LOGINFive years after…
Napakabilis ng takbo ng panahon. Sa loob ng limang taon na iyon, pinatunayan ko sa sarili ko na kaya kong tumayo nang mag-isa nang walang lalaking aasahan.
Ang perang kinuha ko kay Sir Raf ay nanatiling nakatabi sa isang sikretong account ko para sa kinabukasan ng anak ko. Ayaw ko ‘yun galawin kung hindi naman kailangan, dahil hangga't maaari, gusto kong buhayin ang anak ko mula sa sarili kong pawis at pagod. Iyon ang paraan ko para mapanatili ang natitira kong dangal.
Kasalukuyan kaming narito ngayon sa Cagayan de Oro. Dito ko napiling manirahan dahil malayo ito sa magulong buhay sa Maynila, at sapat na ang liit ng lungsod na ito para magtago. Nagtatrabaho ako bilang isang saleslady sa isang sikat na cosmetics store sa loob ng isang simpleng mall dito. Mahirap, madalas ay sumasakit ang mga binti ko sa buong araw na pagtayo at pag-asikaso sa mga kustomer, ngunit lahat ng pagod ko ay agad na napapawi sa tuwing uuwi ako at makikita ko ang mukha ng aking anak.
Oo. Hindi nga nagkamali ang demonyong iyon dahil tulad ng sinabi niya, nagbunga nga ang nangyari sa amin noong gabing iyon.
Tyler ang ipinangalan ko sa limang taong gulang kong anak. Siya ang buhay ko ngayon. Ayaw ko man aminin pero ang matangos niyang ilong, ang kaniyang singkit ngunit matatalas na mga mata, ay nakuha niya lahat sa demonyong lalaking iyon. Kamukhang-kamukha niya si Raf, sa kasamaang palad.
"Mommy! Ice cream po mamaya, ah?" masiglang yaya ni Tyler habang hawak-hawak ang kamay ko.
Nandito kami ngayon sa pinagtatrabahuan kong mall, naglalakad patungo sa isang coffee shop dito.
“Oo naman, baby. Sumweldo si Mommy ngayon kaya treat kita. Pero bago 'yun, kakain muna tayo ng paborito mong cake, okay?"
"Yehey! Thank you, Mommy! You're the best!" Tuwang-tuwa namang tugon ng anak ko, nagtatalon pa siya sa gilid ko.
Pagkapasok namin sa coffee shop ay medyo hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Dahil weekend ngayon, medyo mahaba ang pila kaya kinailangan pa namin pumila patungo sa counter.
Medyo may kamahalan ang mga pagkain dito pero dahil anibersaryo ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko at may pa-bonus ang manager namin, naisipan kong ibili siya ng paborito niyang chocolate fudge cake. Gusto kong maranasan naman ng anak ko ang mga masasarap na bagay kahit papaano.
Nang malapit na kami sa counter ay kinuha ko na ang wallet ko mula sa aking lumang bag para magbilang ng sapat na pera.
At habang abala ako sa pagbibilang ng mga barya at papel, naramdaman ko ang sunod-sunod na paghila ni Tyler sa laylayan ng suot kong t-shirt.
"Mommy... Mommy, look..." tila taranta niyang tawag sa akin, kinukuyog at hinahila na ang braso ko.
"Sandali lang, Tyler, baby. Nagbibilang pa si Mommy ng pera para sa cake mo, baka magkamali ako," pasimple at mahina kong saway sa kaniya nang hindi siya nililingon. Nakatutok pa rin ang pansin ko sa counter dahil kami na ang susunod na o-order.
"But Mommy! Look at him! Look at that man!" giit pa rin ng anak ko. Mas lalo nitong hinigpitan ang paghila sa braso ko.
"Tyler, huwag kang malikot. Bad ang hindi nakikinig kay Mommy," sandali ko siyang nilingon pero binalik ko rin agad sa harap ko ang atensyon ko.
"Miss, isang slice nga ng chocolate fudge cake para sa kaniya, tapos isang iced Americano,” sabi ko sa cashier sabay abot ng pambayad ko.
Habang nagpoproseso ang kahera ng resibo ko, biglang gumaan ang braso ko. Ang kaninang kamay ni Tyler na hila nang hila sa braso ko ay nawala at natigil.
"Tyler?” mabilis kong lingon sa kinaroroonan niya kaso wala na siya doon.
Sumikbo ang matinding kaba sa dibdib ko. Luminga-linga ako sa paligid at ganoon na lang ang pansamantalang pagtigil ng hininga ko nang matanaw ko si Tyler na palabas na ngayon sa de-salaming pintuan ng shop.
"Tyler! Huwag kang tumakbo!" sigaw ko na dahil bigla siyang tumakbo.
Maraming sasakyan ang bubungad sa'yo kapag lalabas ka sa coffee shop na ito dahil diretso na ito sa parking lot ng mall. Kaya naman sa takot ko na baka mapaano si Tyler, umalis agad ako sa pwesto ko at mabilis siyang hinabol.
Kaso agad din akong napatigil nang sa paglabas ko ay nakita ko siyang patakbo na siya sa nakaparadang sasakyan. At ang sasakyang iyon ay may nakatayo doon na matangkad na lalaki, nakahawak sa pintuan na tila bubuksan pa lang ito.
“Tyler—"
Hindi ko na naituloy ang akmang paglapit ko sana sa anak ko dahil bahagyang sumilip sa gawi ko ang gilid ng mukha ng lalaki.
Oh my god! Anong ginagawa dito ng isang Rafael?!
Si Kael Rafael Ashford. Si Sir Raf. Nandito siya at kaharap na ngayon ang anak ko!
"Hey, are you my Papa?" dinig kong tanong ni Tyler habang nakatingala kay Raf, ang maliliit niyang kamay ay nakakapit na ngayon sa tela ng pantalon nito.
Mula dito sa kinatatayuan ko, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Rafael bago siya nag-squat para pantayan ang liit ni Tyler.
"Papa?” tanong nito kay Tyler. “Did you just call me papa, kid?”
Hindi. Hindi pwedeng mangyari ito.
Bago pa man makasagot si Tyler o bago pa man mapalingon si Raf sa direksyon ko ay kumaripas na ako ng takbo palapit sa kanila. Sa mabilis na galaw ay agad kong dinaluhan si Tyler saka siya kinarga na hindi nililinon si Rafael.
"Mommy!" gulat na usal ni Tyler matapos ko siyang mailayo sa gawi ni Rafael.
Ramdam ko ang pagkakagulat ni Rafael sa naging presensya ko kahit hindi ko siya nilingon.
"Hey, wait—" narinig kong tawag ni Raf mula sa likuran ko. "I think I know you…”
Patay na!
Gamit ang pinakamabilis ko nang takbo, tinakbo ko ang daan patungo sa labas ng mall saka ako pumara na ng taxi.
"Mommy, why did we run? That man looks like Papa—"
"Tumigil ka!” wala sa sarili kong sigaw sa anak ko, habol-habol na ang sariling hiningang nakasandal sa upuan ng taxi. “Ilang beses ko nang sinabi sa'yo, don't talk to strangers!"
"But, Mommy… that man is my Papa—”
"He's not, okay?! Your Papa is dead! Patay na siya, Tyler, kaya please lang! Huwag kung sinu-sino na lang kinakausap mo!"
Diyos ko. Sana hindi ako nakilala ng demonyong iyon! Sana hindi!
“Finally, huh? I found—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita muli at mabilis na akong kumaripas ng takbo palayo sa coffee shop na iyon. “Hey, Paola!" dinig kong sigaw niya mula sa likuran ko. Paglingon ko sa gawi niya ay nakita kong hinahabol na niya ako. Binilisan ko lalo ang pagtakbo ko habang mariin nang nakapikit ang mga mata ko. “Bakit ka nandito, ha?! Umalis ka na bago pa ako magpatawag ng mga pulis!" sigaw ko sa pagitan ng mga takbo ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid upang makakita ng puwede kong daanan pero wala akong makita. Nalagpasan ko na ang labasan ng parking lot. "Paola, stop! Let's talk first!” sigaw din niya pabalik, hinahabol pa rin ako kaya mas dinoble ko ang bilis ko. Maraming kotse ang naririto pero parang kami lang ang nanditong tao. Lumiko ako sa kanan at umikot para mawala ko siya pero agad niya akong nasundan. “Lumayo ka sa'kin, demonyo ka!" sigaw ko, tuloy lang ako sa pagtakbo. Gusto kong magmura at magsalita ng masasama. Paanong napunta ulit siya
Magdamag akong hindi nakatulog pagkauwi namin kahapon. Paulit-ulit na bumabalandra sa utak ko ang paghaharap nina Tyler at ni Rafael. Ang layo ng Cagayan sa Manila kaya bakit nandito siya? Hindi kaya alam niyang dito ako nagtatago? At nandito siya para kunin sa akin ang anak ko?Dahil sa mga naisip ay naupo ako sa kama at naghanap ako ng artikulo tungkol sa kaniya, gamit ang luma kong cellphone. Baka mamaya ay namalik-mata lang pala ako at hindi siya ‘yung kahapon.Puro business tour, at kung anu-ano pang may kinalaman sa larangan niya ang lumabas sa internet nang i-search ko ang pangalan niya. Nag-scroll pa ako nang nag-scroll, nagbabakasakaling may makikitang artikulo na magkokonekta na nandito nga siya. Kaso isang artikulo na may petsang limang taon na ang nakararaan ang nahalungkat ko. Ang laman nito ay tungkol sa pagkansela ng dapat sanang kasal nila ni Cassandra limang taon na ang nakakalipas. Kumabog ng malakas ang dibdib ko pero ipinagpatuloy ko ang pagbabasa.Opisyal nan
Five years after…Napakabilis ng takbo ng panahon. Sa loob ng limang taon na iyon, pinatunayan ko sa sarili ko na kaya kong tumayo nang mag-isa nang walang lalaking aasahan. Ang perang kinuha ko kay Sir Raf ay nanatiling nakatabi sa isang sikretong account ko para sa kinabukasan ng anak ko. Ayaw ko ‘yun galawin kung hindi naman kailangan, dahil hangga't maaari, gusto kong buhayin ang anak ko mula sa sarili kong pawis at pagod. Iyon ang paraan ko para mapanatili ang natitira kong dangal.Kasalukuyan kaming narito ngayon sa Cagayan de Oro. Dito ko napiling manirahan dahil malayo ito sa magulong buhay sa Maynila, at sapat na ang liit ng lungsod na ito para magtago. Nagtatrabaho ako bilang isang saleslady sa isang sikat na cosmetics store sa loob ng isang simpleng mall dito. Mahirap, madalas ay sumasakit ang mga binti ko sa buong araw na pagtayo at pag-asikaso sa mga kustomer, ngunit lahat ng pagod ko ay agad na napapawi sa tuwing uuwi ako at makikita ko ang mukha ng aking anak.Oo. Hind
Mabilis kong hinila ang makapal na kumot at ipinangtakip ko sa aking katawan. Ang puso ko ay tila sasabog sa sobrang bilis ng tibok nito habang nanginginig na ang buong sistema ko. Tumingin ako kay Sir Raf na dahan-dahan ding nagmulat ng mga mata dahil sa malakas kong pagtili.Pero imbis na mataranta siya katulad ng reaksyon ko, prente lang siyang bumangon. Ni hindi inalintana ang katotohanang wala rin siyang saplot sa katawan. Pasimple lang niyang dinampot ang isang bathrobe sa gilid ng kama at isinuot iyon bago hinarap ang natatakot kong mga mata."S-Sir... Ano'ng... Bakit niyo nagawa 'to sa akin?!" sumisikip ang dibdib kong tanong, ang luha ko ay nag-uunahan na sa pagpatak. "Bakit niyo ako ginalaw?! Ano'ng ginawa niyo sa akin?!"Ang huling naaalala ko ay ang sakit ng pagtataksil ni Stefano, ang pagkalunod ko sa alak sa bar, at ang boses ng isang lalaki. Hindi ko naman sukat akalain na siya nga 'yung lalaki kagabi!"Calm down, Pao. Let's talk like civilized adults," pautos ngunit ma
“Pao, pakidala naman ito sa office ni Sir. Kailangan na kasi ito,” utos ni Ma'am Eliana, ang senior namin dito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.Tumango ako at kinuha ang makakapal na folder mula sa kanyang mesa. “Sige po.”Hindi pa man ako nakakalayo sa palapag na iyon ay nagsimula na naman magbulungan ang ibang officemates namin. “Panigurado, sinadya na naman ni Sir na siya ang utusan. Ano kayang nakita sa kaniya ni Sir, ’no?”"Ewan ko ba kay Sir. Balita ko pa naman may fiancée na siya. Malapit na nga silang ikasal, e.”"Maganda naman si Pao. Hindi lang palaayos. Huwag nga kayong magchismisan. Baka naririnig na kayo niyan…”Hilaw akong napangiwi. Sana aware sila na dinig na dinig ko sila. Pero dahil sanay naman ako sa paganito nila, nagkunwari na lang akong walang narinig at nagpatuloy na sa pag-akyat papunta sa opisina ni Sir. Magdadalawang taon na ako rito bilang normal na empleyado. At sa dalawang taon ko na rito, parang araw-araw ko na naririnig ang usap-usapan nilang may gu







