Hi, Sunshines! Sa next 17 chapters ay mas makikilala na natin si Sebastian Dior gano'n din ang pamilya niya. More secrets to be unraveled, so hold on tight! Thanks for reading, Sunshines 💛
First of all, thank you for reading "The Second Wife's Dilemma." Sa mga nakarating na sa higher chapters, siguro by now napansin niyo na how this book is not the typical marriage trope. Like betrayals, divorce, and regrets. It's because as this novel writer personally, I believe marriage is sacred. That sometimes it's necessary and worth it to fight for marriage. Anyway, this book is a real deal, as this story entered the world of marriage. Second, humihingi ako ng sorry kung mabagal ang chapter updates. Bukod sa busy sa personal life ay this time pinilit ko bantayan ang writing ko. Kasi kung napansin niyo, itinigil ko po ang novel na ito for quite a long time. It's because feeling ko may problem ito sa story pacing, so I took time to self-study kasi as a writer I always believe "my writing, my responsibility." Then after I returned, I edited this book. Anyway, completely edited na ito, and this time I made sure everything is balanced from emotions, pacing, actions, and dialogues. Re
MATAAS AT NAKAKAPASO na ang sinag ng araw nang nakalabas si Sebastian sa police headquarters. The autopsy of three culprits took place at the Crime Laboratory inside the police headquarters. It was done at the same time by many forensic pathologists. But even with the number of forensic pathologists, the autopsy still took a long time. Pagkatapos ng autopsy, inaya siya ni Chief Gonzales mag-lunch sa malapit na restaurant pero tumanggi siya. So many things happened; his body and mind were beyond exhausted. All he wants to do is lie down beside his wife and sleep for a very long time, but . . . he couldn’t even do this. “Fuck, Sebastian, how did you end up like this?!” Mahinang aniya habang umiling-iling. Mayamaya ay bumunghalit ang tawa niya. Nakahawak ang mga kamay niya sa magkabilang baywang habang nakatingala sa nakasisilaw na puting ulap. Dahil sa wirdong gawi ay hindi maalis pagtinginan siya ng mga tao. Mabuti na lang at napaalis na ng mga pulis ang reporters kani
SA POLICE CHIEF OFFICE . . . “What the hell happened?!” Sebastian irritatedly asked the moment he stepped inside the chief of police’s office. Mula sa office table ay nagbaling ng tingin si Chief Gonzales. Salubong ang mga kilay ni Sebastian, nakahalukipkip ang mga braso habang nakatayo sa pintuan. Kaagad tumayo si Chief Gonzales at sinalubong siya. Like typical police officers who worked in the office for years, he was on the chubby side. He was a big man but looks bigger because of his belly, but despite this, he looks decent. His grayish hair is clean-cut. His uniform looks neat, and his black shoes have a mirror shine. He doesn’t smoke, so there is no stale scent lingering around his office. “Mr. Dior, this way, please.” Turan nito na iginaya siya patungo sa conference table na nasa loob din ng opisina nito. “What happened?!” Rinig na rinig ang hapo sa tinig ni Sebastian. Pabagsak siyang naupo sa swivel chair. Humakbang naman ng malalaki si Chief Gonzales patungong
KINABUKASAN . . . Kumunot ang noo ni Sebastian pagkakita sa inabot sa kaniya ng second-in-command bodyguard. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim, naglalakad sila sa building lobby palabas ng Love Dior main office. Sa loob ng kulang isang linggo ay ngayon lang siya ulit pumasok ng opisina. Ilang araw niya ring ginawa ang trabaho sa ospital habang binabantayan at inaalagaan si Alexa. “Sir, ipinabibigay ito sa yo ni Mr. Wong.” “Luke?” Tanong niya na tinanggap ang cellphone. Saglit niya itong kinilatis at napagtantong cellphone ito ng asawa. “Yes, sir. Pinapasabi rin ni Mr. Wong na hihintayin ka niya sa Midnight Lounge ngayong gabi.” Madilim ang loob ng sasakyan habang binabaybay ang Midnight Lounge. Pero higit na madilim ang mukha ni Sebastian habang tiim-bagang na pinanood sa cellphone ng asawa ang malaswang video niya at ni Katelyn. Account niya ang ginamit pag-send ng video pero wala siyang nakitang anumang record nito sa cellphone niya. Nang mag-imbestiga ang mga pulis sa ya
ALEXA’S POV . . . “Katelyn, she . . . She drugs me . . .” Nanlaki ang mga mata ni Alexa sa tinuran ng asawa. Ipinilig niya ang ulo, at sa sulok ng mga mata ay nakita niya. Namumugto at namumula ang mga mata nito. Malaki at itim ang eyebags. Kalat-kalat ang balbas at magulo ang kulay tsokolate nitong buhok. Ngayon lang niya napansin, sa ilang araw lang na nakalipas mula ng insidente sa yate, na ang laki ng itinanda at ipinayat ni Sebastian. Kundi lang makinis ang balat at halatang branded ang suot mula ulo hanggang paa ay aakalain mong gusgusin ito. Katelyn! How could you?! Mariin niyang kinagat ang ibabang labi. Nagpuyos ang kalooban niya sa isipin na kagagawan itong lahat ng babae na iyon. Pero totoo ba? “Alexa, baby, asawa mo ko kaya dapat paniwalaan mo ko, di ba?” Garalgal ang tinig na pagkumbinsi sa kaniya ni Sebastian. Ang kaninang mga kamay sa magkabila niyang balikat ay tuluyan bumalot sa kaniya. Umangat ang mga braso niya; gusto niyang gantihan ito ng yakap. Saglit
“ANG SABI KO, BITAWAN MO KO! HUWAG MO KONG HAWAKAN!!” Dumagundong ang matining na tinig ni Alexa sa silid. Kitang-kita kung paano napatda ang lahat, lalong-lalo na si Sebastian. Ni minsan sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nasigawan sa harapan ng maraming tao, much more ang sampalin. He is Sebastian Dior, after all, so who would dare? Only her mother dared, and now his wife. “Kasalanan ko itong lahat! Nahuli ako kaya muntikan na mawala sa akin ang asawa ko.” Tiim-bagang niyang bulong sa sarili tapos nagkuyom ang mga palad. Sa kabila nito ay hindi niya maalis magdamdam kay Alexa. Kung alam lang nito kung gaano siya nahirapan huminga sa lahat ng oras na nasa bingit ang buhay nito. Hindi ba nito naramdaman sa yakap niya ang takot niya? O siguro kulang pa . . . Umangat ang magkabilang braso niya at parang batang pinunasan ng likurang mga palad ang basa sa luhang mga mata at muling humakbang palapit sa asawa. “Baby, I’m sorry kung nahuli ako. I’m sorry . . . Pero alam