Share

CHAPTER 51: Bestfriends

Habang nasa sasakyan at papunta sa presinto ay narinig nyang may kausap si Dexter sa cellphone.

"Nandito na... Papunta na kami sa presinto...hindi na makakatakas 'to... Sige ako na bahala dito..."

"Si Marc ba yang kausap mo?" Tanong niya nang ibaba ni Dexter ang phone.

"May ikakaso din ako sa kanya ha. Kidnapping. Basta na lang niya kinuha si Dj."

"Eh anak din naman nya si Dj at kusang sumama sa kanya yung bata kaya walang kidnapping dun. Gusto lang nya makasama yung anak nya. Dehado na nga si Marc eh. Ang tagal kayong hinanap. Alam mo ba nung nasa U.S siya pabalik balik siya dito sa Pilipinas para lang hanapin ka. Ikaw naman kasi bigla bigla kang nawala." Sabi ni Dexter habang nagmamaneho.

"Eh anong gagawin ko? Sinabihan ako ng Daddy nya na lumayo sa kanya dahil magpapakasal na sila ni Samantha. Alangan ipilit ko pa rin yung sarili ko."

"Dapat hindi ka pa rin umalis. Gagawan naman yun ng paraan ni Marc." Ani Dexter.

"Buntis na ngayon si Samantha at magpapakasal na sila." Naramdaman
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status