki.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba pero parang kaboses niya si Sir.
"L-Lasing na nga… ako… p-pero hindi ako tatayo… d-dito lang ako,” sagot ko.
Narinig kong tumawa ang lalaki. Nakakabilib lang dahil kahit ang pagtawa niyang ito ay parang ‘yung kay Sir din.
“Nag-break ba kayo ng boyfriend mo?"
Doon na kumunot ang noo ko. Sinubukan kong tumayo para iwan siya pero bigla akong natapilok. Mabuti na lang at napaupo ulit ako sa sofa.
“D*mn. You're kinda heavy," ani ng lalaki.
Doon ko lang napagtanto na sa kandong pala niya ako lumanding. Aalis na sana ako kahit parang palabo na nang palabo ang paningin ko, pero hindi ako hinayaan ng lalaki. Sa halip ay naramdaman ko ang pagsandal niya sa akin sa backrest ng sofa.
Ang sumunod na pangyayari ay hindi ko na nasundan dahil tuluyan nang umikot ang paningin ko hanggang sa basta na lang ako nakatulog.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa mabigat na brasong nakadagan sa bandang dibdib ko. At sa pagmulat ko ng mga mata ay ganoon na lang ang pagkakasigaw ko ng malakas nang mukha ni Sir ang bumungad sa akin.
"Ahhh!” tili ko at mabilis na napabangon sa kama.
Kaso muli na naman ako napasigaw nang bumaba ang tingin ko sa katawan ko at nakitang hubo't hubad ako.
"Ahhhh!”
PAOLA'S POVIlang buwan ang mabilis na lumipas matapos ang huling court hearing.Pagkatapos ng nakaka-stress na pangyayari, sa wakas at nalagpasan na rin namin lahat ng iyon. Mabilis na naipanalo ni Raf at Sandoval ang kaso. At syempre sa tulong din ni Atty. Mercer. Bagaman mahaba at nakakapagod ang naging laban sa korte, matagumpay nilang napabagsak lahat ng gawa-gawang ebidensya ng mga Valderama, specifically Andrew Valderama and his associates. They were all sentenced to life imprisonment for corporate fraud, arson, and attempted murder. Yes, may attempted murder dahil minsan na rin pala niyang binalak na ipapatay si Raf at Kyle. Ganoon pala siya kasamang tao. Bawi ang lahat ng ari-arian na ninakaw nila sa Ashford Group, at sa iba pang nabiktima nila. Though, may mga nawala din sa Ashford pero napatunayan na malinis din sila. At si Raf ay tuluyang nalinis ang pangalan niya.Bukod doon, ang pinakamagandang regalo na natanggap naming mag-asawa ay ang mga sumunod na kaganapan sa pami
PAOLA'S POVTinitigan ko ang basang mga mata ni Raf. Tila nanliit ang buo kong pagkatao sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala ang isang tulad niya ay iniiyakan na ako ngayon. Inipon ko ang natitira kong lakas at dahan-dahang itinaas ang isa kong kamay para haplusin ang kaniyang pisngi. Tila ikinagulat niya iyon dahil namilog ang mga mata niya sabay sandaling natigil ang pag-iyak niya."G-Galit ako sa'yo, Raf…" mahina kong panimula, muling pumatak ang mga luha ko. Hinawakan din niya ako sa pisngi at pinahid ang luha kong iyon. "Dapat galit na galit ako sa'yo dahil sa mga nalaman ko… katrayduran ginawa mo, e… p-pinagmukha mo ‘kong tānga…" Hinaplos-haplos ko ang pisngi niya habang pinapahid din ang tahimik niyang luha na lumalandas sa kaniyang pisngi. "Pero ngayon na nakikita kong… umiiyak ka… nawala lahat ng naipon kong galit sana sa'yo… ganoon na kalalim ang nararamdaman kong pagmamahal sa'yo ngayon…" dugtong ko at napahikbi na ulit ako. “Sana… ‘wag mo na ‘yun uulitin. Sana…
PAOLA'S POVNaninikip ang dibdib ko habang inaalala ko lahat ng mga narinig ko sa korte. Ang paghinga ko ay wala na sa normal ang bilis, dahilan para bumilis din ang ritmo ng beeping sound sa monitor sa tabi ko."Wifey, please... calm down," pakiusap ni Raf. Bakas ang matinding kaba at takot sa kaniyang mukha habang sinusubukang abutin muli ang nangangatog ko ng kamay. "Think about the baby in your womb. Dr. Alcantara strictly said you can't be under extreme stress—""Wala kang pakealam!" singhal ko sa kaniya habang nakaturo ang nangangatog kong daliri sa kaniyang mukha. "Wala kang karapatang sabihin sa akin kung ano ang dapat kong isipin o maramdaman!"Natigilan siya. Napaatras siya nang kaunti pero nananatili siya sa tabi ko. Napahikbi na ako sabay marahas na napapikit."Anim na taon, Raf..." panimula ko sa nanginginig kong boses habang tuloy-tuloy sa pagpatak ang luha ko sa aking pisngi. "Anim na taon kong pinaniwalaan ang sarili ko na kailangan kong taguan ka kasi… kasalanan kong
THIRD PERSON'S POV"Paola!"Ang sigaw na 'yon ni Kyle ang huling boses na narinig ni Paola bago siya tuluyang mawalan ng malay."Nawalan ng malay si Mrs. Ashford! Tumawag kayo ng ambulansya!""Kunan niyo ng litrato! Bilis!"Nagkagulo ang buong hallway sa labas ng korte. Sa gitna ng sunod-sunod na pag-flash ng mga camera at tulakan ng mga reporters, mabilis na nakipagsiksikan si Kyle sa kanila, pero hirap na hirap siyang abutin ang pwesto ni Paola. Tulak doon, tulak sa kung sino mang nakaharang sa daraanan niya. At makalipas ang ilang sandali, narating na rin niya ang walang malay at nakahandusay sa sahig na si Paola. Bahagya pa siyang natigilan sa tindi ng pagkakagulat Niya. "Paola! Hey, wake up!" natatarantang gising ni Kyle sa kaniya habang sinusubukang itulak ang mga mikroponong pilit isiniksiksik sa gawi nila. "Back off! Step back, damn it!"Sa loob naman ng silid-hukuman, umabot doon ang natatarantang sigawan sa labas. At nang marinig ni Raf ang pagbanggit sa pangalan ng kaniy
Raf's POVInakay ko siya at maayos na pinahiga bago namin ipagpatuloy ang paghahalikan. Ang kamay kong nasa magkabilang gilid na niya ay inabot niya ito saka inilapat sa ibabaw ng kaniyang brā. Fvck!“Stefano… s-sabihin mo sa'kin… sinōng mas mālaki sa'min ni Maricel?” pikit mata niyang tanong, muling ipinulupot sa baywang ko ang kaniyang mga binti. "who the hell is Maricel?! And stop calling me that name!" asik ko na saka ko diniinan ang pagkakahalik ko sa labi niya. Mula sa kaniyang labi, nalipat ang halik ko sa kaniyang panga hanggang sa pinadaosdos ko ito pababa sa pagitan ng panga at leeg niya. Magtutuloy-tuloy na sana ito kaso…Bigla siyang nakatulog!Naiwan akong hingal na hingal, bitin na bitin, at napahawak sa aking noo habang nakatitig sa kaniya. Sa huli ay napabuga na lang ako ng hangin at natawa. Dahan-dahan ay inayos ko pa ang pagkakahiga niya bago ko siya kinumutan. She looked exhausted from crying. Earlier, her eyes were swollen and red, yet she still responded to ev
Raf's POVIniwan ko na doon si Kyle na sinusubukang tumayo. Pagkapasok ko sa kinaroroonang silid ni Paola ay nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng kama, taliwas sa sinabi ni Kyle na natutulog ito. Ang kaso, umiiyak ito habang pikit na pikit pa ang mga mata. “Paola!" lapit ko sa kaniya. Subalit agad din akong natigilan nang hawakan niya ang laylayan ng blouse niya at akmang huhubarin ito."Paola, stop!" nilapitan ko na talaga siya at hinawakan ang dalawa niyang kamay para pigilan siya. Sh*t, she's really drunk!"B-Bitawan mo ‘ko, Stefano!” sigaw niya at malakas niya akong tinulak pero dahil lasing na lasing na nga talaga siya, halos walang impact sa akin ang pagkakatulak niya But wait, did she just call me his stvpid ex?!“Hey, I'm Raf, your boss. Please, calm down," mahinahon kong pagtatama sabay hawak ulit sa mga kamay niya nang akmang maghuhubad na talaga siya. At ganoon na lang ang pagkakatameme ko sa kaniya nang bigla na lang siyang umiyak. Naupo siya sa kama at isa-isa nang na







