Present...
SA sari-saring kulay ng ilaw sa bar na iyon ay tulala sa kawalan si Elizabeth. Kahit nasa isang mamahaling bar siya kasama si Veronica ay hindi niya lubusang mag-enjoy.
May bago ba sa pagpunta niya sa bar kasama ang kaibigan? Wala. Ang pagtungo nila roon ay para nang normal kay Elizabeth, lalo na nga kung out of the country si Carson dahil sa business nito.
Sa tatlong taon nila bilang mag-asawa ay palagi nang ganoon ang kanyang sitwasyon. Aalis ito at maiiwan na naman siyang nag-iisa. Mag-asawa sila ngunit parang magnobyo. Palagi na ay wala si Carson para sa kaliwa’t kanang business meetings.
Bago niya panakasalan ang lalaki ay hindi sumagi sa kanyang isipan ang ganitong sitwasyon. Kung minsan naman ay gusto siya nitong isama ngunit hindi siya sumasama. Para sa kanya ay ganoon pa rin naman ang magiging sitwasyon kapag sumama siya rito. Maghihintay pa rin naman siya. Ang kaibahan nga lang ay nasa ibang bansa siya at wala sa bar na parati niyang pinupuntahan kasama ang kaibigan.
Ngayon, dalawang araw na nakalilipas mula nang umalis si Carson patungong Turkey upang asikasuhin nang personal ang isa pang business nila roon.
Ang pagpitik sa ere ni Veronica ang siyang pumutol sa malalim na pag-iisip ni Elizabeth. Kagyat siyang napakurap at napatitig dito.
“Uy, Beth!” sigaw nito sa kanya dahil sa lakas ng sound system sa loob ng bar. “Are you okay?”
Pinagmasdan niya ito. Nasa dalawang kamay nito ang dalawang shots ng tequila. Ang isa ay inabot sa kanya.
Nginitian at tinanguan niya ang best friend since high school. Ito lang talaga ang buddy niya sa lahat ng adventure niya.
Umupo ito sa kanyang tabi. Bahagya pa itong napapaindak sa saliw ng tugtugin.
“Sis, hindi ako naniniwala. Huling-huli kita kanina, tulala ka at parang nasa Turkey ang isip mo. Naku, kasalanana mo ’yan. Inaaya ka ng asawa mo pero ayaw mo namang sumama,” anito malapit sa kanyang tainga.
Tumawa na lamang siya bilang tugon. Hindi talaga siya maaring magsinungaling dito.
“Okay lang ’yan. Mag-enjoy na lamang tayo. Tingnan mo ’yong cute guy sa kabilang table. Kanina niya pa ako tinitingnan. I think he likes me,” saad nitong tila iniipit sa kilig.
Sinundan naman niya ng tingin ang tinutukoy nito at tama nga ang kaibigan. May hitsura ang lalaki at nakatingin ito sa kanilang table.
Mayamaya ay hindi na nakatiis ang lalaking tinutukoy ni Veronica at lumapit na sa kanilang table. May kasama ito nang magpunta sa kanila.
“Hi,” bati ng lalaki nang makalapit sa kanila. “I’m Justine at ito naman si Niel,” pagpapakilala nito sa kasama.
Una nitong kinamayan si Veronica kasabay ng pagpapakilala rin ng kaibigan sa sarili. Siya man ay ganoon din nang kamayan siya nito.
“We bet na gusto niyong may makausap so we...” Tumawa ito na tila nahihiya pa.
“Sure, okay lang. New friends,” si Veronica.
Umupo ang dalawang lalaki sa sofa na kanugnog ng kanilang table and they called the waiter to order more drinks.
And that’s the night how it gets started. Nakipag-inuman, kuwentuhan at nakipagsayaw sila sa mga nakakasalamuha sa bar. Sa paglipas ng magdamag ay hindi na naman namalayan ni Elizabeth.
Nang kanyang alamin kung nasaan ang kaibigan ay hindi na niya matagpuan ito. Napailing siya. Hindi naman na bago sa kanya iyon. Sa paglalim ng gabi ay kusa na itong nawawala at hindi na niya alam kung ano na ang ginagawa nito.
Kinuha niya ang clutch at nag-iwan ng pera sa mesa. Tumayo na siya upang umuwi. Kaya pa naman niyang magmaneho.
Kahit bahagyang nagpapaekis-ekis ang lakad ay nagawa pa rin niyang maglakad hanggang sa entrance ng bar at bago pa man siya makalabas nang tuluyan ay may nabangga siya dahilan upang mawalan ng balanse.
Inaasahan na niya ang pagbagsak sa sahig ngunit hindi iyon nangyari. Ang dapat sanang pagbagsak ng kanyang katawan ay napigilan nang isang braso ang mabilis na pumulupot sa kanyang bewang at umalalay sa kanya. Habang ang isang kamay naman nito ay nakasapo sa kanyang likod.
Nang alamin niya kung sino ang taong iyon ay tila hinipan siya ng malamig na hangin. Kaagad na nagbalik sa kanyang alaala ang mga bagay na ginawa niya noon na labis niyang pinagsisihan.
Napabitiw siya rito at pinilit na tumayo nang tuwid. 'Jarren...'
“Beth...” anito sa mahinang tinig.
Kaagad na nag-init ang pakiramdam niya sa paraan ng pagtawag sa kanya ni Jarren.
Nilagpasan niya ito at nagtungo sa sariling kotse. Subalit bago pa man siya makasakay nahawakan na siya ng lalaki sa braso.
“Ihahatid na kita. Hindi mo na kayang magmaneho sa estado mo.”
Mabilis niyang binawi ang braso mula rito. “Huwag mo akong pakialaman. Umalis ka na.”
“Beth—”
“Ano ba Jarren? Ayaw kong magkaproblema. May asawa akong tao. Umalis ka na, puwede? Isipin mo na lang na— na hindi tayo nagkita rito.”
Akmang sasakay na siya sa kotse nang makaramdam siya sa kanyang sikmura. Kaagad na bumulwak ang maasim na likido mula sa kanyang bibig. Sa kanyang pagduduwal ay kanyang naramdaman ang paghaplos ni Jarren sa kanyang likuran bagay na hindi na niya kinontra pa.
Nang matapos sa pagduduwal ay dama ni Elizabeth ang panghihina ng buong katawan. Kaya nang siya ay akayin ni Jarren pasakay sa passenger’s seat sa kanang bahagi ng kanyang kotse ay hindi na siya umalma pa. Hindi niya akalaing ganoon pala karami ang kanyang nainom na alak. Ang alam kasi niya ay kaya pa niya at makakauwi nang mag-isa.
Nang makasakay na sa kotse at maisandal ang ulo sa headrest ng upuan ay bahagyang nakaramdam ng ginawa si Elizabeth. Ngunit ang pag-ikot ng kanyang paligid ay hindi pa rin nababawasan.
Samantala, si Jarren naman ang siyang umupo sa driver’s seat. He starts the engine while looking at her. Mayamaya pa ay may inabot ito sa kanya.
“Here, take this. It can help you to relax.” Isang maliit na plastic na naka-sealed at naglalaman ng dalawang pirasong tabletang puti.
Kahit nahihilo at nahihirapang idilat ang mga mata’y hindi niya makakalimutan kung ano ang bagay na iyon. Hinding-hindi rin niya makakalimutan ang epekto ng gamot na iyon.
Hindi siya sumagot at sa halip ay ipinikit na lamang ang mga mata.
“Alam kong hinahanap-hanap mo rin ito. Kahit isa lang,” pagpipilit nito.
Tama si Jarren. Kung minsan ay nasasabik sa gamot na iyon. At minsan lang din siya magkakaroon ng ganoon. Kinabukasan naman ay mawawala na rin ang epekto niyon.
Sa naisip ay muling dumilat si Elizabeth at kinuha ang inaalok ni Jarren. Kahit walang tubig ay nagawa pa rin niyang malunok ang dalawang tableta nang walang kahirap-hirap.
Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakaramdam ng ginhawa si Elizabeth subalit kapalit naman niyon ay ang tila pagkakaroon ng munting init sa kaibuturan ng kanyang katawan. Para bang may baga roon na hindi maaaring mahanginan dahil kung oo ay siguradong sisiklab ang apoy.
Napasulyap siya kay Jarren na abalang nagmamanehong tila wala roon ang kanyang presensya. Bago niya muling ipikit ang mga mata’y sumagi muna sa kanyang isipan ang hubad na pangangatawan ni Jarren. Dahilan upang lalo siyang makaramdam ng init ng katawan.
Sa tingin ni Elizabeth ay mukhang magiging kapana-panabik na namang muli ang gabing iyon para sa kanila ni Jarren at isang bagay na rin na kanyang pagsisisihan kapag humupa na ang kanyang tama.
KAHIT mahapdi ay pinilit pa ring imulat ni Elizabeth ang mga mata. The first thing that registered in her mind was that the room she was in is unfamiliar. Very masculine ang interior design at maging ang air purifier na kanyang naaamoy ay iba at hindi pamilyar sa kanya.Mayamaya pa ay napabalikwas na lamang siya ng bangon nang maalalang si Jarren ang kanyang huling kasama kagabi. Kaagad siyang napalingon sa gilid at doon ay natagpuan niya ang lalaking natutulog pa. Kapwa sila mga hubad at ang tanging nagiging takip lamang ay ang puting malaking comforter. Sa sobrang pagkadismaya sa sarili ay naihilamos ni Elizabeth ang dalawang palad sa sariling mukha. 'You did it again, Elizabeth!' pangangastigo niya sa sarili. 'Napakat*nga mo!'Hindi na siya naghintay pa ng ilang sandali. Umahon siya mula sa kama. Binalewala niya ang sariling malantad ang kahubdan saka isa-isang pinulot ang mga kasuotan. Nang matapos ay siya namang harap niya kay Jarren na ngayon pala ay nakatunghay lamang sa kany
“ELIZABETH.”Elizabeth immediately stopped from her doing when she heard her husband’s voice. Naroon siya sa bandang likuran ng bahay kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Doon ay kasalukuyan niyang nililinis ang kotse.She saw the furious look on Carson’s face when she looked at him. Nakasuot pa ito ng pang-opisinang damit at mukhang kakarating lang mula sa biyahe. After looking at his appearance, her eyes flew to the papers that he was holding tightly. Malinaw na mababanaag sa anyo ng kanyang asawa ang galit. Dahil naman doon ay unti-unting bumangon ang kaba sa kanyang dibdib.“Hon—” kaagad na naputol ang mga sasabihin ni Elizabeth nang iabot nito sa kanya ang mga hawak ng asawa na papel.But to her surprise, it was a picture and she became uneasy when she saw who was in the picture. It was her with Jarren and they are so close to each other. Halos nakayakap na siya sa lalaki. Kinunan ang litrato mula sa labas ng building ng pad nito and they were about to get inside. Bahagya nama
“MANANG Selma, ang ate po? May dala akong oranges, paborito niya,” sabi ni Elysse sa punong mayordoma ng pamamahay ng mag-asawang Guillermo.Tanghali na nang mga oras na iyon at naisipan niyang bisitahin at kumustahin ang nakatatandang kapatid na si Elizabeth. Matagal na ang huling beses na nakasama at naka-bonding ang kapatid mula nang magpakasal ito kay Carson Guillermo— the most handsome, powerful and eligible bachelor of their batch during their college days na ngayon ay isa nang doktor sa isa mga pinakamalaking hospital dito sa Pilipinas. Katunayan nga niyan ay high school pa lamang siya nang makilala mula sa malayo ang lalaki. Noong isang araw ay biglang nagpakita ang kanyang kapatid ngunit mabilis lamang. “Hindi pa rin po nakakauwi, Maʼam, eh.”Buhat sa sinabi nitoʼy nahinto siya sa paglalagay ng mga prutas sa loob ng refrigerator. “Bakit, saan siya nagpunta?”“H-hindi ko po alam. Basta maaga po siyang umalis kaninang umaga.”Mabilis siyang dumukot sa bulsa upang ilabas ang p
ISANG buwan ang lumipas, nananatiling madilim pa rin ang daan para kay Elysse. Hindi pa rin niya makapa ang mga bagay na dapat gawin gayong hindi pa rin natatagpuan ang kanyang kapatid. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatagpuan si Elizabeth. Ang sabi pa ng mga rescuers ay maaaring nilapa na ng mga mababangis na hayop ang katawan ng kanyang kapatid kung kayaʼy wala silang matagpuang katawan. O kaya naman ay maaaring nahulog sa ilog ang katawan nito at humantong sa dagat. Sa dulo kasi ng masukal na kagubatan ay ang ilog na may malakas na agos ng tubig at nagdudugtong sa malawak na karagatan. Ang pangyayaring iyon kay Elizabeth ay kaagad na pumutok sa mga balita. Kahit sa social media ay trending ang balitang namatay na ito bagay na hindi na ipinagtataka ni Elysse. Asawa ito ng isang business tycoon kaya natural lamang iyon subalit, siya ay nananatiling tikom ang bibig sa pangyayari.Hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng mga awtoridad patungkol sa labi ng kanyang ate. Hindi pa
PAGBABA niya ng kotse ay agad siyang sinalubong ng police officer na siya ring tumawag sa kanya.“Nasaan po siya?” tukoy niya sa bangkay.“Sumunod po kayo sa akin,” saad nito kasabay ng pagpapatiuna sa paglalakad.Humantong sila sa isang silid at nasa gitna ang isang mesang siguradong kinalalagyan ng bangkay. Natatakpan iyon ng puting kumot. Doon sila huminto at hinayaan siya ng pulis na iangat ang kumot upang tingnan ang nasabing bangkay.Sa nanginginig na kamay ay dahan-dahan niyang hinila ang kumot na tumatabon sa mukha nito.She suddenly took a step backward when she finally saw the face of the corpse. Nabubulok na iyon at hindi na makilala. Mayroon na rin itong hindi nakakaayang amoy. Dahil sa hindi niya matagalan ang pagmasdan ang mukha ng bangkay ay napilitan siyang ibalik muli ang takip sa mukha nito. Still, she couldnʼt take away her eyes off that corpse. Hindi matanggap ng kalooban ni Elysse na iyon nga ang kanyang kapatid.Mayamaya pa ay bigla na lamang dumating si Carson a
“MULA nang mawala si Elizabeth, palagi na lamang ganyan si Carson. He always gets drunk. Hindi rin siya kumakain. And every time I tried to reach him, he would just ignore me,” puno ng pag-aalalang lahad ni Celestine kay Elysse. “Mahal na mahal niya ang ate mo.” Sinulyapan niya ang bahagyang nakapinid na pinto ng kuwarto ni Carson mula sa ibaba. Nakatulog na ang lalaki nang siya ay lumabas. Marahil, dala na rin ng alak at pagod ay nakatulog ito. Ngayon, nasa sala na sila ng ginang at nag-uusap. “Hija, thank you for helping Carson this time. Alam ko, nagluluksa ka pa rin pero hetoʼt inaalala mo pa ang iba. Pasensya—” “No, Tita. Itʼs fine. Mabuti nga po at tinawagan niyo agad ako. Carson is like a brother to me.” “Ngayon ako nagsisisi kung bakit nag-iisang anak lang si Carson. I mean, sana hinayaan kong mabuntis pa ako ulit para naman may kapatid pa siyang matatakbuhan at mapagsasabihan ng mga problema. You know Carson well, very secretive. He didnʼt wants to share his feeling even
PAGDATING sa bahay ni Carson ay kaagad nang isinalang ni Elysse ang dalang ulam sa microwave oven upang initin. Pagkatapos, ang mesa naman ang kanyang inasikaso. Ngunit kaagad rin siyang tumigil sa ginagawa. Sa tingin ba ng dalaga ay mapapalabas niya ng silid ang lalaki at dudulog sa hapag nang ganoon ang sitwasyon nito? Bumuntong hininga siya. Hindi niya gaya si Carson na bahagya nang nakakaahon mula sa lungkot. Inayos na lamang niya ang pagkain upang dalhin iyon sa kuwarto ng lalaki. Binilinan muna niya si Andres na abala namang naglalaro sa sala. “Baby, bibigyan ko lang ng food ang Tito Carson mo, okay?” “Mom, is he sick?” “Ah, parang ganoʼn na nga. Hintayin mo ako dʼyan. Pagbalik ko, tayo naman ang kakain, ha?” “Opo.” Pagkatapos, tinungo na niya ang silid ni Carson. Inabutan niyang nakabukas ang pinto ng silid nito kaya pumasok na siya. “Carson?” Walang nakuhang sagot si Elysse kaya dumiretso na siya ng pasok. Kagaya ng una ay malungkot ang awra sa kuwarto ng lalaki. Madi
“RICHARD, pasok ka,” saad ni Elysse sa kaibigan at executive assistant ni Carson.Nang makaupo si Richard sa sala ay agad niya itong binigyan ng maiinom.Si Richard ang matalik na kaibigan ni Carson mula pa noong nasa high school pa lamang sila. Ito ang tumawag kanina sa cellphone ni Carson na siya ang nakasagot.“Kumusta si Carson? Tumatawag ako sa kanya para kumustahin pero hindi siya sumasagot.”Bago si Elysse magsalita ay napasulyap muna siya sa pinto ng silid ni Carson. “Ganoon pa rin siya. Hindi lumalabas ng kuwarto at nagluluksa pa rin. Halos ayaw ding kumain. Panay ang paglalasing.”Nakita niya ang pag-iling ng lalaki. Maging ito man ay sobrang nag-aalala sa kaibigan.“Can I see him?”Mabilis siyang tumango. “Oo naman.”Makalipas ang isang oras ay nagbalik na si Richard. Bumuntong hininga ito. “Tama ka nga. Naabutan ko siyang naglalasing na naman.”Hindi na siya kumibo. “He loves Elizabeth that much. Hindi ko inaasahang mararanasan nang maaga ni Carson ito. Ang maging isang b