Pag-uwi ko nang bahay ay pinag-isipan ko ng mabuti ang alok sa akin ni Dustin. Kailangan ko ng malaking halaga at handa siyang tumulong sa akin kapalit ng pagtulong ko rin sa kanya. Pero ano ang sasabihin ko kay mama tungkol sa kanya hindi ko pwedeng ilihim kay mama ang aking pagpapakasal kay Dustin kung sakali man. Sa tingin ko ay wala na akong ibang option pa kung hindi ang tanggapin ang alok ni Dustin.
Kinaumagahan ay maaga akong nagtungo sa ospital para puntahan si mama at sabihin sa kanya ang lahat ng aking plano at ang alok sa akin ni Dustin sana ay maintindihan ako ni mama at pumayag siya para maipagamot ko na siya.
“Mama!” Nakangiti kong bati kay mama pagpasok ko sa kanyang silid.
“Irish, Anak,” matipid na sagot ni mama.
“Ma, kamusta na po ang pakiramdam ninyo?”
“Ayos naman ako Anak, huwag kang mag alala sa akin. Kailan ba ako makakalabas Anak, pakiramdam ko ay lalo ako nanghihina dito sa ospital.”
“Ma, kailangan mo muna maoperahan bago ka lumabas ng hospital naipaliwanag na yan ng Doktor sa’yo diba?”
Niyakap ko si mama ng mahigpit, “Dont worry Mama, ako ang bahala sa lahat basta kailangan mo maoperahan at magpagaling.” Naiiyak kong sabi kay mama.
“Salamat Irish Anak, pero..saan ka kukuha ng pera para sa aking operasyon?”
“Mama, may importante po akong sasabihin sa inyo please pakinggan nyo ako at unawain mama kasi para po sa inyo ang aking gagawin.”
Ipinaliwanag ko kay mama ang aking plano at ang alok sa akin ni Dustin kapalit ng pagtulong sa akin ni Dustin. Nakinig naman sa akin si mama kahit marami siyang katanungan ay nakumbinsi ko siya na pumayag sa gagawin namin ni Dustin. Hiling lang niya na makausap ng personal si Dustin kaya naman tinawagan ko siya sa ibinigay niyang contact number sa akin.
Nagpaalam na ako kay mama na papasok sa aking trabaho at babalik na lang mamayang gabi kasama si Dustin. Maaga pa ng makarating ako sa aking trabaho twenty minutes left bago ako mag in. Papasok na sana ako sa entrance ng aming kumpanya nang makita ko si Jared na tumatakbo papalapit sa akin. Nagmamadali ako na pumasok sa entrance ngunit hinawakan niya kaagad ang aking braso.
“Irish, can we talk please!” Pagsusumamo sa akin ni Jared.
“There's no need Jared. Wala na tayong dapat pa na pag usapan!” Pigil kong sigaw sa kanya.
“Please Irish, let me explain everything,” sabi ni Jared.
“Ang kapal din ng mukha mo na magpakita pa sa akin Jared, pagkatapos ng lahat ng kagaguhan mo!” Sigaw ko sa kanya.
“Umalis ka na sa harapan ko kung ayaw mo na kasuhan kita ng sexual harassment!” Nanggigigil na sabi ko kay Jared.
Pumasok na ako sa loob at naiwan si Jared na walang magawa kung hindi ang umalis na rin.
Nagpupuyos ako sa galit na halos naiiyak na kaya naman nagtungo muna ako sa banyo para ikalma ang aking sarili. Ayaw ko na na makita pa si Jared ngunit eto siya naghahabol sa akin. Ano naman kayang kasinungalingan ang nais niyang sabihin.
Inaamin ko mahal ko pa rin si Jared hindi naman basta basta mawawala ang nararamdaman ko sa kanya ng ilang araw pa lamang mula ng kami ay maghiwalay. Kasalanan ba ang magmahal ng lubusan? Kasalanan ba ang magmahal ng tapat? Bakit kailangan niya akong saktan ng ganito? Yan ang mga katanungan na hindi mawala sa aking isipan. Lumipas ang aking maghapon. Tumunog ang aking telepono eksakto ng aking pag alis ng opisina.
“Hello Dustin,” sagot ko sa kabilang linya.
“Where are you Irish? I'm here in front of your company,” sabi ni Dustin.
“I'll be there in a minute,” sagot ko naman sa kanya.
Ilang minuto lang ang lumipas at palabas na ako ng elevator papunta sa may lobby area. Naglalakad ako habang tinatanaw ang sasakyan ni Dustin sa labas. Nakita ko siya na nakatayo sa tapat ng kanyang sasakyan. He's so dazzling and handsome sa suot niyang maong jeans at white polo. Napaka gwapo niya lahat ng babaeng dumaraan ay napapatingin sa kanya at kinikilig.
Ngumiti ako sa kanya at lumapit, “Hello.”
“There you are ang tagal mo ha,” sabi niya sa akin.
“I’m sorry sabay-sabay kasi ang labas ng mga empleyado jam pack sa elevator,” paliwanag ko sa kanya.
“It's alright let's go na.”
Sumakay na ako sa kanyang sasakyan at nagtungo na kami sa ospital. Muli kong ipinaliwanag kay Dustin ang napag usapan namin ni mama. Sinabi ko sa kanya na sinabi ko ang totoo kay mama tungkol sa kanyang alok. Kakausapin din niya si mama tungkol sa aming kontrata.
“Mama!” Masaya kong tawag kay mama pagpasok namin sa kanyang silid.
Magalang din na bumati si Dustin kay mama. Sinimulan siyang kausapin ni mama tahimik lamang akong nakikinig sa kanilang usapan. Mahina ang boses ni mama at kitang kita ko na nahihirapan siya kaya naman lalong naging buo ang aking desisyon na sumang-ayon kay Dustin para sa ikabubuti ni mama.
“Dustin, Iho isa lang ang aking kahilingan sayo please don't hurt my daughter. Alam ko na marami siyang pinagdadaanan ngayon tapos sumabay pa itong aking sitwasyon. Huwag mo siyang pababayaan sa inyong pagsasama kahit na kontrata lamang ang lahat maipapangako mo ba sa akin yan?” Naluluha na sabi ni mama kay Dustin.
“Pangako po Mrs.Rebana, hindi ko po sasaktan si Irish, at pababayaan kahit na anong mangyari makakaasa po kayo,” sincere na sagot ni Dustin.
Natapos ang kanilang pag uusap at nagpaalam na kami kay mama. Nag aya si Dustin na mag dinner at para makapag usap din kami sa aming mga dapat gawin para sa aming planong pagpapakasal.
“Iris, first of all I need to introduce you as my girlfriend kay Lolo bukas na bukas din at sa aking buong pamilya,” sabi ni Dustin habang kami ay kumakain.
“Agad-agad? Parang hindi pa yata ako handa Dustin,” sagot ko sa kanya.
“Irish, wala na akong oras para dyan hindi lang ako ang naghahangad sa aming kumpanya nariyan din ang aking gamahan na pinsan na gustong mapasakanya ang buong kumpanya. Kailangan ko kumilos kaagad Irish,kung hindi ay sa maling kamay mapupunta ang pinaghirapan ng aking pamilya lalo na si Lolo.”
Tinitigan ko si Dustin pareho kami na wala ng sapat na oras para patagalin pa ang lahat ng bagay. Kailangan na rin na maoperahan si mama sa lalong madaling panahon.
“Okay, handa na ako Dustin. Please paki ready na rin ang operasyon ni mama.” Seryoso kong sagot kay Dustin.
“Don't worry bukas na bukas din ay isasagawa ang operasyon sa kanya huwag ka na mag-alala pa. I want you to focus on our plans and act effectively. I'll bring the contract tomorrow for our contract marriage.”
Itinaas ni Dustin ang baso ng alak para makipag cheers sa akin para sa simula ng aming mga plano. Kinakabahan man sa mga magaganap ay wala na akong takas pa. Papasukin ko ang buhay may asawa na tanging sa kontrata lamang umiikot.
Hindi ako makatulog, bigla akong nakonsenya sa mga sinabi ko at ginawa kay Dustin kanina. Alam ko naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Pakiramdam ko ang sama ko sa kaniya. Kinuha ko ang aking telepono at nag-sent ng message.‘I’m so sorry kanina.’‘Bahala na bukas pagpasok ko, kakausapin ko na lang siya,’ bulong ko sa aking sarili.KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising at nag-ayos upang pumasok sa trabaho. Nakahanda na ang lahat ng linya na sasabihin ko sa kaniya ngunit, tila ba gumaganti ang tadhana sa aking ginawa kagabi. Habang papasok ako ng entrance ng kumpanya ay nakita ko si Dustin na may kasamang magandang babae. Matangkad ito at balingkinitan ang katawan, higit sa lahat malaki ang kaniyang dibdib na wala ako. Napansin ako ni Dustin subalit kaagad siyang umiwas ng tingin.“Good morning, Sir.” Niyuko ko ang aking ulo sa aking pagbati.Nagpupuyos ang aking dibdib dahil hindi man lang ako binigyan kahit kaunting ngiti man lang o pagtango ni Dustin. Nakangiti itong nak
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natuwa ako ng makita si Dustin. Ayaw ko man aminin pero na miss ko siya ng sobra. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi habang nagtatrabaho."Irish!" Tawag sa akin ni Janeth."Ha? Ano yun?""Tsk! Naku tulala ka kasi habang ngiting-ngiti! Bakit ang saya mo ah? Dahil ba kay Sir Dustin?" Pang aasar ni Janeth."Janeth! Shhh! 'Wag ka ngang maingay dyan! Baka marinig ka ng mga kasama natin!""Bakit ba? Iisipin lang naman nila na inaasar kita eh!""Haist! Basta ayaw ko ma chismis ako. Alam mo naman.""Oo na. So..ano nga dahil nga ba kay Sir?"Ngumiti ako, "Secret!""Hmpp! Fishy!" Nakangiting sabi ni Janeth.Dumating ang lunchtime. Inaya ako Janeth na kumain. Ngunit natigilan siya dahil nakita niya si Dustin na papalapit sa amin."Uhm..Irish, una na ako ah bye!" Lumakad si Janeth papalayo."Janeth, teka lang!" Sigaw ko ngunit hindi niya ako pinansin.Paglingon ko ay laking gulat ko dahil nasa harapan ko na si Dustin."Hey beautiful, can I invite you to lunc
Isang linggo kaming hindi nagkita ni Dustin mula ng siya ay magtapat sa akin dahil na rin sa kanyang biglaang business trip sa ibang bansa. Wala naman akong lakas ng loob para mag send ng message sa kanya o tawagan siya para kamustahin. Pero inaamin ko na na mi-miss ko ang kanyang presensya.“Irish..Irish,” mahinang tawag sa akin ni Janeth, ang aking kaibigan.Si Janeth ay nagsimula na rin mag trabaho dito sa kumpanya nila Dustin. Masaya ako dahil magkasama na kaming muli. Nawala man si Mariz sa aking buhay bilang kaibigan ay pinalitan naman ito ni Janeth na tunay na nag aalala sa akin bilang kaibigan.“Janeth…I’m sorry ano ulit yun?”“Bakit ba parang wala ka sa sarili nitong nakalipas na isang linggo? May problema ka ba?”“Wala akong problema don’t worry.”“Okay. Oo nga pala birthday ko na sa friday ah punta ka.” Nakangiting sabi ni Janeth.“Syempre pupunta ako. Darating ba ang boyfriend mo?”“Oo naman darating yun. Humanda siya sa akin kapag wala siya!”Mahina kaming nagtawanan sa k
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at isang lalaki ang agad na sumuntok kay Jared. Sa totoo lang ay takot na takot ako sa ginawa ni Jared sa akin. Buti na lang at dumating si Dustin.“Dus-tin…” Tawag ko sa kanya sa nanginginig na boses.Kaagad na nawalan ng lakas ang aking mga binti at napaupo ako sa sahig. Lumapit si Dustin sa akin at niyakap ako ng mahigpit.“Irish, are you okay? Don’t worry nandito na ako ‘wag ka ng matakot,” sabi ni Dustin habang yakap-yakap ako.Samantalang nakahandusay naman si Jared sa sahig at iniinda ang masakit na suntok ni Dustin sa kanyang mukha. Niyakap ko si Dustin ng mahigpit habang umiiyak sa takot. Dustin comforted me until I stopped crying.“I-rish..It’s not what you think. Hindi ko balak na saktan ka maniwala ka. Nandito lang ako para makipag usap sayo,” Sabi ni Jared na nakatayo na pala.Biglang tumayo si Dustin at hinawakan si Jared sa kanyang kwelyo galit na galit ito, “Wala kang balak saktan? Pero sa naabutan ko ay nasasaktan na si Irish
Lihim na kinausap ng tito ni Dustin ang kanyang lolo tungkol sa kanyang kumpanya at negosyo na nais ipamana nito kay Dustin na labis niyang tinututulan.“Dad, bakit kailangan kay Dustin mo ipapamana ang kumpanya he’s still young to inherit the company,” sabi ng kanyang anak na si Rey.Nasa garden sila nag uusap habang umiinom ng kape, “Rey, kahit bata pa ang edad ni Dustin ay hindi naman mapagkakaila ang kanyang kakayahan sa paghawak sa ating kumpanya. Magaling siya at may kredibilidad sa trabaho.”“Dad, you know your grandson hindi pa siya stable sa buhay ni wala sa hinagap niya ang magkaroon ng sariling pamilya. He played around with different woman sabihin na natin na nakuha niya sa akin yan and I’m sorry about that. But this is a serious matter Dad. I think Dustin is not capable enough to handle the company.”“That’s enough Rey! My decision is final. Dustin is capable enough to inherit the company!” Galit na sabi ni lolo Enrico.“Dad. am I not enough? Lahat ginawa ko para sa kumpa
Lahat ng plano namin ni Dustin ay gumugulong ng naaayon sa aming kagustuhan. Wala pa kaming problema so far. Pero isang delubyo pala ang darating sa mga susunod na araw. Sa pagdating ng kanyang Tito. Ang pangalawang kapatid ng kanyang ama siya si Rey Ibarra.Nasa ibang bansa siya upang asikasuhin ang iba pa nilang proyekto doon. Siya ang Presidente ng kumpanya. Ngunit siya ang tipo ng taong hindi kuntento sa buhay. Nais niyang siya ang nakakaangat sa lahat kasama dun ang maangkin ang kumpanya ng kanyang ama na nais ipamana nito sa kanyang unang apo na si Dustin.“Hello Anak, umuwi ka ng maaga mamayang gabi mag dinner tayo at isama mo si Irish,” sabi ng mommy ni Dustin mula sa kabilang linya ng telepono.Papalabas na si Dustin ng kanyang opisina ng tumawag ang kanyang ina. Kaya naman pagkababa ng telepono ay kaagad siyang nagtungo sa aming department.“Irish, I have something to tell you. Can we have lunch together?” Sabi ni Dustin sa akin na walang pakialam kung may nakakarinig man sa