Share

Chapter 5

Author: Gabriel Li
last update Huling Na-update: 2024-08-14 21:19:26

PRESENT . . .

Dumating ang ikatlong araw, ang takdang araw ng pagbabalik nina Sebastian at Alexa mula sa kanilang honeymoon.

Sinundo sila ng itim na SUV sa hotel at resort, parehong sasakyan na naghatid sa kanila ng nakaraang araw sa ilalim ng utos ng nanay ni Sebastian. Pero bago pa sila sumakay ng sasakyan ay hindi nalimutan ipaalala ni Sebastian sa kaniya na kontrata lang ang kasal nila. He also reminded her to act as a proper and modest wife, daughter-in-law, and stepmother. Most importantly, to never disobey him, her now one and only husband!

Matapos marinig ang mga salitang ito, mga salitang paulit-ulit nagdadala ng kirot sa puso ni Alexa ay hindi na sila muling nag-usap pa. Naging sobrang tahimik ang nagdaang oras hanggang tumigil ang sasakyan sa Forbes Makati sa harap ng mansyon ng mga Dior.

Mula sa loob ng sasakyan ay hindi maiwasan lumuwa ang mga mata ni Alexa. Kitang-kita kasi sa tatlong palapag na mansyon ang agwat ng pamumuhay nila. Mistula kasing hotel ang mansyon ng mga Dior. Bukod sa malaking garahe kung saan nakaparada ang mga mamahaling sasakyan ay mayroon din balkonahe ang bawat silid sa ikalawa at ikatlong palapag. Tapos sa labas ng pangunahing pinto ay nakalinya ang mga katulong na nag-aabang sa kanila.

Gano’n pa man, kahit gaano ito karangya at kaganda ay hindi magawa ni Alexa na manabik.

Bumukas ang pintuan ng sasakyan at bumungad sa paningin niya ang nakangiting mukha ng asawa, nakamuwestra ang palad nito sa kaniya. Alam niya na palabas lang ito, kaya sa halip tanggapin ay nilampasan niya ito na halata naman ikinainis nito. Mabilis kasi siya nitong hinabol at hinablot ang mga palad niya. Mariin at may pisil ang hawak ni Sebastian sa kaniya.

Sa inis nila sa isa’t isa ay hindi na nila nabigyan pansin ang malugod na pagbati ng mga katulong. Sinubukan agawin ni Alexa ang palad sa asawa, pero siyang dating naman ng pamilya Dior.

“Welcome home, hija!” Masayang turan ni Madam Antoinette, ang lola ni Sebastian, niyakap nito ng mahigpit si Alexa.

“Thank you, Madam.”

“Granny, hija. “Mula ngayon Granny na ang itawag mo sa akin, dahil apo na kita.”

Ilang na ngiti lang ang isinagot ni Alexa sa matanda.

“Pasensya ka na kung hindi sa ibang bansa ginanap ang honeymoon niyo, sobrang busy kasi ng schedule ni Sebastian.” Walang tigil sa paghimas ng palad ni Alexa ang matanda.

“Did you enjoy your honeymoon, Son?” Tanong ni Madam Mikaela, ang nanay ni Sebastian.

Nagpakawala ng pilyong ngiti si Sebastian bilang tugon at maagap na inakbayan si Alexa at masayang sumagot. “Of course, Mama, and it’s all thanks to my kind wife. Hindi kayo nagkamali ng pagpili sa kaniya.”

Kita ang galak sa lola habang yabang naman ang sa nanay ni Sebastian. Sa kabilang banda, hindi maiwasan mamuo ang luha sa mga mata ni Alexa.

Paano’ng hindi gayong para sa kaniya ang honeymoon nila ang pangalawa sa pinakapanget na nangyari sa buhay niya.

Sa loob ng dalawang araw ay hindi lang siya iniwan ni Sebastian mag-isa, nag-liwaliw pa ito sa hotel at resort kasama ang kabit nito! Dahilan para mawalan ng mukhang iharap si Alexa sa mga tauhan ng hotel at resort. Kahit ano’ng yuko ay dama pa rin niya ang mga mata na puno ng awa para sa kaniya. Rinig pa rin niya ang mga bulungan tungkol sa gawa ng asawa.

Sa unang pagkakataon sa buhay niya, ay nalaman niya ang pakiramdam ng kaawa-awa. Dinaig pa niya ang mga pulubi na binigyan limos niya noon. Siya ang youngest madam ng isa sa pinaka-mayaman at pinaka-prominenteng pamilya sa bansa, pero siya ay kaawa-awa.

Tuluyan pumatak ang luha ni Alexa sa maputla niyang mukha, na hindi naman nakaligtas sa paningin ng biyenan.

“Umiiyak kaba, Alexa?” Nakataas ang kilay nitong tanong. Tumuon ang paningin ng lahat kay Alexa.

Dumapo ang mga palad ni Sebastian sa mukha ni Alexa. Pero bago pa nito mapunasan ang luha niya ay mabilis niyang iniwas ang mukha.

“Okay lang po ako . . .” sagot ni Alexa habang pinunasan ng sariling palad ang luhaan na mukha. Mauulinagan ang lungkot sa boses niya.

Kahit diskumpyado ang lola at nanay ni Sebastian ay pinili nilang hindi na usisain pa si Alexa. Inaya na silang lahat ni Madam Antoinette na pumasok ng mansyon dahil nakahanda na ang hapagkainan.

Kung nanlaki ang mga mata ni Alexa dahil sa exterior design ng mansyon ay nalaglag naman ang panga niya sa interior design nito. Animo’y palasyo sa gara sa gold at cream white na motif. Ang liwanag ng modern gold chandeliers ang lalong nagpakinang sa makintab na marbled tiles na sahig. Luxurious and spacious. Expensive and intimidating.

Mula sa eleganteng hagdan ay agaw pansin ang dalawang batang nag-uunahan bumaba na sinusundan ng mga katulong.

“Daddy!” Sigaw ng batang babae na mistulang prinsesa sa suot na bestida. Patakbo itong yumakap kay Sebastian.

Kaagad naman itong binuhat ni Sebastian sa mga bisig at pinaulanan ng mga munting halik na nagpahagikgik ng tawa dito.

“How’s my princess? And how about you, my prince?” Magkasunod na tanong ni Sebastian sa mga anak.

Magalang na lumapit at humalik sa mga nakatatanda ang batang lalaki, maliban kay Alexa.

“Wait. Where are your manners, kids?” Tanong ni Madam Mikaela.

“Sevie, Sav, greet your father’s wife, Alexandra. The newest addition to our family, the youngest Madam Dior,” turan ni Madam Antoinette.

Mabilis naman sumunod ang dalawang bata. Bumaba ang batang babae mula sa pagkakakarga ng tatay at namumulang lumapit kay Alexa.

Magkatabi ang dalawang bata, nilalaro ang kani-kaniyang kamay habang nakatayo sa harapan ni Alexa. Halos sabay silang yumuko at nagsalita, “Welcome home, Young Madam Dior.”

“Thank you. It’s nice seeing you again, Savannah and Sevier.” Nakangiting sagot ni Alexa habang magkasunod na pinisil ang matambok na pisngi ng mga bata. Ang ikinilos niyang ito ang bumura sa hiya ng dalawang bata. Ngumiti ang mga ito at yumakap sa kaniya.

Sa ilang taon na pagtuturo ni Alexa sa mga elementarya ay sanay na siyang makibagay sa mga bata. Mabilis din niyang makapalagayan-loob ang mga ito.

Kunot-noo at nakanguso naman si Sebastian na pinanood ang mabilis na nagkapalagayan-loob na mga anak at bagong asawa.

“Ehem!! “Kumain na tayo.” Seryoso nitong sabi tapos lumapit at hinawakan ang kamay ng mga anak.

Gano’n pa man, wala itong nagawa nang kapitan ng bunsong si Savanna ang kamay ni Alexa. Sa huli ay nagmukha silang kumpleto at masayang pamilyang tumungo sa magarang hapagkainan.

Tila pista, puno kasi ng iba’t ibang putahe ng pagkain ang mahabang lamesa.

*

TAHIMIK NA KUMAKAIN ang pamilya ng biglang umere ang boses ni Savannah. Ang tinuran nito ang nagpahinto sa pagkain sa mga tao sa lamesa.

“Daddy, I’m just thinking . . .” ngatngat nito ang labi. “What shall we call young madam? “Should we call her mommy?”

Naningkit ang mga mata ni Sebastian sa tinuran ng bunsong anak.

Bumulalas naman ang malutong na tawa ng lola pagkarinig sa pinakabatang miyembro ng pamilya. “Magandang tanong iyan, Sav. Syempre naman— ”

“SHE IS MY WIFE, BUT SHE IS NEVER YOUR MOTHER!” Mariing putol ni Sebastian sa lola.

“So you don’t need to call her that, you can call her Alexa,” habol pa nito saka bumalik sa pagkain. Kita naman ang dismaya ng lola at ng mga bata.

“Your daddy is right, Sav. But in the future, once you’re close enough with Alexa, you and your brother can call her mommy.” Pagtama ni Madam Mikaela. Matalim na tiningnan ang anak at mariin na nagsalita, “Because that’s the right thing to do. RIGHT, SON?”

Huminga ng malalim si Sebastian. “Only IF Alexa wants to.”

Dahil sa sinabi ni Sebastian ay napuno ng katahimikan ang hapag at pumukol ang lahat ng nagtatanong na mga mata kay Alexa. Hanggang sa binasag ito ng tanong ni Madam Antoinette.

“Ayos lang ba iyon sa ‘yo, Alexa, apo?”

Nang pumayag si Alexa na magpakasal kay Sebastian ay pinaalalahanan siyang mabuti ng kaniyang nanay na sa pagpapakasal dito ay kasama ang mga anak nito sa pakakasalan niya. Pinaalalahanan din siya nito na iba ang pagiging pangalawang ina sa mga estudyante kumpara sa pagiging madrasta lalo na para sa tulad niyang dalaga.

Pero pinili niya ito. Sa kabila ng lahat ng pagtutol ng nanay niya, pinili niya maging isang batang madrasta. At kung meron man siyang aral na dala mula pagkabata, iyon ay ang panagutan ang bawat desisyon.

Ano man ang sabihin ni Sebastian, nakapag desisyon na si Alexa. Magiging pinakamabuti siyang madrasta, mamahalin siya ng mga anak ng asawa higit sa kahit na sinong babae. At darating ang panahon na si Sebastian mismo ang pupunit sa kontrata na ginawa nito!

Tumigil si Alexa sa pagkain at hinarap ang matanda. “Syempre ayos lang po sa akin at ikakasaya ko po yon, Granny.”

Pagkatapos ay nakangiti niyang nilingon ang mga bata na nakaupo sa harapan nila ni Sebastian. “Maghihintay ako Sevier, Savannah, kung kailan handa na kayong tawagin akong mommy. And I promise to give everything to become a mommy worthy of the both of you.”

Saglit kumirot ang puso ni Sebastian sa narinig. Mataman nitong tiningnan ang asawa. Kinurot ng mga salita ni Alexa ang puso nito. Pilit pinapainit ang malamig nitong puso.

*

SA MATRIMONIAL ROOM ay tahimik na naghintay si Alexa na matapos sa pagligo si Sebastian. Nag-ikot-ikot siya sa malaking silid. Sa kama na tila kasya ang ilang tao sa laki. Sa study table na nakapuwesto sa tabi ng higanteng bintana. Nang mapagod ay naupo siya sa malaking sopa— sopa na sobra pa sa kaniya. Lahat ng bagay sa loob ng mansyon ay sadyang kay laki.

Bumukas ang pintuan ng ensuite bathroom at iniluwa ang asawa. Wala itong saplot pang-itaas at tanging sweatpants lang. Tulad nang una ay tarantang yumuko si Alexa, pilit itinago ang namumulang mukha. Pero huli na dahil nakita na siya ni Sebastian.

Sa totoo lang mula pa nang una ay hindi maiwasan maakit ni Sebastian sa kainosentehan ni Alexa. Kainosentehan na bihira na makita sa panahon ngayon.

“Maligo kana para makatulog na tayo,” untag nito habang napangisi.

“S-Sige . . .” sagot ni Alexa na hindi makatingin sa asawa.

“Ah, Sebastian, dito na lang ako sa sopa matutulog.” Habol pa niya at bago pa makasagot si Sebastian ay kumaripas na siya ng takbo patungong banyo.

Pagkatarangka ng pintuan ng banyo ay isinandal ni Alexa ang katawan dito. Marahan ngumiti habang ang palad ay nasa dibdib.

“Hindi ako nagmamadali, Sebastian. Sincerity, ang gagamitin ko para kunin ang loob mo.”

Pero paglabas niya ng banyo ay nagulat siya nang makita ang asawa na prenteng nakaupo sa sopa. Halatang hinihintay siya.

Sebastian tapped the spot beside him, and Alexa timidly walked near and sat beside him. Gamit ang brush at blower ay tinuyo ni Sebastian ang lampas balikat na itim na buhok ni Alexa.

“Hindi mo ’to kailangan gawin para sa akin.” Angal ni Alexa, pero sa halip na sundin ay lalong inilapit ni Sebastian ang hubad na katawan sa kaniya.

Nang matapos, mula sa likuran ay niyakap siya ni Sebastian at isinandal ang baba nito sa balikat niya.

“Alexa, totoo ba ang sinabi mo kanina sa mga bata o sinabi mo lang yon dahil nasa harap ka ng pamilya ko?”

Saglit natigilan si Alexa sa tanong ni Sebastian.

“Alam ko, hindi natin lubos na kilala ang isa’t isa, pero Sebastian maniwala ka, hindi ako sinungaling.” Pagkasabi nito ay lakas loob na umikot si Alexa, hinarap ang asawa. Mainit ang mukha niya nang ginagap ng mga palad ang makinis na mukha ni Sebastian.

“Granny will live long, so I still have a chance to make you fall in love with me. “Mamahalin mo ako at ikaw mismo ang pupunit ng kontrata na ginawa mo.”

Mahinhin na gumalaw si Alexa at ginawaran ng inosenteng halik ang asawa. Then she spoke in full confidence, “Pangako ko yan sayo, Sebastian.”

Umiiling na tumawa si Sebastian.

Ito ang unang beses na narinig ni Alexa na tumawa ng malakas ang asawa. Nagdulot ito ng saya, init, at kakuntentohan sa puso niya.

“How can you make me fall in love with you when you don’t even know how to kiss?” Nang-aasar ang boses ni Sebastian.

“Teach me then,” turan ni Alexa.

Nginitian lang siya ng pilyo ni Sebastian.

“I’m a fast learner,” turan pa ni Alexa, parang bata na pinipilit ang asawa.

“Nakalimutan mo ba ang promise ko ng honeymoon natin? While we’re married, I won’t touch another woman, but I also won’t touch you again, lest you want me too.”

“You’re my husband, so I want you to . . .” muling namula si Alexa. “Touch me.”

“Fine. “Kiss me,” utos ni Sebastian habang natatawa na nakatitig sa asawa.

Kaagad sumunod sa utos si Alexa, hinalikan ang asawa na kaagad naman nitong tinugunan. Sa una marahan, ninanamnam ang lambot at tamis ng labi ng isa’t isa. Unti-unti ay naging mapangahas, maalab nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian na nasa lamesita.

Rumihistro sa screen ang pangalang nagdadala ng panginginig sa laman-loob ni Alexa.

Katelyn . . .

Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay nalaman niya ang pakiramdam ng may kinamumuhian.

Bumitiw si Sebastian sa halik ni Alexa at dinampot ang cellphone. Pero mabilis hinapit ng mga braso ni Alexa ang batok nito at muli itong ginawaran ng inosenteng halik na ngayon ay mas mapusok.

Tumulo ang luha ni Alexa, luha na umagos sa mukha niya hanggang sa mga labi nila. Animo’y nagmamakaawa sa asawa na tugunan ang halik niya. Na sana sa round na ito ay piliin siya ng asawa kaysa sa kabit nito.

.

.

.

Bumagsak ang cellphone sa naka-carpet na sahig. Siyang higpit naman nang yakap ni Sebastian kay Alexa. Marahan gumalaw ang labi nito at sinimulan laruin ng dila ang loob ng bibig ng asawa . . .

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 53

    “G-GAVIN?” Patuloy ang pag-ring ng cellphone niya. Nakatigil lang ang mga mata niya sa screen nito, gano’n din ang kamay niya. She remembered it’s more than two weeks since she last talked to him— at the yacht before she was hurt by those men. And it’s been more than a week since she last saw him— at the hospital after she woke up from the coma. Tumigil ang pag-ring ng cellphone. Humugot siya ng malalim na hininga at inilapag ang cellphone sa bathroom counter katabi ng crystal vase na may lamang tubig. Nagbaling siya ng tingin sa bouquet ng white roses, dinampot ito, at inayos sa crystal vase. Hindi niya alam pero siguro hindi pa siya handang makausap ito. She knows she trusts him. He was the first man who promised her to be her person after all. But what if he’s lying? After arranging the flowers, she took the flower vase and her cellphone and was about to go back to Sebastian. Nawala siya sa mood kaya bukas na lang niya tatawagan sina Sevie at Sav. Muling nag-ring ang cel

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 52

    SA DALAMPASIGAN ay iniabot ni Carlos ang bathrobe at bath towel nila. Pero bago pa ito makuha ni Alexa ay kinuha itong lahat ng nakatawa pa ring si Sebastian. Mabilis nitong pinunasan ang sarili pagkatapos saka siya pinunasan at sinuotan ng bathrobe.Then, he gestured to Manong Buena, who approached them carrying a small transparent cylinder tank.Pagkakita rito ay kaagad nanlaki ang mga mata niya at sumilay ang ngiti sa labi. Sa loob nito ay ang apat na baby box jellyfish na sa bawat kibot ng bell at tentacles ay maka-langit na kislap ang dala.Kinuha ito ni Sebastian kay Manong Buena, at sa harapan ng lahat ay mistulang kabalyero na yumuko at lumuhod.Sebastian puffed out his chest while holding out the cylinder tank to her like a king presenting a treasure to a queen.“See? I told you, I’m Sebastian Dior. Of course, I claimed victory!” anitong naka-ngising panalo.Hindi niya napigilan ang sarili, bumunghalit ang tawa niya habang tinanggap ito mula rito. The small cylinder tank is c

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 51

    “SEBASTIAN!!” Sigaw ni Alexa. Tuluyan napasalampak ang nanghihinang mga tuhod niya sa buhanginan. She didn’t care how the dust clung to her clothes.Hinawakan ng nanginginig niyang mga palad ang mukha ni Sebastian. Her palms cold against his cheeks. Tinapik-tapik niya ito habang garalgal na nagsumamo. “S-Sebastian, w-wake up! Wake up, please!”She pulled him closer; he was heavy and unresponsive. Hot tears blurred her vision.“Doctor!” Sigaw niya na kaagad nagpalapit sa medical team. Maagap nilang ni-checkup si Sebastian.“No, this is impossible!” She insisted, the words tumbling out. “I saw everything! We saw everything! He didn’t get stung, he didn’t!!” Tiningnan niya sa mga mata ang doctors at divers, pilit kumukuha ng konpirmasyon. “Right? He didn’t get stung, r-right?” Binalot siya ng guilt— kasalanan niya itong lahat!Nagkatinginan ang tatlong divers bago nila tiningnan ang doctors saka sila nagsalita. “No, we didn’t see him get stung, Madam.” Sigurado sila dahil bukod sa isa-is

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 50

    UMUGONG ANG HIYAWAN sa dalampasigan. Habang nakatutok ang mga mata ng mga tao sa malaking flat screen ng Smart TV na nakakabit sa bakal na stand. Mula sa screen ay maririnig ang marahang paglagaslas ng tubig sa bawat pag-galaw ng grupo ni Sebastian sa ilalim ng dagat. “Woah!! He did it!! They did it!!” Muling hiyawan ng mga tao pagkakita kay Sebastian na iwinagayway ang transparent cylinder tank kung saan naroon ang box jellyfish! “Sobrang ganda!” ani sa isip ni Alexa. Siyang pag-galaw nito ay siyang pagkinang nito! Pero kung meron man higit na makinang sa paningin niya ngayon, iyon ang asawa. “Gosh, Mr. Dior is really something!” Humiwa sa may kalamigang hangin ang malinaw at buhay na buhay na boses ng babae. “He’s too perfect!” “Oo, sobrang guwapo niya!” Sabat ng isa, “And his body is soooo hot!” “At nakita niyo ba yong abs at muscles niya? Bakat na bakat sa wetsuit niya, diba? God!” Sabi naman ng ikatlong babae na suminghap pa. “Tama, bakat na bakat lahat, ul

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 49

    LALONG KUMINANG ang kaputian at kagintuan ng yate habang naka-dock sa maliwanag na asul na dagat. Nakita ni Sebastian ang biglang pagtabang ng ekspresyon ni Alexa. Batid niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang takot nito sa yate, pero kitang-kita rin niyang malungkot ito. Malamang naiinggit at nagseselos ito dahil hindi siya nito masasamahan sa gitna ng dagat. Ayaw man nitong aminin pero ramdam niya— she was jealous. “Cute!” he murmurs under his breath while watching her from the deck railing. Mataman itong nakatayo sa dalampasigan habang pinanood sila ng mga divers at medical team na maghanda sa paglayag. He had tried to coax her to join them, but she didn’t budge. He scanned the luxury private yacht; it was a forty-foot yacht that could accommodate up to twelve persons on a day trip but up to six persons only on a night trip. Naagaw ang atensyon niya ng mga babae sa bikinis na sige ang lingkis sa mga kasama niyang divers— nangungulit na isama sila. Ewan ba

  • The Second Wife's Dilemma   Chapter 48

    TWO-PIECE BLOODY RED BIKINIS! Halos lumuwa ang mga mata ni Sebastian habang nakaawang ang bibig. Mistula itong estatwa na nakatitig sa kaniya. With his reaction, Alexa’s heart fluttered with confidence. Kinilig siya! She was standing five feet three inches tall in a bold two-piece bikini. The bloody red bikinis complement her pinkish pale skin, making it sparkle in the bright morning. Bahagyang namula ang magkabila niyang pisngi habang mistulang kinikiliti ang talampakan, sige ang kuyakoy ng mga paa sa buhanginan. Pasulyap-sulyap din siya sa mga tao sa paligid. Marahan siyang ngumiti at nahihiyang tinanong ang asawa. “Why? Gaano ba ko kaganda at ka-sexy para matulala ka ng ganyan?” Tila nagising naman sa wisyo si Sebastian sa tanong niya. Kumurap-kurap ang mga mata nito bago kunot-noong nagtanong, “Hmm, baby, a-aren’t you c-cold?” Sa tanong nito ay kaagad naglaho ang ngiti ni Alexa. Nagsalubong ang mga kilay niya. Pakiramdam niya ay biglang umangat ang dugo niya sa ulo.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status