Share

Chapter 36 Shotgun Date Part 2

SYD

Nakasuot siya ng black long-sleeve polo, na itinupi ng hanggang siko ang manggas, itim na pantalon at black leather shoes, na pwede na yatang manalamin dahil sa sobrang kintab ng mga ito.

Sa likod niya ay isang bilog na mesa na nababalutan ng puting tela. Sa magkabilaan no’n ay mayroong dalawang gold steel na upuan, na tanging sa mga catering services ko lamang nakikita. Sa ibabaw naman at mayroong nakasinding dalawang kandila, isang bote ng mamahaling red wine, wine glasses, mga kulay gintong kubyertos at puting pinggan.

Tumalikod siya. Pagkaharap niya ay may bitbit na siyang malaking bouquet ng puting Stargazer!

Natulala ako. Gulat at sorpresa ang nararamdaman ko sa mga sumandaling ito.

Ang bilis-bilis ngayon ng tibok ng puso ko!

Humakbang na siya, palapit sa akin. Unti-unti nang rumerehistro sa ilong ko ang mabango niyang amoy.

“Good evening, my princess. For you...” mabini niyang sambit. Inilahad niya ang hawak na bulaklak. Mas malaki at mas bongga ito, kumpara sa ibinigay niy
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status