SERENITY'S POVHindi ko alam kung anong sasabihin pa kay Ethan dahil nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Wala na akong nagawa kun'di ang laruin na lamang ang mga daliri ko dahil sa kaba. Hindi naman siguro ako papagalitan nina Lolo at Lola dahil nagpahatid ako sa isang lalaki. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanila ang lahat at sana ay paniwalaan nila ako."Dito ka ba nakatira?" walang emosyong tanong sa akin ni Ethan nang huminto siya sa tapat ng bahay nina Lolo Armando."Dito nga," mahinang sambit ko.Bumisina si Ethan at nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang malaking gate. Pumasok ang sasakyan at binati pa ng guard si Ethan."A-anong?" hindi ko maituloy ang itatanong ko.Hindi nagsalita si Ethan. Bumaba siya ng sasakyan habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya. At nanlamig ang buong katawan ko nang salubungin siya ng mag-asawa. Nagmano pa si Ethan sa mga ito. Agad akong bumaba ng sasakyan."Buti naman at tinupad mo ang pangakong uuwi ka pagkatapos ng concert mo," narinig kong s
SERENITY'S POVTila tumigil na naman ang mundo ko nang makita kong muli ng malapitan si Ethan. Hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko at wala akong ibang magawa kun'di ang mapatitig na lamang sa kaniya. Nabablangko ako at napakabilis ng tibok ng puso ko."So, nasaan ang boyfriend mo?" tanong pa niya sa akin na siyang nagpabalik sa ulirat ko."A ano, kasi, ano."Gusto ko na lamang magpalamon sa lupa dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. Wala naman kasi talaga akong boyfriend. Ang mayroon ako ay asawa na hindi ko pa nakikilala."Malayo-layo pa ang bayan dito. Sumabay ka na sa akin," walang emosyong sambit pa niya."A. Hindi na. Ayos lang ako," pagtanggi ko naman kahit ang totoo ay gustong gusto ko nang sumakay sa kotse niya. Isang pambihirang pagkakataon iyon na hindi ko dapat pinalalampas ngunit hindi ko alam kung bakit may pumipigil sa akin na i-grab ang pagkakataong ito."Okay."Mabilis akong napalingon kay Ethan dahil muli niyang ini-start ang kotse niya. Agad naman ako
SERENITY’S POV“Hello, guys,” masayang bati ni Ethan sa amin nang matapos niyang kantahin ang song na nagpasikat sa kaniya.Napuno naman ng tilian at sigawan ang buong venue habang ako ay nakangiting nakatitig lang kay Ethan kahit na hindi ko siya gaanong maaninag dahil nga malayo kami sa stage.“I have an announcement to make. Bago pa man ang concert na ito ay maraming bali-balita na ang kumakalat tungkol sa akin,” seryosong sabi niya.Napatango ako. Alam ko ang tinutukoy niya dahil may isang litrato siyang nag-viral. Ang litratong ito ay isang kuha ng hindi kilalang tao. Sa litratong ito ay may kasama siyang isang babae, si Camila Ceres, isa sa mga pinakasikat na mga artista. Malaking balita ito sa lahat sapagkat iyon ang kauna-unahang beses na may na-link na babae kay Ethan. Kaya marami na ang nag-conclude na baka magkarelasyon na ang dalawa. Iyon din kasi ang kauna-unahang beses na makita siyang may kasamang babae.Naalala ko pa ang isang interview noon ni Ethan. Tinanong siya kun
SERENITY'S POV"Paalis ka na ba, Hija?" magiliw na tanong sa akin ni Lola Amanda."Opo, Lola Amanda."Simula kasi kagabi noong nagpaalam ako sa kanila na manonood ako ng concert ni Ethan ay sinabihan na nila akong tawagin ko na lamang silang lolo at lola. Buong akala ko nga ay hindi pa nila ako papayagan na umalis ngayon dahil mukhang bad mood sila kagabi. Ngunit laking gulat ko na wala silang pagdadalawang isip na pinayagan ako. Nakakapagtaka pa nga na parang mas natuwa pa sila na manonood ako ng concern. Ngunit gayunpaman ay hindi na ako nagtanong o nangulit pa dahil baka maiba na naman ang mood nila.Mamaya pa namang 7pm ang simula ng concert ngunit sinabi sa akin ni Cindy na dapat ay maaga pa lang ay nasa venue na kami. Sold out kasi ang tickets kaya paniguradong maraming tao mamaya. Kaya kahit alas kwatro pa lamang ng hapon ay nakagayak na ako. "O siya, mag-iingat ka ha. Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid sa driver mo?" tanong pa sa akin ni Lola.Marahan naman akong umili
SERENITY'S POVPagkarating namin sa loob ng classroom ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase namin. Ang iba ay nagbubulungan pa kaya hindi na nakatiis pa si Cindy. Pumunta siya sa harap at malakas na hinampas ang table."Pwede ba? Tigilan niyo na nga 'yan. Bakit hindi na lang kayo mag-aral para may magawa kayong maganda?" mataray na sigaw niya sa buong klase."Bakit pa kami mag-aaral kung pwede naman palang magpakasal sa matandang mayaman para umangat sa buhay?" pasaring naman ni Chloe, ang isa sa mga maldita naming kaklase."Kung umangat nga talaga ang buhay ko, edi sana hindi na ako pumasok ngayon?" sarkastikong sabi ko naman.Hindi ko ugaling pumatol sa mga sinasabi nila sa akin noon. Ngunit hindi ko na napigilan pa ang sarili ko lalo na at pati ang kaibigan ko ay nadadamay. Lumapit ako kay Cindy at marahan siyang hinila paupo sa upuan namin."Huwag mo na silang patulan, Cindy. Hayaan mo na lang," bulong ko pa sa kaniya."So, totoo ngang magpapakasal ka sa isang matanda?" hindi maka
SERENITY’S POV Dahil sa mga rebelasyon kagabi ay wala akong sapat na tulog. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa napakalaking twist sa buhay ko. FLASHBACK “Hija, alam kong nalilito ka sa mga kaganapan. Ngunit kasal ako at buhay pa ang asawa kong si Amanda kaya imposibleng sa akin ka ikakasal. At isa pa, mahal na mahal ko itong si Amanda at wala na akong balak na maghanap pa ng iba.” “Ano na namang kapilyuhan ang sinabi mo at bakit iniisip ng bata na ikaw ang papakasalan niya?” singit ni Donya Amanda. “Hindi ko kasi sinabi sa mag-asawa na sa apo natin ipapakasal ang anak nila.” “Ibig sabihin ay sinadya niyo pong hindi sabihin kina Papa Julio na sa inyong apo dapat magpapakasal si Samantha?” gulat kong tanong. Ngingiti-ngiting tumango si Don Armando. “Hindi naman kasi sila nagtanong, at isa pa, sila na mismo ang nag-isip na sa akin magpapakasal ang anak nila.” May punto naman si Don Armando doon dahil kaya ko lang din naman inakala na sa kaniya ako ikakasal ay dahil iy