Share

CONFUSIONS

last update Last Updated: 2024-07-23 13:40:36

SERENITY’S POV

Katulad ng sinabi sa akin ni Papa Julio ay hindi na niya ako hinayaang pumasok pa sa school. Paniguradong tinatawagan na ako ni Cindy ngayon ngunit hindi pa rin nila ibinabalik sa akin ang cellphone ko. Sa ngayon ay nakasakay na kami sa Black Limousine na katulad no’ng sumundo sa kanila kahapon. Nakasimpleng dress lamang ako ngunit pinaayusan pa ako ni Mama Mercedes, bagay na unang beses nilang ginawa sa akin.

“Ayusin mo ang mukha mo mamaya, Serenity. Huwag na huwag mo kaming ipapahiya kay Don Armando,” nagbabantang sabi pa sa akin ni Mama.

Hindi ako nagsalita. Wala rin namang saysay ang boses ko sa kanila dahil buo na nag desisyon nilang ako ang ipambayad nila sa utang nila sa Don Armando na iyon. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakarating na kami sa isang mamahaling restaurant. Habang naglalakad kami papasok ay napakabilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa makita ko ang isang matandang nakangiti sa amin. Naka-wheelchair siya at halatang mas maedad nga siya kay Papa.

“Don Armando,” nakangiting bati ni Papa Julio.

Tumango naman ang don at saka inilipat ang tingin sa akin. Agad naman akong umiwas dahil hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

“Siya na ba ang sinasabi mong ipapakasal mo? Buong akala ko ay si Samantha iyon,” sambit pa ng don.

“Medyo nagkaroon lang po ng misunderstanding. Pero opo, siya po si Serenity, ang isa sa mga anak ko at siya ang magpapakasal.”

Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtingin sa akin ng don mula ulo hanggang paa. Bigla akong nakaramdam ng panliliit sa sarili ko. Gusto ko nang umiyak ngunit hindi iyon ang makakatulong sa akin ngayon.

“Kung ganoon, nais ko siyang makilala ng lubos. Maiwan niyo muna kami. Ako na rin ang bahalang maghatid sa kaniya sa bahay niyo,” walang emosyong sabi pa ni Don Armando.

“Masusunod po.”

Akmang aalis na sana sina Papa Julio ngunit mabilis kong hinawakan sa braso si Mama Mercedes. Hindi ako makapagsalita ngunit alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

“Umayos ka, Serenity. Pare-pareho tayong pupulutin sa kanal kapag hindi ka umayos. Alam ko namang hindi mo na gugustuhin ang bumalik sa putikan,” mariin at mahinang sabi niya sa akin.

Umalis ang mag-asawa kaya kami na lang ng don ang naiwan. Kahit na kabadong kabado ako ay tahimik akong umupo sa harap niya habang siya ay nakatingin lamang sa akin. Ilang saglit pa ay tumikhim siya.

“Alam mo ba kung anong pinapasok mo, Hija? Tatapatin na kita. Bago ka pa mapunta dito ay inimbestigahan ko na ang pagkatao mo. Ikaw ang ampon ng mag-asawang Silva kaya nagulat ako na ikaw ang pinili nilang ipambayad sa utang nila sa akin.”

“Tatapatin na rin po kita, kagabi lang nila napagdesisyunan ang lahat dahil ayaw pong magpakasal sa inyo ni Samantha,” deretsong sagot ko.

“Sa akin?” hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Don Armando.

Marahan naman akong tumango. “Hindi ko po alam ang totoong intensyon niyo ngunit katulad ng sinabi niyo, ampon lang ako. Walang dugong Silva ang nananalaytay sa katawan ko. Hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko kaya hindi ko alam ang pinagmulan ko. Isang malaking sampal sa katulad niyo kung ako ang papakasalan niyo.”

Napangisi naman sa akin ang don. “Tutal naman ay nagiging honest tayo sa isa’t isa, sabihin mo nga sa akin kung anong plano mo sa buhay mo?”

Tiningnan ko ng deretso ang don. “Gusto ko pong makatapos sa pag-aaral upang makahanap ako ng matinong trabaho. Nang sa gayon ay makawala na ako sa pamilyang iyon na ang tingin lang sa akin ay isang katulong. Ngunit hindi na mangyayari iyon sa oras na maikasal ako sa inyo bilang pambayad nila sa utang nila.”

Tumango tango ang don na tila nagustuhan ang sasabihin ko. “Alam mo bang nalulong sa casino ang iyong ama-amahan kaya lumaki ng lumaki ang utang niya sa akin. Limampung milyon ang halaga mo, Serenity. Kapag nagpakasal ka ay bayad na ang utang nila.”

Inilapag ng don ang isang papel at nang tingnan ko ay isang Marriage Contract iyon. Walang mga pangalan ang nakalagay dito kaya bahagyang kumunot ang noo ko.

“Masyadong matagal pa ang gugugulin mo para makaalis sa pamilya Silva. Ngunit kapag pinirmahan mo ang papel na ‘yan, makakalaya ka na sa kanila at sisiguraduhin kong hindi ka na nila guguluhin pa,” seryosong sabi sa akin ng don.

“Pero bakit po ako?” wala sa sariling tanong ko.

“Dahil mas gusto kita kaysa kay Samantha. Hindi ka pa man nagsasalita kanina ay alam kong malaki na ang pagkakaiba mo sa kaniya. Sa oras na pirmahan mo ‘yan, ngayong gabi rin ay lilipat ka na sa mansion ko at tuluyan ka nang makakaalis sa bahay na iyon,” nakangiting sabi pa ng don.

Napalunok ako dahil sa sinabi niyang iyon. Napakatagal ko nang gustong makalaya sa pamilya Silva lalong lalo na kay Samantha. Mukha namang hindi masamang tao si Don Armando at hindi siya mahirap pakisamahan. Kaya kahit alanganin ay dinampot ko ang ballpen sa table at wala sa sariling pinirmahan ang papel.

“You made a good decision, Hija. Tara na sa mga Silva upang kunin ang mga gamit mo.”

Masyadong napakabilis ng mga pangyayari. Katulad ng sinabi ng don ay nagderetso na kami sa bahay. Pagpasok namin ay nakaabang na ang mag-asawa pati na rin si Sam. Alam kong naghihintay sila ng balita tungkol sa naging pag-uusap namin ng don.

“Julio, nagkasundo na kami ni Serenity. Pinirmahan na niya ang Marriage Contract, which means your debt is paid. Pinuputol ko na rin ang koneksyon nating dalawa at hindi ka na pwedeng pumunta at maglaro sa casino ko. At wala na rin kayong kahit na anong koneksyon kay Serenity. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Tumingin sa akin si Samantha na tila hindi nagustuhan ang sinabi ng don na mawawalan na ako ng koneksyon sa kanila. Ibig sabihin kasi no’n ay hindi na ako mauutusan pa ni Sam na gumawa ng mga projects at assignments niya. Ibig sabihin ay mawawalan siya ng personal na yaya.

“What?” hindi napigilang itanong pa niya.

“Sam, we don’t have the right to disagree,” saway sa kaniya ni Papa Julio. “Kung iyan ang gusto mo, Don Armando.”

Lumingon sa akin si Don Armando. “Kunin mo na ang mga gamit mo,” utos niya sa akin.

Agad akong naglakad papunta sa kwarto ko upang kunin ang mga gamit ko. Hindi ko naman na kailangang mag-ayos pa dahil naka-empake na naman ang mga gamit ko dahil sa pagbabalak na tumakas kagabi. Sa sobrang lutang ng isip ko ay hindi ko na napansin na nakasunod pala sa akin ang don at ang tagapag-alaga niyang nurse.

“Buong akala ko ay sa taas ang kwarto mo. Dito ka pala sa maid’s quarter,” sabi pa niya.

Mapakla akong ngumiti. Kinuha ko ang malaking bag ko na nasa cabinet ko. At natigilan ako nang biglang tumawa ng malakas si Don Armando. Napatingin ako sa kaniya at kumunot ang noo ko nang pati ang nurse na nasa likod niya ay tumatawa rin.

“May problema po ba?” hindi ko napigilang itanong.

“Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa isang Filipino singer.”

Nakaramdam ako ng hiya dahil napansin pa pala ng don ang mga litratong nakapaskil sa pader ng kwarto ko. Maski ang nurse ay namamanghang tiningnan ang mga litrato kaya mabilis kong inalis ang mga ito.

“Pasensya na po,” mahinang sabi ko.

“Huwag mong sabihin na dadalhin mo pa ‘yan sa bahay?” hindi makapaniwalang tanong pa ni Don Armando.

Mabilis naman akong umiling. “Hindi po.”

“Teka, iyan na ba ang mga gamit mo? Isang bag lang?” baling ng don sa gamit ko.

“Opo,” tipid kong sagot.

Kakaunti lang naman kasi ang mga damit ko dahil hindi ako bumibili. Karamihan din sa mga damit ko ay mga pinagsawaan at pinaglumaan ni Samantha.

“O sige. Tara na.”

NAPAKALAKI ng bahay ni Don Armando. Walang wala ito sa bahay ng mga Silva at pakiramdam ko ay maliligaw ako sa sobrang laki nito. Kakababa lang namin sa sasakyan niya at nasa labas pa lang kami ng bahay niya. Sa labas pa lang ay busog na busog na ang mga mata ko sa mga nakikita ko. Kahit kasi gabi na ay napapalibutan naman ng mga ilaw ang labas ng bahay.

“Mabuti naman at dumating na kayo. Teka, siya na ba ang sinasabi mo?” salubong sa amin ng isang matandang babae na sa tingin ko ay kasing edad lang ni Don Armando.

“Oo, Irog, siya na nga,” nakangiting sabi naman ng don.

“Irog?” hindi ko napigilang itanong.

“Oo, Hija. Siya si Amanda, ang asawa ko.”

“Asawa?” nalilitong tanong ko.

“At ikaw, Hija, anong pangalan mo?” magiliw na sabi sa akin ng babae na hinawakan pa ang dalawa kong kamay.

“Serenity po,” alanganing sagot ko naman.

“Napakagandang pangalan, at napakagandang bata,” giliw na giliw na sabi sa akin ng donya.

Nalilito ako sa mga nangyayari. Ang alam ko ay si Don Armando ang pakakasalan ko ngunit may asawa pala siya?

“Bakit gan’yan ang itsura mo, Hija? May problema ba?” tanong pa sa akin ni Donya Amanda.

“Nalilito ang bata, Irog. Hala, sa loob na tayo at ipapaliwanag ko ang lahat.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Secret Wife   LIVING TOGETHER

    "Pwede ko po ba kayong makausap?" ang bungad ni Ethan kina Lolo at Lola nang makauwi kami sa mansion.Nagkatinginan naman ang dalawa na tila nagulat sa pagiging seryoso ng kanilang apo."Akyat po muna ako sa kwarto," mahinang paalam ko dahil mukhang seryoso nga ang magiging usapan nilang tatlo.Mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Pagkaupo ko sa kama ay doon na lumabas ang kanina ko pang tinatagong nararamdaman. Nanginig ang mga kamay ko habang kusang dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ko.Sanay ako sa mga panglalait sa akin ng ibang tao, ngunit ang pambabastos sa akin kanina ni Joseph ay unang beses pa lamang. Hindi ko akalain na dahil lamang sa maling chismis na kumalat ay magagawa niya akong bastusin ng ganoon.Upang mapakalma ko ang sarili ko ay pumasok ako sa CR para mag-shower. Nagbabad lang ako doon hanggang sa tuluyan akong kumalma. Paglabas ko ng CR ay isang katok ang bumungad sa akin."Ma'am Serenity, pinapatawag po kayo ni Don Armando.""Sige, bababa na ako. Salamat,"

  • The Secret Wife   TROUBLEMAKER

    “Cindy, kumusta? Ayos ka lang ba?”Marahang ngumiti naman sa akin ang kaibigan ko. Kakarating ko lang sa classroom at iyon agad ang bungad ko sa kaniya. Hindi ko na kasi siya nakausap pagkatapos ng concert.“Medyo nagkakaproblema lang sa business ni Daddy, pero okay lang naman ako.”Tumango na lamang ako. Alam kong mas mabigat ang problema niya ngunit ayaw ko naman siyang pilitan na magsalita. Tiyak din naman na ikukuwento niya iyon sa akin kapag handa na siya.“E ikaw, kumusta noong concert? Paano ka pala nakauwi?” may pag-aalalang tanong naman sa akin ni Cindy.“Ah, nakauwi naman ako. May mabait na nagsabay sa akin palabas ng venue.”“Mabuti naman kung ganoon. Pasensya ka na dahil iniwan kita ha.”Umiling ako dahil wala naman siyang kasalanan. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na nakilala ko na ang asawa ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ba niya ako na ang naging asawa ko ay ang kaisa-isang iniidolo ko.“Oo nga pala, hindi ko saulo ang number mo. Pa-save na lan

  • The Secret Wife   THE TRAUMA

    Pagkatapos naming bumili ng cellphone ay nag-aya naman si Lola Amanda sa tindahan ng mga damit. Wala kaming nagawa ni Ethan kundi ang sumunod lamang sa kaniya.“Eto, Hija, isukat mo ang mga ito,” excited na sabi niya sa akin habang inaabot ang ilang piraso ng damit na naka-hanger pa.“Po?” nag-aalinlangan kong sambit.“Sige na.”Wala na akong nagawa kundi sundin ang mga sinabi niya kahit na masama na naman ang tinging ipinupukol sa akin ni Ethan. Kada sukat ko ng damit ay ipinapakita ko iyon kay Lola. Kapag gusto niya ay nagta-thumbs up siya at kapag hindi ay nailing naman siya. Isang oras din ang inabot namin sa pagsusukat ng mga damit.Nang makuntento si Lola ay lumapit na kami sa cashier. Nakatingin lang ako sa monitor habang isa-isang inii-scan ang mga damit na napili ni Lola para sa akin. Napalunok na lamang ako nang makita kung magkano ang kabuuan ng babayaran.“Lola, may mga damit pa naman po ako,” bulong ko sa kaniya.Napangiti naman sa akin si Lola at hindi ako pinansin. Napa

  • The Secret Wife   FIRST SHOPPING TOGETHER

    SERENITY'S POV"Lola, hindi po kaya magalit si Ethan?"Nasa harap kami ngayon ng condo ni Ethan dahil gusto ni Lola Amanda na isama siya sa lakad namin. Alanganin naman ako sa gustong iyon ni Lola dahil baka magalit lamang si Ethan. Kagabi nga lang ay tila napilitan lang siyang matulog sa kwarto dahil sa sobrang pagod niya."Katatapos lang ng concert ng apo ko kaya marami siyang oras ngayon. Dapat ay sa atin niya ibigay ang oras na iyon," nakangiting sabi ni Lola."Lola? Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Ethan nang buksan niya ang pinto. Nakasando lang siya at nakashorts kaya mabilis akong umiwas ng tingin."Pupunta kami ngayon sa mall, samahan mo kami," sagot naman ni Lola."Lola, alam niyo namang hindi pwede dahil makikita ako ng mga tao."Muli akong napatingin kay Ethan. Hindi pwede? E samantalang sa mall nga kami unang nagkita. Hindi nagsalita si Lola Amanda, imbes ay pumasok siya sa condo kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. "Ang kalat naman ng condo mo,"

  • The Secret Wife   FIRST NIGHT TOGETHER

    SERENITY'S POV"Pangako?" nalilitong tanong ko."Give me 6 months. Pagkatapos ng lahat ng ito ay maghihiwalay tayo. Just tell me how much you need for your silence," malamig niyang sagot sa akin.Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ko habang si Ethan ay pabagsak na nahiga sa bed. "Bayaran ba talaga ang tingin mo sa akin?" hindi ko napigilang itanong habang nanatiling nakatayo sa gilid ng kama."Hindi ba? Hindi ba't binayaran ka nina Lolo para pakasalan ako? Na hindi mo kilala noong una."Mapait akong napangiti. Sa iilang minuto pa lamang na kausap ko siya ay tila biglang nawala ang imaheng iniidolo ko. Ibang iba siya sa TV na napanood ko noon. Ibang iba siya sa Ethan na kumakanta sa stage."Ang totoo? Ako ang ipinambayad utang ng mga umampon sa akin. Pero tama ka naman, parang binayaran nga para maikasal sa 'yo. But sad to say, hindi ako ang nakinabang sa perang 'yon."Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Ethan. Mabilis akong kumuha ng damit ko at pumasok sa CR upang mal

  • The Secret Wife   THE MYSTERIOUS HUSBAND

    SERENITY'S POVHindi ko alam kung anong sasabihin pa kay Ethan dahil nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Wala na akong nagawa kun'di ang laruin na lamang ang mga daliri ko dahil sa kaba. Hindi naman siguro ako papagalitan nina Lolo at Lola dahil nagpahatid ako sa isang lalaki. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanila ang lahat at sana ay paniwalaan nila ako."Dito ka ba nakatira?" walang emosyong tanong sa akin ni Ethan nang huminto siya sa tapat ng bahay nina Lolo Armando."Dito nga," mahinang sambit ko.Bumisina si Ethan at nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang malaking gate. Pumasok ang sasakyan at binati pa ng guard si Ethan."A-anong?" hindi ko maituloy ang itatanong ko.Hindi nagsalita si Ethan. Bumaba siya ng sasakyan habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya. At nanlamig ang buong katawan ko nang salubungin siya ng mag-asawa. Nagmano pa si Ethan sa mga ito. Agad akong bumaba ng sasakyan."Buti naman at tinupad mo ang pangakong uuwi ka pagkatapos ng concert mo," narinig kong s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status