Share

Chapter 2. Contract Marriage

Mabilis akong tumakbo palabas ng condo ni Jared na puno ng luha ang aking mga mata. Walang ibang pumapasok sa isipan ko kung hindi ang nararamdaman kong sakit sa ginawa sa akin ng dalawang tao na malapit sa aking puso. Hindi ko lubos akalain na magagawa akong pagtaksilan ng aking nobyo at ng aking matalik na kaibigan.

Nakalabas ako ng building na lumuluha naglalakad ako ng mabilis paalis sa lugar na iyon. Blanko ang aking isipan habang ako ay naglalakad hindi ko namalayan ang pagpatak ng ulan kasabay nito ang muling pag daloy ng aking mga luha. Lumakas ang buhos ng ulan gusto kong ilabas ang lahat ng sakit na aking nararamdaman ibuhos ito katulad ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Nag umpisa akong tumakbo ng mabilis habang malakas na umiiyak sa gitna ng malakas na ulan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Gusto ko maging manhid sa sakit na aking nararamdaman ngayon.Hindi ko na namalayan ang aking pagtakbo sa gitna ng kalsada at hindi ko alintana ang mabilis na sasakyan na patungo sa aking direksiyon. Naramdaman ko ang pagsalpok ng sasakyan sa aking katawan kasabay ng aking malakas na pagbagsak sa kalsada.

Sa aking kawalan ng malay at mahimbing na pagtulog ay bumalik ang masaya at matatamis na alaala namin ni Jared. Mga sandali kung saan mahal na mahal namin ang isa’t isa at puno ng kaligayahan ang bawat oras na kami ay magkasama. Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi kasabay ng kanyang paglayo at naiwan akong nag iisa sa kawalan.

Naramdaman ko ang kirot sa aking ulo at sakit ng aking katawan. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Isang puting kwarto ang bumungad sa akin. Nilibot ko ang aking mga mata saka ko napagtanto na ako ay nasa ospital. Pilit kong inalala ang mga nangyari kasabay nito ang aking emosyon nag uunahan na pumatak ang aking mga luha. Bumalik ang sakit sa aking puso na saglit na nawala ng ako ay maaksidente at mawalan ng malay. Ang aking paghikbi ay napalitan ng pagtangis ang hirap pigilan at itago ang sakit na pilit na kumakawala sa aking dibdib.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan ng silid kung saan ako naroon. Nakita ko ang Doktor kasunod nito ang isang matangkad at gwapong lalaki. Kaagad na lumapit sa akin ang Doktor at kinamusta ang aking nararamdaman. Ipinaliwanag nito ang aking kalagayan. Nakatingin lamang sa akin ang lalaki na kasama nito at nakikinig sa sinasabi ng Doktor. Lumabas na ang Doktor at nagpaalam na sa amin.

"I'm sorry for what happened to you," sabi ng lalaki sa aking tabi.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ako yung nakabangga sayo."

Nakatitig lang ako sa kanya at unti-unti na naman na nagbalik sa akin ang lahat ng nangyari. Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang aking mga luha.

"I'm really sorry Miss, by the way I'm Dustin Ibarra and you are?" Itinaas niya ang kanyang kamay upang magpakilala. Inabot ko ang kanyang kamay sa pagitan ng aking paghikbi.

"I'm Irish Rebana. Ako dapat ang humingi ng paumanhin sayo alam kong kasalanan ko kung bakit ako naaksidente. I'm so sorry wala ako sa sarili ng mga sandaling iyon."

Tinitigan ako ni Dustin bakas sa kanyang mukha ang mga katanungan sa aking sinabi.

"Irish, can you tell me what happened that night?" Nakatingin siya sa aking mga mata at naghihintay ng aking kasagutan.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari nung gabing iyon kung bakit ako tumatakbo sa ulan na wala sa sarili. Hindi ko mapigilan ang ang aking mga luha nag uunahan sila sa pagpatak sa aking bawat salita.

"I'm really sorry sa nangyari. Don't worry I will compensate you at sagot ko lahat ng gastusin at gamot mo. Magpagaling ka kaagad," sabi ni Dustin sa akin.

"Maraming salamat Dustin, and again I'm really sorry sa abala na dulot ko."

Kinuha niya ang kanyang calling card at inabot sa akin.

"Irish,Call me anytime if you need help." Nakangiti niyang sabi sa akin at nag paalam na. 

Tinago ko ang calling card na binigay niya. Tinawagan ko si mama at sinabi ang nangyari kaagad naman siyang nagpunta sa ospital. Dalawang araw akong nanatili sa ospital at pagkatapos ay umuwi na rin kami ng bahay. Sinabi ko lahat kay mama ang mga nangyari tungkol sa amin ni Jared. Galit na galit si mama at gustong sugurin si Jared ngunit kinausap ko siya na hayaan na lang ang walang hiyang lalaki na yun. Ayoko na mag-alala pa sa akin si mama kaya naman hindi ako nagpapakita ng kahinaan sa harapan niya pilit ko itong itinatago at iniiyak ko na lamang sa gabi sa aking pagtulog.

Ilang linggo ang lumipas balik na ako sa trabaho ngunit isang pagsubok na naman ang dumating sa akin nagkasakit si mama isinugod ko siya sa ospital at nalaman namin na may kidney problem si mama at kailangan ng agarang operasyon ngunit malaking halaga ang aming kakailanganin para dito. Hindi ko alam ang aking gagawin humingi na ako ng tulong sa aming mga kamag anak ngunit wala rin silang maiabot na tulong sa amin.

Isang hapon habang ako ay naglalakad patawid sa kalsada pagkatapos ng aking trabaho para dalawin si mama sa ospital ay isang pamilyar na mukha ang aking nakita. Mabilis siyang naglalakad patungo sa akin 

"Irish!" Malakas na tawag ni Dustin habang papalapit sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at bumati. "Hello Dustin."

"Hi Irish, how are you now?"

"I'm fine Dustin, naka recover na ako salamat sayo sa tulong mo," sincere kong sabi.

"Wala yun, it's my responsibility."

Inaya ako ni Dustin na magkape sa malapit na coffee shop. Malugod kong tinanggap ang kanyang imbitasyon. Nasa coffee shop na kami at masinsinang nag uusap.

"Irish, sabi mo ay papunta ka ng ospital?Bakit ano nangyari?" Tanong ni Dustin.

"Si Mama nasa ospital sabi ng Doktor may kidney problem siya at kailangan na maoperahan kaagad. Ngunit malaki ang kailangan kong halaga para sa operasyon kaya naman nag iisip ako ng paraan saan makakakuha ng ganyang kalaking pera." Naluluha kong kwento sa kanya.

Tahimik si Dustin na parang may malalim na iniisip habang nakatitig sa akin. Bigla akong nahiya sa kanyang mga tingin ang ganda kasi ng kanyang mga mata hazel brown ang kulay nito. 

"Dustin!" Mahina kong tawag sa kanya.

"Irish, may problema din akong kinakaharap ngayon and I think ikaw ang makakatulong sa akin at ganun din ako sayo. Please hear me out," seryosong sabi ni Dustin.

Tumango ako sa kanya bilang pagsang ayon sa aking pakikinig.

"You know my GrandFather wants to marry me as soon as possible to inherit our company. Alam niyang wala akong seryosong relasyon kahit kanino man because I don't want to be tied up in marriage."

"So, how can I help you Dustin?" sabi ko sa kanya.

"Kung papayag ka Irish, to have a contract marriage with me for just two years until my GrandFather gave all the rights of the company to me. I promised to help you too sa lahat ng bagay sa lahat ng mga kailangan mo."

Seryoso si Dustin sa kanyang mga sinabi at umaasa na tanggapin ko ang kanyang inaalok.

"Dustin, what if malaman ng lolo mo na it's all just a contract between us?" 

"He will never know Irish, it's just between you and me and our marriage is not fake, it's real but we will divorce in two years. Lahat ibibigay ko sayo magandang buhay ako rin ang bahala sa mama mo. I promise I will find the best Doctor for her para maoperahan kaagad siya."

Hindi pa ako handang magpakasal pero alam kong si Dustin lang ang makakatulong sa akin ngayon at lahat ay gagawin ko para kay mama ayoko siyang mawala katulad ni papa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status