Share

Chapter 12

Pagkarating nila ng hospital ay nagmamadali na siyang pumasok at tinanong ang isang nurse na nakatuka sa information desk kung nasaan ang kan'yang Lolo Manuel. Nang sinabi nito ang operating room ay lakad takbong binaybay niya ang pasilyo hanggang sa makita niya ang magulang na naroon at naghihintay sa labas ng OR. Napahinto siya at kumuyom ang kan'yang kamao habang namamalisbis ang luha sa mata niya. Pakiramdam niya ay may nagtatakbuhang kabayo sa dibdib niya dahil sa kirot nang makita ang namumugtong mata ng magulang at kamag-anak niya.

Biglang naparalisa ang buong katawan niya at hindi siya makakilos. Humihigpit na rin ang dibdib niya at hindi makahinga sa labis na takot at pag-aalala. Ang huling beses na tumapak siya rito sa hospital ay noong nagkasakit ang kaniyang lola sa mother's side. Na-diagnosed ito ng cancer at nasa last stage na. Ganito rin ang naging reaksyon niya noon na halos ayaw niyang makita ang abuela. Nakatayo lamang siya sa labas ng private room ng halos kalahari
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status