Lihim na kinausap ng tito ni Dustin ang kanyang lolo tungkol sa kanyang kumpanya at negosyo na nais ipamana nito kay Dustin na labis niyang tinututulan.“Dad, bakit kailangan kay Dustin mo ipapamana ang kumpanya he’s still young to inherit the company,” sabi ng kanyang anak na si Rey.Nasa garden sila nag uusap habang umiinom ng kape, “Rey, kahit bata pa ang edad ni Dustin ay hindi naman mapagkakaila ang kanyang kakayahan sa paghawak sa ating kumpanya. Magaling siya at may kredibilidad sa trabaho.”“Dad, you know your grandson hindi pa siya stable sa buhay ni wala sa hinagap niya ang magkaroon ng sariling pamilya. He played around with different woman sabihin na natin na nakuha niya sa akin yan and I’m sorry about that. But this is a serious matter Dad. I think Dustin is not capable enough to handle the company.”“That’s enough Rey! My decision is final. Dustin is capable enough to inherit the company!” Galit na sabi ni lolo Enrico.“Dad. am I not enough? Lahat ginawa ko para sa kumpa
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at isang lalaki ang agad na sumuntok kay Jared. Sa totoo lang ay takot na takot ako sa ginawa ni Jared sa akin. Buti na lang at dumating si Dustin.“Dus-tin…” Tawag ko sa kanya sa nanginginig na boses.Kaagad na nawalan ng lakas ang aking mga binti at napaupo ako sa sahig. Lumapit si Dustin sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Irish, are you okay? Don’t worry nandito na ako ‘wag ka ng matakot,” sabi ni Dustin habang yakap-yakap ako.Samantalang nakahandusay naman si Jared sa sahig at iniinda ang masakit na suntok ni Dustin sa kanyang mukha. Niyakap ko si Dustin ng mahigpit habang umiiyak sa takot. Dustin comforted me until I stopped crying.“I-rish..It’s not what you think. Hindi ko balak na saktan ka maniwala ka. Nandito lang ako para makipag usap sayo,” Sabi ni Jared na nakatayo na pala.Biglang tumayo si Dustin at hinawakan si Jared sa kanyang kwelyo galit na galit ito, “Wala kang balak saktan? Pero sa naabutan ko ay nasasaktan na si Irish
Isang linggo kaming hindi nagkita ni Dustin mula ng siya ay magtapat sa akin dahil na rin sa kanyang biglaang business trip sa ibang bansa. Wala naman akong lakas ng loob para mag send ng message sa kanya o tawagan siya para kamustahin. Pero inaamin ko na na mi-miss ko ang kanyang presensya.“Irish..Irish,” mahinang tawag sa akin ni Janeth, ang aking kaibigan.Si Janeth ay nagsimula na rin mag trabaho dito sa kumpanya nila Dustin. Masaya ako dahil magkasama na kaming muli. Nawala man si Mariz sa aking buhay bilang kaibigan ay pinalitan naman ito ni Janeth na tunay na nag aalala sa akin bilang kaibigan.“Janeth…I’m sorry ano ulit yun?”“Bakit ba parang wala ka sa sarili nitong nakalipas na isang linggo? May problema ka ba?”“Wala akong problema don’t worry.”“Okay. Oo nga pala birthday ko na sa friday ah punta ka.” Nakangiting sabi ni Janeth.“Syempre pupunta ako. Darating ba ang boyfriend mo?”“Oo naman darating yun. Humanda siya sa akin kapag wala siya!”Mahina kaming nagtawanan sa k
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natuwa ako ng makita si Dustin. Ayaw ko man aminin pero na miss ko siya ng sobra. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi habang nagtatrabaho."Irish!" Tawag sa akin ni Janeth."Ha? Ano yun?""Tsk! Naku tulala ka kasi habang ngiting-ngiti! Bakit ang saya mo ah? Dahil ba kay Sir Dustin?" Pang aasar ni Janeth."Janeth! Shhh! 'Wag ka ngang maingay dyan! Baka marinig ka ng mga kasama natin!""Bakit ba? Iisipin lang naman nila na inaasar kita eh!""Haist! Basta ayaw ko ma chismis ako. Alam mo naman.""Oo na. So..ano nga dahil nga ba kay Sir?"Ngumiti ako, "Secret!""Hmpp! Fishy!" Nakangiting sabi ni Janeth.Dumating ang lunchtime. Inaya ako Janeth na kumain. Ngunit natigilan siya dahil nakita niya si Dustin na papalapit sa amin."Uhm..Irish, una na ako ah bye!" Lumakad si Janeth papalayo."Janeth, teka lang!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako pinansin.Paglingon ko ay laking gulat ko dahil nasa harapan ko na si Dustin."Hey beautiful, can I invite you to lunc
Malakas na tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Iminulat ko ang aking mga mata. Alas syete na pala nang umaga. I’m Irish Rebana, Twenty-Eight years old. A graphic Designer. Kaagad akong bumangon sa aking higaan na may saya sa aking puso. Importante sa akin ang araw na ito dahil ikalimang anibersaryo namin ng aking kasintahan na si Jared. Alam kong busy siya sa kanyang trabaho kaya naman maghahanda ako ng surpresa para sa kanya sa kanyang tinutuluyan na condo mamaya pag uwi ko galing ng trabaho,Hinanda ko ang aking sarili at nag-ayos. Kailangan ko pumasok ng maaga upang matapos ko kaagad ang aking gagawin para maagang makauwi. Bumaba ako sa kusina at naabutan ang aking ina na naghahanda ng almusal.“Irish Anak, ang aga mo yata papasok kumain ka na muna bago umalis.” malambing na sabi ng aking ina.“Maaga ako ngayon Ma, para maaga ko matapos ang aking trabaho anibersaryo po kasi namin ni Jared ngayon eh, maghahanda ako ng surpresa sa kanya sa kanyang condo.” nakangiti kong sabi k
Mabilis akong tumakbo palabas ng condo ni Jared na puno ng luha ang aking mga mata. Walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang nararamdaman kong sakit sa ginawa sa akin ng dalawang tao na malapit sa aking puso. Hindi ko lubos akalain na magagawa akong pagtaksilan ng aking nobyo at ng aking matalik na kaibigan.Nakalabas ako ng building na lumuluha naglalakad ako ng mabilis paalis sa lugar na iyon. Blanko ang aking isipan habang ako ay naglalakad hindi ko namalayan ang pagpatak ng ulan kasabay nito ang muling pag daloy ng aking mga luha. Lumakas ang buhos ng ulan gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na aking nararamdaman ibuhos ito katulad ng malakas na pagbuhos ng ulan.Nag umpisa akong tumakbo ng mabilis habang malakas na umiiyak sa gitna ng malakas na ulan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Gusto ko maging manhid sa sakit na aking nararamdaman ngayon.Hindi ko na namalayan ang aking pagtakbo sa gitna ng kalsada at hindi ko alintana ang mabilis na sasakyan
Pag-uwi ko nang bahay ay pinag-isipan ko ng mabuti ang alok sa akin ni Dustin. Kailangan ko ng malaking halaga at handa siyang tumulong sa akin kapalit ng pagtulong ko rin sa kanya. Pero ano ang sasabihin ko kay mama tungkol sa kanya hindi ko pwedeng ilihim kay mama ang aking pagpapakasal kay Dustin kung sakali man. Sa tingin ko ay wala na akong ibang option pa kung hindi ang tanggapin ang alok ni Dustin. Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa ospital para puntahan si mama at sabihin sa kanya ang lahat ng aking plano at ang alok sa akin ni Dustin sana ay maintindihan ako ni mama at pumayag siya para maipagamot ko na siya.“Mama!” Nakangiti kong bati kay mama pagpasok ko sa kanyang silid.“Irish, Anak,” matipid na sagot ni mama.“Ma, kamusta na po ang pakiramdam ninyo?”“Ayos naman ako Anak, huwag kang mag alala sa akin. Kailan ba ako makakalabas Anak, pakiramdam ko ay lalo ako nanghihina dito sa ospital.”“Ma, kailangan mo muna maoperahan bago ka lumabas ng hospital naipaliwanag na
Ginagawa na ang operasyon para kay Mama. Taimtim akong nagdarasal habnag naghihintay sa labas ng operating room ng ospital. Nawa’y maging maayos ang lahat. Hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Dustin may dala siyang ice coffee at pagkain.“Irish, kumain ka muna don’t worry everything will be alright. Magaling ang mga doktor na nag opera sa kanya kaya huwag ka mag-alala.” sabi ni Dustin.“Salamat hindi ko lang talaga maiwasan ang mag-alala kay Mama.”Kinuha ko ang binili niyang pagkain at kumain muna habang naghihintay na matapos ang operasyon ni mama. Hindi ko lubos akalain na pupunta si Dustin dito sa ospital para samahan ako pakiramdam ko ay hulog siya n g langit para sa amin ni mama.Kahit na dahil sa kontrata namin kaya niya ako tinutulungan ay malaki pa rin ang pasasalamat ko sa kanya. Tatlong oras ang lumipas maya-maya pa ay lumabas na ang Doktor na nag opera kay mama kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya.“Dok, kamusta po si mama?” Nag-aalala kong tanong.“Successful ang