Share

Chapter 32

“WOW! Iba talaga kapag alagang Guillermo. Naghuhumiyaw sa ganda at gara ang mansion niyo,” buong paghangang sabi ni Marian nang makapasok nasa living area ng bahay nila Elysse. “Dito na ba talaga kayo nakatira?”

Bumuga siya ng hangin bago sumagot. “Oo,” tipid niyang sagot.

Nginusuan siya ng kaibigan. “Ang tipid mong sumagot. Alam mo bang nag-alala ako sa ’yo? Pasulpot-sulpot ka na lang sa trabaho. Ano bang nangyayari sa ’yo?”

Kaninang umaga kasi ay tumawag ito sa kanya dahil hindi na naman siya nakapasok gaya ng inaasahan niya kagabi. Inakala nitong may sakit siya at nagpumilit na bisitahin siya sa kung saan mang lugar siya naroroon ngayon. Wala namang balak na itago ni Elysse ang totoong nangyayari sa kanya ngayon kaya sinabi na niya kung ano ang address ng bahay ni Carson.

Sa pag-upo nilang dalawa sa sofa ay agad namang naghain ng cake at juice si Dindin. Hinintay nilang makaalis ito bago muling nag-usap.

“Ang laki ng ipinayat mo, Ely sa ilang araw na pagsulpot-sulpot mo sa trabaho
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status