Share

CHAPTER 27: Fight for Love

Kinabukasan. Paglabas ni Kim sa unit niya kasama si Dj na ihahatid muna niya sa school ay saktong palabas din si Marc. Naalala niya nang magpunta siya kagabi sa unit nito. Ilang beses siyang nag doorbell pero walang nagbubukas ng pinto. Naisip niyang sobrang napagod si Marc mula umaga hanggang hapon kaya siguro nakatulog na ito kaya bumalik na lang siya sa kwarto niya.

"I waited for you last night hindi ka pumunta." May pagtatampo nitong sabi.

"Nagpunta 'ko kagabi, walang nagbubukas ng pinto kaya bumalik na lang ako." Sagot niya.

"Nagpunta ka?"

"Oo! Nakatulog ka na!"

Napakamot ng ulo niya si Marc.

"Good morning Dad!" Bati ni Dj.

Napangiti naman si Marc nang batiin ni Dj.

"Good morning my baby! Are you ready to go to school?"

"Opo!"

Hinatid muna nila si Dj sa School bago dumiretso sa opisina.

Kagaya ng nagdaang araw ay pansin na naman ni Kim ang mga taong nakamasid sa kanila ni Marc. Sabay na naman silang pumasok kaya malamang kung ano ano na naman ang pumapasok sa isip ng mga yun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status