Share

The Secret Wife
The Secret Wife
Author: Blackheart

Chapter 1. Let's Break Up

Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata. Alas syete na pala nang umaga. I’m Irish Rebana, Twenty-Eight years old. A graphic Designer. Kaagad akong bumangon sa aking higaan na may saya sa aking puso. Importante sa akin ang araw na ito dahil ikalimang anibersaryo namin ng aking kasintahan na si Jared. Alam kong busy siya sa kanyang trabaho kaya naman maghahanda ako ng surpresa para sa kanya sa kanyang tinutuluyan na condo mamaya pag uwi ko galing ng trabaho,

Hinanda ko ang aking sarili at nag-ayos. Kailangan ko pumasok ng maaga upang matapos ko kaagad ang aking gagawin para maagang makauwi. Bumaba ako sa kusina at naabutan ang aking ina na naghahanda ng almusal.

“Irish Anak, ang aga mo yata papasok kumain ka na muna bago umalis.” malambing na sabi ng aking ina.

“Maaga ako ngayon Ma, para maaga ko matapos ang aking trabaho anibersaryo po kasi namin ni Jared ngayon eh, maghahanda ako ng surpresa sa kanya sa kanyang condo.” nakangiti kong sabi kay mama.

“Matagal na ang relasyon nyo ni Jared,wala pa ba kayong balak magpakasal ha?”

“Napag usapan na po namin yan Ma, plano po namin na next year magpakasal kung sakali man.” sagot ko kay mama.

“Maganda yan Anak. Sige na kumain ka na para makaalis ka na kaagad.”

Sabay kami na nag almusal ni mama. Single parent si mama. Bata palang ako nang mamatay si papa dahil sa sakit. Kaya naman mag-isa akong pinalaki at itinaguyod ni mama. Ngayon ako naman ang nagtataguyod sa aming dalawa. Lahat ay gagawin ko para maging magaan ang aming buhay kahit hindi kami mayaman.

Boto si mama kay Jared dahil mabait ang aking kasintahan at maalalahanin sa amin. Kaya naman nais din niya na kami ay magkatuluyan at maging mag-asawa na. Ngunit isang masakit na katotohanan ang aking malalaman tungkol sa kanya.

Abala ang aking maghapon sa trabaho. Hindi ko namalayan na ala sais na pala nang gabi. Kaagad kong tinapos ang aking natitirang trabaho at ng clock out na.

“Irish! Nagmamadali ka yata mag out ha bakit?” tanong ng aking kaibigan at kasamahan sa trabaho na si Janeth.

“Janeth, oo nagmamadali ako kasi pupunta ako sa condo ni Jared anniversary kasi namin ngayon ipagluluto ko siya bilang surpresa.” nakangiti kong sabi sa aking kaibigan habang sinasarado ang aking locker.

“Naks naman! Congrats sa inyo. Sana ay magpakasal na kayo. Gwapo si Jared at maganda ang trabaho ganun ka rin naman. Napakaganda mo at mabait pa at sobrang sexy. Ma swerte si Jared dahil siya ang napili mo sa dami ng nanliligaw sayo.”

“Ako ang ma swerte sa kanya Janeth.” nakangiti kong sabi sa aking kaibigan at nagpaalam na sa kanya.

Bago pa lang ako sa trabaho noon ng nagkakilala kami ni Janeth sa opisina. Mabait siyang babae at kwela kaya naman agad kaming naging malapit sa isa’t isa at naging magkaibigan. Alam niya ang lahat ng tungkol sa relasyon namin ni Jared. Siya ang aking takbuhan kapag nag aaway kami ni Jared at hinihingi ang kanyang advice.

Pupunta muna ako sa grocery at cake shop bago pumunta sa bahay ng aking kasintahan. Excited ako sana ay magustuhan ni Jared ang aking surpresa sa kanya. Ipagluluto ko siya ng paborito niyang pagkain. Isang romantic na dinner date ang aking ihahanda.

Tapos na ako mag grocery at nakabili na rin ng cake for our celebration. Pumara na ako ng taxi at sumakay patungo sa condo ni Jared. May sarili akong susi sa kanyang condo ibinigay niya sa akin para anytime ay pwede akong pumunta sa kanyang condo.

Paakyat na ako ng elevator nasa third floor ang kanyang unit. Excited na akong magluto ng pagkain na paborito niya. Nasa harap na ako ng kanyang unit at dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Tahimik sa loob ngunit bukas ang ilaw naiwan yata niya ito na nakabukas. Nagtungo ako kaagad sa kusina para magluto ng pagkain. Inihanda ko ang lahat ng dapat kong lutuin.

Naisipan kong magpalit muna ng damit na komportable kaya naman nagtungo ako sa kwarto ni Jared kung nasaan ang aking damit. Habang papalapit ako sa kanyang kwarto ay parang may narinig akong ingay. Bigla akong kinabahan dahil naisip ko na bukas ang ilaw nang ako ay dumating tapos ngayon ay may ingay na nagmumula sa kwarto ni Jared.

Lumalakas ang ingay na nagmumula sa loob ng silid ngunit lalo nitong pinabilis ang tibok ng aking puso dahil ang ingay na aking naririnig ay ingay na halinghing ng isang babae. Walang ibang taong nakakapasok sa condo unit ni Jared siya at ako lamang dahil kami lang dalawa ang may susi nito.

Hindi ko inaasahan ang pagtawag ng babae sa pangalan ng aking kasintahan habang umuungol.

“Jared! Aahh..!”

Hindi ko malaman ang aking gagawin sa mga sandaling ito. Biglang nanginginig ang aking buong katawan sa galit. Alam ko kung ano ang nangyayari sa loob ng kwarto. Sana nga ay nagkakamali lamang ako. Lalong lumakas ang kanilang mga halinghing na wari ay narating na nila ang sukdulan ng kaligayahan.

Kumuha ako ng lakas ng loob at huminga ng malalim. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at laking gulat ko at hindi ko lubos akalain na ang babae na kaulayaw ng aking kasintahan ay walang iba kundi ang aking bestfriend na si Mariz.

Nanlaki ang aking mga mata at agad umakyat ang galit sa aking dibdib.

“Mariz?Jared? Ano ang ibig sabihin nito?!” sigaw ko sa kanilang dalawa habang nakatayo sa may pintuan at pilit na pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

Kitang-kita ko ang pagka gulat sa kanilang mga mukha. Hindi nila inaasahan na mahuhuli ko sila na pinagtataksilan ako. Ang itinuring kong kapatid, ang aking bestfriend na si Mariz hindi ko lubos akalain na magagawa niya ito sa akin.

“I-Irish! It’s not what you think, let me explain sweetheart.” sabi ng taksil kong boyfriend habang natataranta na nagbibihis ng kanyang damit.

Mapait akong tumawa habang nag uumpisa nang tumulo ang aking mga luha.

“Paano nyo nagawa sa akin ito! Mga hayop kayo! Mga taksil!” galit kong sigaw sa kanilang dalawa.

“Itinuring kitang kapatid Mariz, hayop ka! Bakit mo nagawa sa akin ito?!” patuloy kong sigaw.

Lumapit ako sa aking bestfriend at sinampal siya ng ubod nang lakas. Kahit na nanginginig ang aking buong katawan sa galit ay may natitira pa rin akong lakas para sampalin ang dalawang taksil sa aking harapan. Humarap ako kay Jared at sinampal din siya ng aking buong lakas na natitira.

“Irish, please let me explain. Hindi ko sinasadya ang nangyari, hindi ito ang plano ko.” sabi ng aking taksil na boyfriend.

“Explain? Ano pa ang kailangan mong ipaliwanag Jared ha?! Tanga ba ako para hindi maintindihan kung ano ang nangyayari sa pagitan nyo ng walang hiya kong bestfriend!” sigaw ko kay Jared habang walang tigil ang pagpatak ng aking mga luha.

Kaagad akong tumalikod upang lisanin ang silid ngunit mahigpit akong hinawakan ni Jared sa aking braso.

“Irish,please! Hindi ko ito sinasadya please!” pagmamakaawa sa akin ni Jared.

“Hindi sinasadya? Ano ang tawag mo dito ha hayop ka?! Naglalaro lang kayo ganun! Huwag mo ako gawing tanga Jared! Let’s break up! Mabuti na lang at nalaman ko nang maaga bago pa tayo ikasal kung hindi baka habang buhay nyo akong lolokohin dalawa! Magsama kayo mga baboy!” sigaw ko kay Jared at nagmamadaling lumabas ng kanyang silid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status