Share

Chapter 11

Hindi na muli pang nakita ni Kelly si Ryker pagkatapos magpaalam ng binata na bumalik ito sa syudad. Kung bibilangin niya ang araw na hindi ito bigla sumusulpot sa library ay halos isang linggo na ang nakalipas. At aminin niya na may oras na napapasulyap siya sa pinto upang tignan kung naroon ang binata at pinagmamasdan siya. Kung ma-re-realize niya ang kinikilos ay agarang kinakastigo niya ang kaniyang sarili. Ilang beses pa nga siyang ginulat ni Samuel dahil nakatulala raw siya sa pinto na animo naghihintay ng pasko.

Ang kaibigan niyang si Arthur ay minsan na ring naabutan siya sa ganoong momentum at nakakatanggap siya ng batok dito. Pasimple na lamang siyang kikilos ng kaswal at magdadahilan na may iniisip siya. Subalit hindi nito tinanggap ang rason niya. Mataman itong mapapatitig sa kaniya na parang inaarok ang iniisip niya. At kapag susubukan niyang mag-iwas ng tingin ay paniningkitan siya nito ng mata. Ngunit magkaganun pa man ay hindi niya ibubuka ang bibig upang magpaliwanag
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status