SERENITY'S POV
Alas siyete ng gabi ay naglilinis ako sa kusina dahil maagang umuwi si Aling Myrna. Ako na ang nagprisintang magtapos ng trabaho niya na ikinatuwa naman niya. Birthday daw kasi ng anak niya kaya gusto niyang makauwi ng maaga. Habang naglilinis ay narinig ko ang pagbukas ng main door ng bahay kaya alam kong sina Samantha na iyon. Gayunpaman ay hindi ako lumabas ng kusina para salubungin sila. Sabi naman ni Aling Myrna ay sa labas na maghahapunan ang pamilya Silva kaya paniguradong deretso na sila sa mga kwarto nila. "Daddy, ayokong magpakasal do'n," narinig ko pang sabi ni Sam. Natigil ako sa ginagawa ko. Usually ay hindi naman ako nakikinig sa usapan nila ngunit bigla akong na-curious dahil sa word na kasal. At isa pa, mababakas ang inis sa boses ni Sam. "Anak, iyon lang ang paraan para mabayaran ko ang malaking utang ko sa kaniya," sambit naman ni Papa Julio na halata sa boses nito ang pagka-stress. "Pero, Daddy, ayokong magkaroon ng asawang lumpo at matanda pa sa 'yo," sabi pa ni Sam. "Tama ang anak mo, Julio. Masyadong maganda ang anak natin para sa huklubang matanda na iyon," sabi naman ni Mama Mercedes. Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko man lubos na alam ang buong kwento ngunit tila gustong ipakasal ni Papa si Sam sa isang lalaki bilang pambayad utang. "Hindi niyo ba alam kung gaano kayaman ang matandang iyon? Pagkakataon na rin natin ito upang mas lalo pang umangat. Kapag naging asawa na niya si Samantha, magkakaroon tayo ng kaparte sa yaman ng matandang iyon," paliwanag naman ni Papa Julio na ikinailing ko na lamang. Pera pa rin ang pinakamahalaga sa pamilyang ito. "Pero, Daddy, ayoko! Iniisip ko pa lang na makakatabi ko 'yon sa pagtulog, O my god! It's a big no!" maarteng sabi ni Sam. "Maraming mayayaman na kasing edad lang si Samantha. Dapat sa mga ganoon siya ikasal, at hindi sa matandang iyon," sabi pa ni Mama Mercedes. "Anong gagawin ko? Kapag binayaran ko ng buo ang utang ko, maba-bankrupt tayo." "Bakit hindi si Serenity na lang ang ipakasal niyo?" Halos manlamig at manigas ako sa sinabing iyon ni Samantha. Ni minsan ay hindi ko naisip na maikasal dahil iba ang mga plano ko sa buhay ko. At hindi dapat ako nadadamay sa problemang ito. "Exactly. Ang anak-anakan mo na lang ang ipakasal mo doon. Mukhang wala rin namang tayong mapapala sa matandang iyon. Hindi niya ipapamana kay Samantha ang mga yaman niya kahit magpakasal sila. Ang gusto lang ng matandang iyon ay par*usan. At hindi ako papayag na si Sam ang ibigay mo," pagsang-ayon naman ni Mama Mercedes. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya lumabas na ako ng kusina. Tila nagulat naman sila nang makita nila ako. Lumuhod ako sa harapan nila habang umiiyak. "Nagmamakaawa po ako, Papa Julio. Huwag niyo po akong ipakasal sa kung sino man po iyon," mahinang sabi ko. Masisira ang lahat ng plano ko sa oras na maikasal ako. Hindi ko matatapos ang pag-aaral ko. Hindi ako makakahanap ng matinong trabaho at higit sa lahat, hindi ko magagawang makatakas sa malupit na mundo ng mga mayayaman. "How dare you, Serenity? Mas lalo naman akong hindi papayag kung ang tunay kong anak ang ikasal," galit na sabi sa akin ni Mama Mercedes. "Daddy," naiiyak na tawag naman ni Sam kay Papa Julio. "Fine. Ikaw, Serenity, ang ipapakasal ko kay Don Armando. Huwag ka nang pumasok bukas dahil ipapakilala kita sa kaniya bukas na bukas din," maawtoridad na sabi ni Papa Julio. "Pero.." "Huwag ka nang tumutol pa. Kung gusto mong lubusang makabayad sa pagpapalaki namin sa 'yo, sumunod ka na lang sa gusto ko," pagputol pa niya sa sasabihin ko. Umalis ang pamilya Silva sa harapan ko. Mas lalo akong napaiyak dahil doon. Silva nga ako ngunit isa lamang akong pambayad utang. At hindi ko alam kung magagawa ko pang pigilan iyon. Mabilis akong pumunta sa kwarto ko. Kung tutuusin ay pwedeng pwede ko na silang layasan dahil may ipon naman na ako. Ngunit kapag ginawa ko iyon ay hindi ko na maitutuloy pa ang pag-aaral ko. Ipinangako ko pa naman sa sarili ko na makakatapos ako ng college kahit na ano pang mangyari. Pero hindi ko na talaga makakayanan kung maikasal ako sa hindi ko kilalang lalaki. Kaya kahit ayokong gawin ito ay napagdesisyunan ko nang layasan ang pamilyang kumupkop sa akin. Mabilis akong nag-empake ng gamit ko. Hindi ko pa alam kung saan ako pupunta ngunit ang mahalaga ay makalayo muna ako. Hindi ako papayag na masira ang buhay ko dahil lamang sa obligasyong hindi kayang bayaran ni Papa Julio. Alas dyes ng gabi ay naayos ko na ang lahat ng gamit ko. Paniguradong tulog na rin sina Papa Julio dahil tahimik na ang buong bahay. Dahan dahan kong binuksan ang seradura ng pinto ng kwarto ko. "Sinasabi ko na nga ba e." Natigilan ako nang makita ang tatlo na nakatayo sa harap ng kwarto ko. Masama ang tingin sa akin nina Papa at Mama habang si Samantha ay nakangisi sa akin na tila sinasabi niyang wala na akong kawala pa. "At saan ka pupunta?" galit na tanong sa akin ni Mama Mercedes. "Wala ka talagang utang na loob. Tatakasan mo pa ang mga magulang ko?" saad naman ni Samantha. Napaiyak na lamang ako habang mahigpit na hawak ang strap ng bag ko. "Pasensya na po. Pero hindi ko po talaga kayang magpakasal," mahinang usal ko. Malakas akong tinulak ni Papa Julio pabalik sa loob ng kwarto. Si Samantha naman ay lumapit sa akin at kinuha ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko. "Wala ka nang magagawa, Hija. Susundin mo ang gusto ko," walang emosyong sabi ni Papa Julio bago pabagsak na isinara ang pinto ng kwarto. Agad naman akong lumapit doon para buksan ito ngunit naka-lock na ito sa labas. Malakas kong kinatok ang pintuan. "Papa, pakawalan niyo po ako dito. Nagmamakaawa po ako," umiiyak kong sambit. "Hindi mangyayari ito kung sumusunod ka na lamang. Maghanda ka bukas dahil ipapakilala kita kay Don Armando." Iyon lang ang sinabi niya bago ako makarinig ng mga yabag na papalayo sa kwarto ko. Napaupo na lamang ako at hindi na nag-aksaya pang kalampagin ang pinto. Dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hindi ko sila matatakasan. Napatitig na lamang ako sa mga litratong nakapaskil sa dingding ng kwarto habang tahimik na umiiyak. "Mukhang hindi tayo magkikita sa concert mo, Ethan." Kinuha ko ang note na iniwan sa akin ng idolo ko noong aksidenteng magkita kami. Mapait akong napangiti habang paulit ulit na binabasa ang message niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. "Kung kaya ko lang sanang baguhin ang buhay ko sa isang pitik lang ng daliri ko, kung kaya ko lang sana."SERENITY'S POVHindi ko alam kung anong sasabihin pa kay Ethan dahil nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Wala na akong nagawa kun'di ang laruin na lamang ang mga daliri ko dahil sa kaba. Hindi naman siguro ako papagalitan nina Lolo at Lola dahil nagpahatid ako sa isang lalaki. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanila ang lahat at sana ay paniwalaan nila ako."Dito ka ba nakatira?" walang emosyong tanong sa akin ni Ethan nang huminto siya sa tapat ng bahay nina Lolo Armando."Dito nga," mahinang sambit ko.Bumisina si Ethan at nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang malaking gate. Pumasok ang sasakyan at binati pa ng guard si Ethan."A-anong?" hindi ko maituloy ang itatanong ko.Hindi nagsalita si Ethan. Bumaba siya ng sasakyan habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya. At nanlamig ang buong katawan ko nang salubungin siya ng mag-asawa. Nagmano pa si Ethan sa mga ito. Agad akong bumaba ng sasakyan."Buti naman at tinupad mo ang pangakong uuwi ka pagkatapos ng concert mo," narinig kong s
SERENITY'S POVTila tumigil na naman ang mundo ko nang makita kong muli ng malapitan si Ethan. Hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko at wala akong ibang magawa kun'di ang mapatitig na lamang sa kaniya. Nabablangko ako at napakabilis ng tibok ng puso ko."So, nasaan ang boyfriend mo?" tanong pa niya sa akin na siyang nagpabalik sa ulirat ko."A ano, kasi, ano."Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Wala naman kasi talaga akong boyfriend. Ang mayroon ako ay asawa na hindi ko pa nakikilala."Malayo-layo pa ang bayan dito. Sumabay ka na sa akin," walang emosyong sambit pa niya."A. Hindi na. Ayos lang ako," pagtanggi ko naman kahit ang totoo ay gustong gusto ko nang sumakay sa kotse niya. Isang pambihirang pagkakataon iyon na hindi ko dapat pinalalampas ngunit hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na i-grab ang pagkakataong ito."Okay."Mabilis akong napalingon kay Ethan dahil muli niyang ini-start ang kotse niya. Agad naman ako
SERENITY’S POV“Hello, guys,” masayang bati ni Ethan sa amin nang matapos niyang kantahin ang song na nagpasikat sa kaniya.Napuno naman ng tilian at sigawan ang buong venue habang ako ay nakangiting nakatitig lang kay Ethan kahit na hindi ko siya gaanong maaninag dahil nga malayo kami sa stage.“I have an announcement to make. Bago pa man ang concert na ito ay maraming bali-balita na ang kumakalat tungkol sa akin,” seryosong sabi niya.Napatango ako. Alam ko ang tinutukoy niya dahil may isang litrato siyang nag-viral. Ang litratong ito ay isang kuha ng hindi kilalang tao. Sa litratong ito ay may kasama siyang isang babae, si Camila Ceres, isa sa mga pinakasikat na mga artista. Malaking balita ito sa lahat sapagkat iyon ang kauna-unahang beses na may na-link na babae kay Ethan. Kaya marami na ang nag-conclude na baka magkarelasyon na ang dalawa. Iyon din kasi ang kauna-unahang beses na makita siyang may kasamang babae.Naalala ko pa ang isang interview noon ni Ethan. Tinanong siya kun
SERENITY'S POV"Paalis ka na ba, Hija?" magiliw na tanong sa akin ni Lola Amanda."Opo, Lola Amanda."Simula kasi kagabi noong nagpaalam ako sa kanila na manonood ako ng concert ni Ethan ay sinabihan na nila akong tawagin ko na lamang silang lolo at lola. Buong akala ko nga ay hindi pa nila ako papayagan na umalis ngayon dahil mukhang bad mood sila kagabi. Ngunit laking gulat ko na wala silang pagdadalawang isip na pinayagan ako. Nakakapagtaka pa nga na parang mas natuwa pa sila na manonood ako ng concern. Ngunit gayunpaman ay hindi na ako nagtanong o nangulit pa dahil baka maiba na naman ang mood nila.Mamaya pa namang 7pm ang simula ng concert ngunit sinabi sa akin ni Cindy na dapat ay maaga pa lang ay nasa venue na kami. Sold out kasi ang tickets kaya paniguradong maraming tao mamaya. Kaya kahit alas kwatro pa lamang ng hapon ay nakagayak na ako. "O siya, mag-iingat ka ha. Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa driver mo?" tanong pa sa akin ni Lola.Marahan naman akong umili
SERENITY'S POVPagkarating namin sa loob ng classroom ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin. Ang iba ay nagbubulungan pa kaya hindi na nakatiis pa si Cindy. Pumunta siya sa harap at malakas na hinampas ang table."Pwede ba? Tigilan niyo na nga 'yan. Bakit hindi na lang kayo mag-aral para may magawa kayong maganda?" mataray na sigaw niya sa buong klase."Bakit pa kami mag-aaral kung pwede naman palang magpakasal sa matandang mayaman para umangat sa buhay?" pasaring naman ni Chloe, ang isa sa mga maldita naming kaklase."Kung umangat nga talaga ang buhay ko, edi sana hindi na ako pumasok ngayon?" sarkastikong sabi ko naman.Hindi ko ugaling pumatol sa mga sinasabi nila sa akin noon. Ngunit hindi ko na napigilan pa ang sarili ko lalo na at pati ang kaibigan ko ay nadadamay. Lumapit ako kay Cindy at marahan siyang hinila paupo sa upuan namin."Huwag mo na silang patulan, Cindy. Hayaan mo na lang," bulong ko pa sa kaniya."So, totoo ngang magpapakasal ka sa isang matanda?" hindi maka
SERENITY’S POV Dahil sa mga rebelasyon kagabi ay wala akong sapat na tulog. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa napakalaking twist sa buhay ko. FLASHBACK “Hija, alam kong nalilito ka sa mga kaganapan. Ngunit kasal ako at buhay pa ang asawa kong si Amanda kaya imposibleng sa akin ka ikakasal. At isa pa, mahal na mahal ko itong si Amanda at wala na akong balak na maghanap pa ng iba.” “Ano na namang kapilyuhan ang sinabi mo at bakit iniisip ng bata na ikaw ang papakasalan niya?” singit ni Donya Amanda. “Hindi ko kasi sinabi sa mag-asawa na sa apo natin ipapakasal ang anak nila.” “Ibig sabihin ay sinadya niyo pong hindi sabihin kina Papa Julio na sa inyong apo dapat magpapakasal si Samantha?” gulat kong tanong. Ngingiti-ngiting tumango si Don Armando. “Hindi naman kasi sila nagtanong, at isa pa, sila na mismo ang nag-isip na sa akin magpapakasal ang anak nila.” May punto naman si Don Armando doon dahil kaya ko lang din naman inakala na sa kaniya ako ikakasal ay dahil iy