Share

Chapter 5. We Are Getting Married Soon

Iniipon ko na ang lahat ng aking lakas ng loob para magawa ko ng tama ang aming pagpapanggap ni Dustin sa harap ng kanyang pamilya. Pag nagkamali ako siguradong malaki ang epekto nito kay Dustin at masisira ako sa kanya. Dumating na kami sa bahay ng kanyang lolo napakalaki ng kanilang bahay parang bahay bakasyunan at maraming halaman ang nakapaligid dito. Sobrang ganda ganito yung pinapangarap ko na bahay para kay mama sariwa ang hangin ng paligid at maganda ang tanawin.

“Irish, let me hold your hand,” sabi ni Dustin.

Alam kong kasama ito sa aming pagpapanggap bilang mag kasintahan pero ang bilis ng tibok ng aking puso at kinikilig ito sa mga munting gestures ni Dustin bilang isang nobyo. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng bahay at bumungas sa amin ang mommy ni Dustin.

“Dustin, anak!” Masayang bati ng kanyang mommy at niyakap siya nito ng mahigpit.

Bumaling din sa akin ang kanyang ina binati ako at niyakap ng mahigpit, “Finally Iha, dinala ka na ng aking anak dito para ipakilala.” Nakangiting sabi ng kanyang mommy.

Masaya niya akong hinawakan sa kamay at dinala sa sala kung nasaan ang lahat at naghihintay sa aming pag dating. Masaya ang lahat ng makita kami mabait ang kanyang buong pamilya lalo na ang kanyang lolo.

“Mom,Dad,Lolo, I want you to meet my beautiful girlfriend, Irish Rebana,” pagpapakilala sa akin ni Dustin sa kanyang buong pamilya.

“Hello po sa inyong lahat. I’m Irish Rebana girlfriend po ni Dustin.” Nakangiti kong sabi.

“Mabuti naman at ipinakilala kana ng aking apo na si Dustin ang akala ko ay hindi na siya magbabago at habang buhay na lang na magiging playboy.” Natawa ang lahat sa sinabi ng kanyang lolo.

“Lolo, grabe naman po kayo sa akin. I am young and handsome sila ang naghahabol sa akin.” Pabiro na sabi ni Dustin.

Natawa naman ako ng mahina sa sinabi ni Dustin. Ngayon ko lang nalaman na playboy pala siya kaya pala nag aalala ang kanyang lolo na baka hindi na siya mag asawa sa ginagawa niya.

“Irish, don’t laugh at me, I am telling the truth.”

“Dustin, you better behave now okay! Now that you have this beautiful girl in your life you must love her wholeheartedly tigilan mo na iyang pambabae mo ako mismo ang kakastigo sayo pag hindi ka pa nagbago.” warning ng kanyang lolo na nakangiti naman sa kanya.

“Don’t worry Lolo, nag iisa lang si Irish sa puso ko at wala ng iba pa.” Kumindat sa akin si Dustin at hinawakan ang aking kamay at hinalikan ito. Ikinapula ito ng aking mga pisngi hindi ko maiwasan na kiligin kahit alam ko na ang lahat ng ito ay pawang pagpapanggap lamang.

Kumain muna kami ng dinner habang masayang nag uusap. Masarap ang mga pagkain luto ito ng kanilang personal chef. Habang kumakain ay sinusulyapan ko si Dustin masaya ito na kasama ang kanyang buong pamilya bigla mo tuloy na miss kaagad si mama. Hindi ko inaasahan ang sinabi ng kanyang lolo.

“Dustin, kailan ang kasal nyo ni Irish? I wanted to see my great grandchildren bago pa ako mawala sa mundo,” sabi ng lolo ni Dustin.

Bigla akong nasamid sa aking narinig, “Irish, are you okay?” Tanong sa akin ni Dustin.

“I’m alright nasamid lamang ako sa sinabi ng lolo mo.” mahina kong bulong kay Dustin.

“Don’t worry sumakay ka lang sa usapan okay?” Tumango ako kay Dustin bilang pagsang-ayon.

“Lolo, masyado naman po kayong nagmamadali bago pa lang po ang relasyon namin ni Irish.”

“Wala naman sa tagal ng pagsasama ‘yan kung gusto nyo na ba magpakasal eh bakit patagalin pa,” sagot ng kanyang lolo.

Tumingin sa akin si Dustin at kanyang buong pamilya ngumiti ako sa mga ito at sumagot, “Makakarating din po kami sa ganyan huwag po kayo mag alala. I love Dustin and I want to spend my life with him. Nawa’y matanggap nyo ako kahit ako ay mula lamang sa simpleng pamilya.”

“Don’t worry Iha, ang tanging mahalaga sa amin ay ang inyong kasiyahan at pagmamahalan.” Nakangiting sabi ng kanyang mommy.

Masayang-masaya ang pamilya ni Dustin sa aking mga sinabi lalo na ang kanyang lolo. Iba naman ang reaksyon ni Dustin ng tignan ko siya nagulat ito sa aking mga sinabi sa harap ng kanyang buong pamilya. Hindi niya inaasahan na ganun ang aking sasabihin. Kailangan ko rin naman bumawi kay Dustin kaya gagawin ko ang lahat para magawa ang aking parte. 

Hinawakan n i Dustin ang aking kamay, “ I also want to spend the rest of my life with you Irish.”

Nagyakap kami ng mahigpit na parang tunay na mag nobyo, “Good job Baby.” Bulong sa akin ni Dustin na kaagad na nagpangiti sa aking puso.

Natapos ang aming hapunan at masayang pag kukwentuhan. Nagpaalam na si Dustin na uuwi na kami, mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng kanyang mga magulang ganun din ang kanyang lolo.

“Irish, masaya kami na makilala ka. I know that you are the one that meant for my grandson. Bilisan nyo na at magpakasal na kayo okay.” Masayang sabi ng kanyang lolo sa akin.

Bumiyahe na kami pabalik ng Manila.Nasa Tagaytay kasi nakatira ang kanyang lolo at mga magulang. Ngunit may bahay din sila dito sa Manila. Iba talaga ang buhay mayaman lahat ng magagandang bagay ay makakamtan mo. Ginising ang aking ulirat sa pagtawag ni Dustin sa aking pangalan.

“Irish! Kanina ka pa tulala dyan ah may problema ba?”

“Wala..naisip ko lang na ang saya ng pamilya mo dapat sinusunod mo na lang ang kanilang kagustuhan para rin naman yun sa kapakanan mo inaalala ka lang nila.”.

“Sinusunod ko na nga sila diba. We are getting married soon.” Nakangiti niyang sabi.

“Kontrata lang ang lahat Dustin, why don't you settle down for good?”

“ I don’t want to be tied to a serious relationship now, especially marriage wala pa yan sa bukabularyo ko Irish.”

“Hayy..playboy ka ngang talaga! Tandaan mo lang na huwag kang magpahuli sa mga magulang mo lalo na sa lolo mo naku! Ikaw rin mawawala ang lahat sayo,” warning ko kay Dustin.

“Kaya ka nga nandyan eh to help me cover up.”Ngumiti siya sa akin. 

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana ng kotse hindi ko alam kung ano ang magiging resulta ng plano naming ito ni Dustin. Ang tangi ko lamang hangad ay ang ikabubuti ni mama ngunit hindi ko alam na lubusan akong kakainin ng aming kontrata at pagpapanggap.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Albert Payag
Good story.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status