The Second Mrs. Guillermo

The Second Mrs. Guillermo

last updateLast Updated : 2022-12-27
By:  Thale01Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
36Chapters
2.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Si Elysse Dela Serna ay pangalawa at bunso sa magkapatid. Subalit sa kanilang magkapatid ni Elizabeth ay mas siya ang matured at umaaktong nakatatanda. Matiyaga siya sa lahat ng pangarap at gusto niya sa buhay. Mahal na mahal niya ang kapatid dahil sila na lamang dalawa ang magkasama mula nang mamatay sa isang car accident ang kanilang mga magulang. Upang malaman ang dahilan ng pagpapakamatay ng kanyang kapatid ay hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng dating asawa ng nakatatandang kapatid at maikasal din dito. Doon niya natuklasan ang lahat ng katotohan pati na ang toong ugali ng ina ng kanyang asawa. Upang makuha ang hustisya para sa kapatid ay walang takot na hinarap ni Elysse ang lahat ng panganib. Kahit lalong lumalalim ang kanyang pagmamahal kay Carson ay itinuloy pa rin niyang kalabanin ang ina nito. Ngunit, hindi naman niya inaasahang buhay pa pala ang kanyang kapatid at ngayon ay malaki ang galit sa kanya dahil sa pag-aakalang tinaraydor niya ito. Si Celestine na kanyang biyenan din ang pilit na sumisira sa kanilang kapatid. Upang magkaayos silang magkapatid ay ginawa niya ang lahat upang mailabas ang katotoohanan sa mga kasamaan ni Celestine Sa huli ay nakamit din nina Elysse at Elizabeth ang hustisya. Sila naman ni Carson ay nauwi rin sa pagiging masayang pamilya dahil bawat isa ay nagkapatawaran na. Inamin din nitong totoong pag-ibig ang nararamdaman ng lalaki para sa kanya sa kabila ng mga nangyari sa kanilang trahedya.

View More

Chapter 1

Chapter 1

Five years ago...

“ELYSSE, puwede bang humingi ng pabor sa ʼyo?” tanong ng kanyang kapatid na si Elizabeth habang sila ay nanonood ng movie sa sala nang araw na iyon.

“Ano iyon, ate?” sagot naman niyang hindi inanaalis ang paningin sa tv screen.

“Si C-Carson...”

Doon naman niya saka nagawang lingunin ang kapatid nang mabanggit nito ang pangalang nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

“Si Carson? B-bakit, ate?” Pinilit niyang huwag kabahan sa mga maaaring susunod na sasabihin ni Elizabeth.

“Gusto ko sanang tulungan mo akong imbitahan si Carson sa JS prom night para siya ang maging date ko roon.”

Pilit siyang ngumiti sa kanyang ate. “H-hindi ko alam kung maku—”

“Please, Elysse. Alam kong mas nauna mo siyang nakilala kaysa sa akin. Baka kapag ako ang nagsabi, mailang pa siya sa ʼkin. Tingin ko, kapag ikaw ang nagsabi, hindi siya tatanggi. Please, Elysse. Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito.”

Nasa first year high school pa lamang siya nang makilala niya si Carson sa isang charity event. Noong una ay hindi niya alam na anak pala ito ng may-ari ng isang malaking kompanya na ilang taon nang nagdo-donate sa bahay-ampunan na kanyang pinaglilingkuran at inaalagaan.

Tatlong beses sa isang taon ay nakikisali silang buong mag-anak sa pagtulong sa mga batang ulila sa ampunan. Para sa kanya ay ibang ligaya ang hatid niyon, ang makatulong sa kapwa.

Ngunit iba ang araw na iyon. Ang araw na iyon ang unang beses na nakita niya si Carson. Sa araw ding iyon ay hindi niya nakasama si Elizabeth dahil hindi maganda ang pakiramdam nito.

Cute, matangkad at hindi gaanong kaputian ang mayroon si Carson. Inakala ng dalagita na kagaya niya ay isang pangkaraniwang volunteer lamang ang binatilyo. Ngunit mali pala siya ng akala. 

Sa mismong araw ding iyon ay naging malapit sila nito. Madali naman kasing makapalagayang loob ang binatilyo. Hindi nakakailang pakisamahan. Marami ring kuwento sa mga bagay-bagay— gaya ng kung gaano ito kadalas nagpupunta roon sa bahay-ampunan.

Batid niyang isang araw pa lamang ang nakalilipas na nakasama niya si Carson ay talagang hinangaan na niya ito. Hindi na maalis-alis sa kanyang isipan ang guwapong mukha ng binatilyo.

Ang karanasang iyon sa kanya ay unang beses pa lamang kaya talagang kinakabahan siya sa tuwing nagkikita sila sa mga charity events.

Hanggang sa isang araw, mayroong bagong dating sa eskwelahan nila ang hindi matapos-tapos na pinagkukuwentuhan ng mga estudyante sa kanila, lalo ng mga kababaihang estudyante.

Laking gulat na lamang niya nang mapag-alamang si Carson ang bagong transferee sa eskwelahan nila. Sa mga usap-usapan lamang din ng mga kapwa niya kaeskwela nalaman ang tungkol sa pamilyang pinagmulan ng binatilyo.

Nag-iisang anak ito ng isang business man na magmamay-ari ng isa sa mga pinakamalaking contraction company hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa Asya. Hindi lamang isang negosyante ang ama nito, ang ama rin ni Carson ang nagmamay-ari sa seventy percent ng malls sa buong bansa. Ama rin nito ang nagmamay-ari ng mga sikat na beach resort sa ibaʼt ibang bahagi ng Visayas. At kung ano pa man ang iba pang ari-arian ang hawak ng pamilya Guillermo ay hindi na niya alam pa. 

Ang ina naman ni Carson ay isang half Filipina at half American. Dating modelo ng isang sikat na menʼs magazine na kalaunan ay huminto rin nang mabuntis.

Ang ibang mga impormasyong alam lamang niya tungkol kay Carson ay napag-alaman niya nang siya ay nasa bahay-ampunan. Ngunit hindi niya sukat akalain na ang noong nakakuwentuhan at naka-close niyang Carson ay ang nag-iisang anak pala ng isang business tycoon.

Mula noon, nahihiya na siya sa tuwing makikita ito. Madalas man siyang batiin ng binatilyo ay palagi nang matipid ang kanyang ganting bati. Sa palagay kasi niya ay hindi siya nababagay na dumikit sa isang tulad nito. Lubos siyang nalula sa katayuan nito sa buhay. 

Oo ngaʼt nakakapag-aral silang magkapatid sa isang eksklusibong paaralan at nakakasalamuha ang mga kagaya ni Carson. Ngunit indi pa rin sila matatawag na mga anak na ipinanganak na may ginintuang kutsara sa bibig. Nagkataon lang din kasi na talagang maganda ang naging trabaho ng kanilang ama sa kompanyang pinagtatrabuhan nito.

Chief Operating Officer ang kanilang ama sa isang kompanya na ang produkto ay mga sasakyang pangkarera. Kaya talagang hindi rin masasabing napag-iiwanan sila sa buhay.

“Elysse?”

Ang tinig ni Elizabeth ang muling nagpabalik kay Elysse sa kasalukuyan.

“Aasahan kong tutulungan mo ako kay Carson,” turan muli ni Elizabeth sa kanya.

“S-sige, ate. Susubukan ko.”

SA HINDI mabilang na pagkakataon ay muling bumaling si Elysse sa kanang bahagi ng kanyang kama.

Sa gabing iyon ginaganap ang prom night ng eskwelahan nila kung saan din naroon ang kapatid na si Elizabeth. At gaya nga ng hiniling ng kanyang kapatid ay nangyari ngang si Carson ang naging kapareha nito. Dapat sana ay naroon din siya subalit mas pinili na lamang niya ang manatili sa bahay. Dahil sa palagay ng dalaga ay hindi rin naman siya mag-e-enjoy doon. 

Nang sabihin niya kay Carson na gusto itong makilala at makapareho ng kanyang nakatatandang kapatid ay madali namang sumang-ayon ang binatilyo.

Hindi niya inaasahan na ang gabing iyon pala ang magiging simula ng pagkakabuo ng relasyon sa pagitan ni Elizabeth at Carson. Habang siya, tahimik lang na nanonood mula sa malayo. Mas pinili na lamang niya ang kalimutan ang munting usbong ng paghanga kay Carson at para na rin sa kapatid.

Umabot nang ilang taon ay nananatiling matatag ang relasyon ng dalawa. Sa ganoong isipin ay masaya na siyang parehong maligaya ang dalawang taong pinakamalapit sa puso niya.

Ngunit isang araw, may ipinagtapat sa kanya si Elizabeth dahilan upang halos ikalubog nito. Sinabi ng kapatid na dalawang buwan na itong buntis at siguradong hindi si Carson ang ama dahil nasa Amerika ang binata upang mag-aral. Long distance relationship ang mayroon ang dalawa. 

Nang mga panahong iyon ay pareho na silang ulila magkapatid. Namatay sa isang car accident ang mga magulang nila. Tanging siya na lamang ang maaasahan ng kapatid sa mga problemang tingin nito ay hindi kakayanin nang mag-isa.

“Paanong nangyaring buntis ka, ate?” tanong niya isang araw na umamin ito habang lumuluha. “Sino nakabuntis sa ’yo?”

Labing pitong gulang lamang siya habang ang kapatid naman ay malapit nang magbente uno.

“H-hindi namin ito sinasadya. Si Carson! Si Carson— huwag mong sasabihin sa kanya,” sabi nito kasabay ang pag-iyak. Ramdam din niya sa tinig nito ang panic.

“Sino ang ama?” Maging siya ay naghihirap ang kalooban sa sitwasyon ng nakatatandang kapatid. “Alam na ba ng lalaking iyon na nabuntis ka niya?”

Mabilis na hinawakan ni Elizabeth ang mga palad niya. “Hindi na mahalaga kung sino ang ama, Ely. Ayoko pang mabuntis, lalong hindi puwedeng malaman ni Carson ito. Siguradong iiwan niya ako at hihiwalayan.”

Mataman niyang tinitigan sa mukha ang ate. “Anoʼng balak mong gawin? Huwag mong sabihing—”

“Oo. Ipapalaglag ko ang batang ʼto.”

Napahumindig siya sa namutawi sa bibig ni Elizabeth. “Ate!”

“Ely, mahal na mahal ko si Carson. Ayaw kong mawala siya sa akin. Si Carson, siya lang ang lalaking mamahalin ko habang buhay. Ikamamatay ko kung mawawala siya sa ʼkin.”

Niyakap niya ang kapatid upang kahit papaanoʼy maibsan ang problemang dinadala nito.

“Nandito ako, ate. Hindi kita iiwan, lalong hindi kita pababayaan.”

Mula sa pagkakayakap niyaʼy bumitiw ang nakatatandang kapatid sa kanya. “Talaga?”

Marahan siyang tumango.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
VeronicaVito3
Readers, should really take a minute to read this book... Just the first chapter and I'm hook. I love it and I'm continuing to read until its completed. Lovely storyline...️...️
2022-12-03 05:28:48
0
user avatar
Ângela Rodrigues Pereira
I’m starting to read ...️
2022-12-03 05:21:23
0
user avatar
Jared Altez
interesting...
2022-11-10 16:12:59
0
36 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status