Share

Chapter 30 Babe

SYD

ANG sunud-sunod na pagtilaok ng manok ang siyang unti-unting nakapagpagising sa aking inaantok pang diwa.

Ilang sandali ko munang pinagbigyang ikundisyon ang aking hapong katawan. Hindi ko pa man naimumulat ang aking namimigat pang mga talukap pero nagawa ko pa ring maiupo ang sarili.

Napadilat akong bigla nang maalala na may pasok nga pala ako! Teka, anong oras na ba? Bakit hindi nag-alarm 'yong cellphone ko? Nahampas ko ang noo nang maalala na hindi ko nga pala iyon nai-charge kagabi.

Iginala ko ang tingin. Shit! May araw na!

Unang pumasok sa isip ko si Yuan. Siguradong mayayari ako ro'n kapag nakita niyang wala ako sa opisina. Ang lakas pa naman ng loob ko na bantaan siya kagabi tapos… ako pa pala itong hindi makakapasok ngayon— nakakainis!

Patayo na sana ako, ngunit agad ding natigilan. Napahawak ako sa aking sentido nang may biglang gumuhit na sakit dito. Pesteng alak!

Nasagi ng isang kamay ko ang nakataob kong cellphone. Dinampot ko iyon. Hindi ko mapigilan ang mapatitig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status