Share

Chapter 38 Announcement

SYD

WALA naman akong balak na patagalin ang paghalik na gagawin ko sa kaniya. Ilang segundo lamang ang pinalipas ko at inilayo ko na rin agad ang mga labi ko, sa kaniya.

Saka ko lang nasilayan ang hitsura ni Yuan, nang tuluyan ko nang nadistansiya ang sarili, sa kaniya. Nakatulala siya sa akin. Parang hindi makapaniwala sa nangyari.

“You kissed me?” manghang saad niya.

Uminit ang mukha ko sa pagkapahiya. Mali yata ang ginawa ko— maling-mali! Gusto ko mang pagalitan ang sarili, ngunit huli na— nagawa ko na.

Hindi naman siguro big deal sa kaniya ‘yong ginawa ko. Ni hindi nga yata iyon matatawag na kiss, eh. Sinayad ko lang naman ‘tong nguso ko sa kaniya. Ano ba naman ‘yon, kumpara sa mga naranasan niya?

Mula sa pagkakaumang ng bibig, unti-unting nabuo ang maganda niyang ngiting umabot na yata hanggang tainga.

Alanganin kong ginantihan ang kaniyang ngiti. Iniyuko ko ang aking ulo sapagkat hindi ko matagalan ang mga tingin niya.

Pero ang mas ikinaloka ko ay ang mga sumunod pang sinabi ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status