Share

Chapter 3

KAHIT mahapdi ay pinilit pa ring imulat ni Elizabeth ang mga mata. The first thing that registered in her mind was that the room she was in is unfamiliar. Very masculine ang interior design at maging ang air purifier na kanyang naaamoy ay iba at hindi pamilyar sa kanya.

Mayamaya pa ay napabalikwas na lamang siya ng bangon nang maalalang si Jarren ang kanyang huling kasama kagabi. Kaagad siyang napalingon sa gilid at doon ay natagpuan niya ang lalaking natutulog pa. Kapwa sila mga hubad at ang tanging nagiging takip lamang ay ang puting malaking comforter. 

Sa sobrang pagkadismaya sa sarili ay naihilamos ni Elizabeth ang dalawang palad sa sariling mukha. 

'You did it again, Elizabeth!' pangangastigo niya sa sarili. 'Napakat*nga mo!'

Hindi na siya naghintay pa ng ilang sandali. Umahon siya mula sa kama. Binalewala niya ang sariling malantad ang kahubdan saka isa-isang pinulot ang mga kasuotan. Nang matapos ay siya namang harap niya kay Jarren na ngayon pala ay nakatunghay lamang sa kanya.

“You are very wild last night, Elizabeth. As if you missed me that much,” anitong may mapanuksong ngiti sa mga labi.

Kaagad na lumarawan ang galit sa kanyang mukha. “Puwede ba? Tigilan mo na ako. Ayaw na kitang makita pa.”

“Hindi iyan ang sinabi mo sa akin kagabi, Beth.”

“Sinamantala mo ako at hindi totoo ’yang mga sinasabi mo. Kay kung anuman ang mga nasabi ko sa ’yo kagabi, kalimutan mo na.”

“Beth, hindi mo ba alam kung nasaan ka ngayon? Nandito ka sa pad ko. Ibig sabihin, you came here voluntarily with me. You did grab me last night as if I’m like prey for you when we entered here, didn’t you?”

“That was not me, Jarren. You gave me those drugs last night kaya ako nagkaganoon. Hindi ko alam ang ginagawa ko.” Inayos niya ng mga daliri ang sariling buhok.

“No, Elizabeth. You took it. Hindi ko ipinilit sa ’yo ’yon. Anyway, you did very well last night. You’d satisfied me at the very best.” Hindi pa rin nawawala ang mapanuksong ngiti nito.

Naglapat nang mariin ang kanyang mga labi. “Please, Jarren. Tigilan mo na ako. Ayaw ko ng ganitong sitwasyon. Gusto ko nang magbago at maging maayos ang pagsasama naming mag-asawa.”

“Paano kung ayaw ko?” He got out of the bed, ignoring his nakedness. Kumuha ito ng tuwalyang nakasabit lamang sa sandalan upuan. “F*cking with me for the first time is exceptional but doing it for the second time is unforgivable and unforgettable. Paano ko paniniwalaan ang sinasabi mong gusto mong umayos ang buhay mo?”

“Sa parehong pagkakataon, Jarren, lulong ako sa drugs at hindi ko alam ang ginagawa ko. Huwag mo nang bigyan pa ng ibang kahulugan ang mga namagitn sa atin dahil iyon ang bagay na sobra kong pinagsisisihan.”

Nanggigigil siya sa lalaki ngunit huli na upang siya magalit pang lalo. She knew she acted like a wh*re last night. She knew it because it is not the first time they slept together.

In the end, she chose to find her way to leave out of that room but before she could do that, Jarren speak again.

“See you again, Beth.”

Hinarap niya ito. “No, Jarren. Not again anymore. This will be the last time I would do such a dirty thing with you. Pinagsisisihan kong nagkita tayo sa bar kagabi.” Muli siyang humakbang ngunit nagsalita pa rin ito.

“Why won’t admit it? Mas napupunuan ko lahat ng pagkukulang ng asawa mo.”

Hindi na niya pinansin ito at nagtuluy-tuloy na sa paglabas hanggang sa makarating na siya sa lobby ng building.

But before she could exit that building, she felt her stomach ache which makes her about to puke. Mabilis pa sa alas kuwatrong naghanap siya ng rest room. Lahat ng maaari niyang ilabas ay naisuka na niya subalit naroon pa rin ang kanyang pakiramdam na tila umiikot ang buong paligid. 

Nagtataka si Elizabeth sa nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya ugaling sumuka sa umaga pagkatapos ng inuman sa magdamag. 

Kahit medyo hirap ay pinilit pa rin niyang tumayo nang tuwid mula sa pagkakatuwad sa harap ng sink in ng cr.

“Miss, okay ka lang?”

Napatingin siya sa babaeng nagtanong sa kanya kasabay ng pag-abot nito ng tissue. Awtomatikong napadako ang kanyang mga mata sa nakaumbok nitong tiyan. Malinaw na malapit na itong manganak sa laki niyon.

Kahit alanganin ay tinanggap pa rin niya ang tissue mula rito saka nagpahid ng labi. Umusal siya ng pasasalamat sa babae. Nakita niya ang pasimpleng pagsulyap sa kanyang palasingsingan.

“Alam mo, ganyan din ako no’n bago ko malamang buntis ako. Tingin ko lang buntis ka kasi pansin ko, may suot kang wedding ring.”

Tila naman huminto ng ilang segundo ang kanyang mundo nang marinig ang itinuran ng estrangherang babae. Kaagad din rumehistro sa kanyang isipan kung gaano na katagal mula noong huli siyang nagkaroon ng buwanang dalaw.

Wala sa sariling humakbang siya palabas ng rest room. Nang makalabas ng building at makakita ng masasakyan ay agad siyang nagpahatid sa pinakamalapit na clinic para sa mga buntis.

Malakas ang kanyang kutob na nagdadalang tao na siya. Wala pa man ay kusang gumuhit ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Elizabeth. Kung sakali man ay magkakaroon na pala sila ng supling ni Carson. 

Pagkatapos ng mga pagsusuri sa kanya ay lumabas ngang siya ay nagdadalang tao ng dalawang buwan. Masayang-masaya si Elizabeth dahilan upang panandaliang mabura ang masamang nangyari kagabi sa kanila ni Jarren.

Sa pagbabalik ng kanyang asawa ay ibabalita agad niya rito ang pagbubuntis at siguradong matutuwa ito oras na malaman ang kanyang sitwasyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status