Share

Chapter 37

Author: LMCD22
last update Last Updated: 2025-09-13 14:36:10
Dorryn’s Point of View*

Nasa opisina na kami ngayon ni Nando. Tahimik lang akong nakaupo habang pinagmamasdan ko siya mula sa gilid ng aking paningin. Kita ko pa rin sa mukha niya ang hindi magandang mood na parang may bigat siyang dinadala. Mabigat ang aura niya, at para bang may malamig na ulap na bumabalot sa buong silid. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong dahilan, pero ramdam ko na hindi siya okay. Ano ba ang nagawa ko? Ako ba ang may kasalanan?

Naglaro ang mga daliri ko sa ibabaw ng mesa, pilit na hinahanap ng utak ko ang tamang paraan para lapitan siya. Hindi naman ako eksperto pagdating sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung paano mag-comfort ng isang taong may dalang bigat sa dibdib. Pero siguro, maaari kong subukan.

Huminga ako nang malalim, at sa halos pabulong na tinig ay sinubukan kong tawagin siya.

“Uhmm… Hubby.”

Pero hindi siya kumilos. Hindi man lang kumurap, parang hindi niya narinig o baka pinili niyang hindi pansinin. Nanatili siyang abala sa hawak niyang pa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 54

    Dorryn’s Point of ViewPara akong natauhan bigla—parang nawala lahat ng tama ng alak sa sistema ko. Nung makarating kami sa kwarto ni Nando, bigla kong naramdaman ang kaba na bumabalot sa buong katawan ko. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang hawak ko pa ang laylayan ng suot kong damit.“Hubby,” mahina kong sabi, halos pabulong. “B-bakit ganyan ka makatingin sa akin?”Bahagya siyang ngumiti, ‘yung tipong ngiti na hindi mo alam kung may tinatago bang kalokohan o seryoso talaga.“Why? Are you scared, wife?” tanong niya, mababa at may halong panunukso ang boses.Umiling ako agad, kahit halata naman sa boses ko ang kaba. “Hindi… nangse-seduce ka.”Tumawa siya nang mahina, halos pabulong din, pero sapat para maramdaman ko ‘yung init ng hininga niya sa pagitan naming dalawa.“Ginaya ko lang ang ginawa ko kanina. My naughty baby girl.”Napalunok ako. Doon ko lang napagtanto na doon pala siya tinamaan—sa tawag niyang baby girl. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko, at hindi ko a

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 53

    3rd Person’s Point of View“Damn it! Bakit nawala na lang ang lahat ng pinaghirapan ko!” galit na sigaw ni Eduardo habang nakatitig sa nasusunog niyang warehouse na ngayon ay abo na lamang ang natira.Ang dating punong-puno ng buhay at negosyo niyang pinagpaguran sa loob ng maraming taon ay ngayon ay parang sementeryo ng mga pangarap niya. Ang amoy ng nasunog na kahoy at langis ay kumalat sa hangin, habang ang apoy ay patuloy na kumikislap na parang nanunukso, tila ba ipinapaalala sa kanya na lahat ng bagay ay pwedeng maglaho sa isang iglap.Wala siyang ideya kung sino ang may gawa nito, pero isang bagay ang sigurado, hindi ito gawa ng isang ordinaryong kalaban.“Boss,” sabi ng isa sa kanyang mga tauhan, nanginginig ang tinig habang nakatingin sa abo sa paligid. “Wala po kaming ideya kung sino ang gumawa nito. Bigla na lang pong nagliyab ang lahat, parang sinadyang sunugin.”“What?!” sigaw ni Eduardo, halos sumabog sa galit ang ugat sa kanyang leeg. “Gawin ninyo ang lahat para lang ma

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 52

    Dorryn’s Point of View*Natapos na kaming kumain kaya napahawak ako sa tiyan ko sa sobrang kabusugan. Ramdam ko pa ang bawat subo ng masasarap na pagkain na niluto ni Nando — parang lahat ng nilagay niya ay may halong pagmamahal at pag-aalaga. Napatingin ako sa kanya habang pinupunasan niya ang bibig niya ng panyo. Ang ganda talaga niyang tingnan sa ganitong mga simpleng sandali — nakasuot lang ng plain white polo pero lutang na lutang ang tikas at linis niya.“Gusto mo pa bang kumain, wife?” tanong niya sa akin, may halong lambing at ngiti sa mga labi.Nanlalaki ang mga mata ko at agad akong umiling-iling habang sumenyas na hindi na ako kakain. “Busog na busog na ako. Okay na. Gusto ko nang umuwi kasi inaantok na ako, dong. Kung may mga bibilhin ka pa, sa susunod mo na lang bilhin,” sabi ko habang naglalambing na.“I think sa online ko na lang bibilhin ang iba para makapili rin ako kung ano ang nababagay sa ’yo, wife,” sagot niya, sabay kindat na parang alam niyang mahihiya ako.Napa

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 51

    Dorryn’s Point of ViewPagod na pagod akong minamasahe ang mga paa ko habang nakaupo sa upuan. Ramdam ko pa ang sakit ng talampakan ko matapos ang halos maghapon na paglalakad. Nasa loob kami ngayon ng isang mamahaling restaurant, at pakiramdam ko ay hindi ako bagay dito. Ang bawat sulok ay kumikintab, ang ilaw mula sa chandelier ay parang bituin na nakabitin sa kisame, at kahit ang amoy ng pagkain ay parang gawa sa purong karangyaan. Maging ang mga waiter ay parang mga modelo sa linis ng suot at tikas ng tindig.Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na sumama rito. Katulad ng nangyari sa pamimili kanina, wala rin naman akong nagawa dahil hindi naman ako ang magbabayad. Si Nando ang may gustong mag-dine dito, at gaya ng dati, sinunod ko na lang.“Hindi naman lalagpas ng isang libo ang mga pagkain dito, right?” tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan siyang nakatingin sa tablet na hawak niya.Natigilan siya, itinaas ang paningin at tiningnan ako nang diretso sa mata. Nakaangat ang isang

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 50

    Dorryn’s Point of ViewAng resulta ngayon ay kaming dalawa na lang ni Nando ang naglalakad sa loob ng mall, na para bang kami lang ang tao sa malawak na lugar na puno ng ilaw, ingay, at samu’t saring mamahaling bilihin. Nakapout pa rin ako hanggang ngayon, dahil ayon kay Mom ni Nando, bilang pag-sorry raw ni Nando sa nangyari kanina ay bibilhan niya ako ng mga damit. At ang mas nakakapagtaka, walang kahirap-hirap na sumang-ayon itong mister ko sa sinabi ng kanyang ina—na parang automatic na lang siyang napapayag kahit wala namang tanong kung gusto ko ba o hindi.Napabuntong-hininga na lang ako habang nakasunod sa kanya. Nakaangkla pa ang isang kamay niya sa likod ng kanyang bulsa, habang ako nama’y parang batang nahuhuli ng tingin sa bawat kinang ng mga display lights. Habang dumadaan kami sa bawat boutique at shop, hindi ko maiwasang mapanganga sa mga presyong nakadisplay—parang bawat isang damit ay katumbas na ng renta ng maliit na apartment o kaya’y isang buwang groceries sa probin

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 49

    Dorryn’s Point of ViewNapangiti na lang ako at dahan-dahan na napatango dahil sa sinabi ng mom ni Nando. Ang lambing ng boses niya, at para bang may bigat sa bawat salitang binibitawan niya. Hindi ito yung tipikal na papuri lang, kundi may kasamang init na bumabalot sa puso ko.“Alam mo iha, nung dumating ka dito sa mansion ay naging maliwanag na ngayon ang mansion.”Napakunot ang noo ko at napalinga sa paligid. Ang laki at ang lawak ng mansion na ito, kumikislap ang bawat chandelier na nakasabit sa kisame, at maliwanag naman talaga dahil sa dami ng ilaw na nakasindi.“Maliwanag naman po. Marami naman pong ilaw sa paligid at may malaking chandelier pa po,” inosente kong sagot habang pinagmamasdan ang ginintuan nitong mga bintana na nakabukas at tinatamaan ng sinag ng araw.Mahinang natawa ang ina ni Nando sa sinabi ko. Hindi ko alam kung anong nakakatawa roon, pero halatang may ibang kahulugan ang sinabi niya na hindi ko agad nakuha.“What I mean,” wika niya habang banayad na kuminda

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status