Share

Chapter 26.1

Bumalik na kami ni Nezoi sa loob at gusto pa ni Nezoi na sama-sama na kami sa iisang kwarto. Sinamaan ko siya ng tingin at natawa-tawa naman siyang sinabi na nagbibiro lang daw siya at doon daw kami sa guest room. Pumunta kami roon, at malaki rin ang guest room kaya kasyang-kasya na kaming magkakapatid dito. 

Kinuha na muna namin ang gamit namin mula sa sala at saka na kami nagtulung-tulong na mag-ayos ng gamit namin dito. Masaya kaming nag-aayos at puro tawanan lang ang maririnig dito, at sobrang ingay namin ngayong apat dito sa condo ni Nezoi. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti na lang nang wala sa oras dahil sa nagaganap sa amin ngayong sandali na ito.

"Hoy, Veni! Akin 'yang damit na iyan, favorite ko pa naman 'yan. Akin na 'yan!" sigaw ni Vici sa kakambal niya, at tiningnan ko naman kung anong damit 'yon. Nang makita ko ay paborito nga itong damit ni Vi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status