Share

Eight

CARLISLE'S POV

"Lil sis! Gising na! Male-late kana sa class mo!"

Sigaw na naririnig ko kasabay ang nakakarinding tunog na parang kampana. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Kuya na may hawak na sandok at takip ng kaldero at pinupupok yun. Kaya naman pala maingay e!

Binato ko siya ng unan, at tumawa lang siya ng tumawa. Sa sobrang inis ko bumangon na 'ko at kinuha ang towel ko. Hinampas ko siya ng hinampas pero tuloy pa din siya sa pagtawa niya. Abnornal talaga.

"Aray naman lis sis! Ginigising kana nga eh!" Pagmamaktol niya.

"Ano ba 't ang aga-aga pa, ang ingay mo! Kalalaki mong tao, sobra kang matabil!" sigaw ko sa kan'ya.

Hindi ko na siya inintay na magsalita pa at pumasok na 'ko sa cr para maligo.

Masaya ako habang inaalala yung mga nakaraan na ganito din kami. Umaaktong ordinaryong tao lamang, at hindi mayaman. Oo, kilala kaming mayaman dito sa Cavite pero kami ni kuya nakakikihalubilo pa rin sa mga tao, na hindi tulad namin na mayaman.

Wala namang halaga sa 'min ni Kuya ang yaman o kahit na anong bagay. Mahal man, o mura. Mas gusto namin maging masaya, at maging malaya at ma-enjoy ang kabataan namin kahit nag-aaral kami. Gusto lang namin na simpleng buhay kahit mayaman kami. Matupad ang pangarap namin ni Kuya, siya bilang Doctor, at ako bilang isang Teacher.

Mas gusto namin na malaya lang kami. Wala kaming kinalaman tungkol sa mga business, business na yan at gusto lang namin maging masaya ag nagagawa lahat ng gusto namin ng walang pumiligil at humahadlang para maging masaya kami.

Pagkatapos ko maligo. Inayos ko kaagad ang sarili ko. Kinuha ko yung rubber shoes na binili ni kuya para sa akin, yung highwasted na jeans, at crop top na kulay blue. Regalo sa 'kin yan ni kuya nung birthday ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil kahig ganito ang regalo ni kuya at simple lang masayang-masaya pa rin ako. Mas guuto ko pa nga ang ganito na simpleng damit kesa sa mga mamahalin lang.

Bumaba kaagad ako sa dining area. Naabutan ko naman dun si kuya na nakangiting naghahanda ng pagkain namin sa mesa. Nakasimangot na agad ako ng maupo sa mesa. Something's weird. Napailing iling nalang agad ako dahil sa ganung reaction niya. Minsan ito abnormal din, eh.

"Goodmorning, lil sis!" Masayang bati niya habang nilalagyan ako ng pagkain sa plato ko. Kaya ko naman maglagay ng akin, siya pa talaga ang naglagay. Hindi naman ako five years old eh, baliw talaga.

"Goodmorning, too." Nakabusangot kong sagot habang ngumunguya.

"Panget ata ng gising mo, lil sis?" Mpang asar na tanong niya. Malamang! Ginising gising mo 'ko, wagas mo pa makasigaw!

"Eh umagang umaga ang hyper mo! Lakas mo sumigaw! Ngiting-ngiti kapa dyan? Inlove ka?" Inis kong tanong.Aba, tinawana pa 'ko, ng loko! "Kalalaking tao sobra kang matabil."

Napatawa naman siya. Tamo, minsan talaga may sayad din 'to sa utak e. Hindi lang halata, jusqo naman..

"Ikaw na nga pinaghanda, galit kapa

Tsaka, may klase kapa ngayon," paawa effect niyang sabi. Arte ah, bakla lang? Chos!

"Ewan ko sa 'yo. Nakakapanibago lang kase," sagot ko.

"Whatever. Stupid." Inis niyang sagot tapos nag walkout. Seriously?

Stupid? Me? LOL. Siya nga itong bigla biglang nagwa walkout tapos iiwan akong mag-isa dito. Tapos ako pa ang stupid? Baka nireregla na naman yun. Kainis naman.

Tinapos ko kaagad ang pagkain ko at niligpit ang pinagkainan ko at nilagay ko sa kusina. Nagto-toothbrush na ako ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Ay, gaga ka? Asan kana? May exam ngayon! Ang bagal mo! 6:15 na gurl!" Iritang sagot ni, Eli.

"Im on my way na. Just, wait for me okay?"

"Nasa gate ako. Kaya bilisan mo, kaloka ka." Sabi niya at binaba na ang tawag.

Dali-dali kong tinapos ang pagto-toothbrush ko at tumakbo palabas ng bahay at sumakay ng kotse.

Ilang minuto lang din nasa labas na ako ng school. Wala naman si Eli sa gate. Bwesit na babae yun. Dumiretso nalang ako sa parking lot ng LaSalle. At doon ko naabutan ang gaga, nakatayo at mukha nga akonv iniintay. Sabi sa gate, tapos nasa parking lot na? Baliw din 'to minsan e.

Pagtingin ko sa cellphone ko. 6:35 pa lang. May time pa kami para mag coffee sa canteen. Bumaba kaagad ako at nilapitan sila.

"Hi, goodmorning. Bwesit ka, akala ko ba nasa gate. E, nasa parking lot ka!" Irita kong bungad kay Eli.

Humarap naman sa akin ang babaita ag nakapamewang pa. Galit na siya nyan?

"Eh, ang tagal mo. Friday ngayon teh! Friday! At, exam ngayon. Gaga ka! Ano ba 't late ka dyan, ha?" Nakataas kilay niyang tanong. Ay galit nga siya.

"Sorry na okay? At least, andito na 'ko," sagot ko.

"Ewan ko sa 'yo. Tara, na Aya!" Sabi niya at nag walk out din. Wow, parang si Kuya lang kanina sa bahay.

Habang naglalakad palayo sa 'min si Eli. Nagkatinginan kami ni Aya at sabay na natawa. Wala na kaming nagawa kundi sundan si Eli.

"Hi, Aya," bati ko.

"Hello. Ready for the exam, Carlisle?" mahinhin niyang tanong.

"Yes. Kinakabahan pero kaya. How 'bout you?" Tanong ko.

"Ready na din. Kailangan e, para sa pangarap," nakangiting sagot niya.

"Hoy, Eli! Sa canteen tayo!" Sigaw ko sa kan'ya. At, kaloka akala ko galit pero lumiko din naman papuntang canteen.

Oo nga pala. Close at kaibigan na din namin si Aya. Pati ang kapatid niyang si Arya. Madalas siyang kasama ni Nymeriah dahil mas nagkakasundo silang dalawa. Aaminin ko na medyo prangka talaga si Arya at walang preno ang bunganga nya. Ganun din naman si Nymeriah minsan pero mas lamang ang medyo flirt nito. Minsan lang sila sumama sa 'min. Pero, naglalaan din naman sila ng matagal na oras kapag kasama na namin sila. Si Aya sa amin lagi sumasama ni Eli para mag-aral.

Pagdating namin sa canteen umorder kaagad ako ng tatlong kape. Ilang minuto dinala din ito sa table namin at sinimulan ng inumin habang nagke-kwentuhan.

"So, kinakabahan naba kayo para sa exam mamaya? First exam pa naman natin yun ngayon. Sa first sem natin." Sambit ni Eli habang umiinom ng kape.

"Kinakabahan, pero tulad nga ng sinasabi ko. Kakayanin natin. Aba, pangarap natin 'to kaya push lang palagi!" Nakangiting sagot ni Aya.

"Aya is right. Para naman sa pangarap natin kaya kailangan nating pagbutihin. Lalo, na ako teacher pa naman ako, someday. Four years pa ang ite-take ko para makapasa at maka graduate," sagot ko.

"Ako nga, Architec e. Buti nga may alam ako sa pagda drawing na yan. Tsaka, matagal ko na din na pangarap maging Architec. Para someday ako ang magde design ng sarili kong bahay," nakangiting saad ni Aya. Ganda niya talaga ngumiti, simple lang.

"Mas mauuna pa nga kayong grumaduate. Five years pa ako dito, e. Civil Engineer, right? Kaya push lang ng push," singit ni Eli.

"Don't worry girls. We can do this. Just pray. Si God din bahala sa 'tin." Nakangiti kong sagot at uminom ulit ng kape.

Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran ng may magsalita.

"Aba? Hindi niyo manlang kami inaya? Angas niyo ah. Btw, goodmorning!" Nakapamewang na sambig ni Arya. Ayan, na wala na namang preno yan.

Naupo naman si Arya sa tabi ng kapatid nya na si Aya habang nasa kabila naman si Eli. Binalingan ko ng tingin si Nymeriah at nginitian ko. Nginitian nya din ako at umupo na sa tabi ko. May dala rin pala silang kape.

"Goodmorning," nakangiti niyang bati.

"Goodmorning, din," sagot ko naman.

"So, mga dzaii? Kinakabahan naba kayo? First exam sa first sem natin this college," tanong ni Arya.

"Hindi naman. Tsaka, alam kong kaya natin 'to. Pangarap natin 'to e, kaya kailangan nating magsumikap," singit ni Eli. "At, tsaka syempre umaasa din sa 'tin mga magulang natin, diba? Hindi lang naman natin 'to gagawin para maging proud sila. Para matulungan din natin sila. At masuklian yung paghihirap na ginawa nila para makapag-aral tayo sa ganitong paaralan," patuloy niya. "Kaya, go lang ng go, gurl! We can do it, okay?" Nakangiti niyang tanong.

"Tama ka din naman. Btw, i miss you guys. Sorry ah, may problema lang ako nung mga nakaraan. Pero, don't worry okay na. Ready naba? Kaya natin 'to. Walang susuko," nakangiting sambit ni Nymeriah.

Lahat naman sila tama. Tama ang mga sinabi nila. At kailangan namin pagbutihin. Para maging proud ang magulang namin, masuklian ang paghihirap nila. Especially, para na din sa pangarap namin na gusto naming matupad pagdating ng araw.

Tinignan ko ang oras ko at 7:20 na. Shocks! Malapit na mag-start yung exam. Agad naman akong tumayo para mag paalam sa kanila. Pare-parehas silang napangitin. Mukha pa tuloy nagulat.

"Guys, ten minutes before the exam starts. So, I need to go guys! Kitakits mamaya sa canteen ha! Don't forget. Bye, goodluck!" Paalam ko sa kanila at tumakbo na papunta sa room namin.

Pagkarating ko nakita kong nakatayo na dun ang professor namin at mukhang may sinasabi sa mga kaklase ko. Natigil lang siya sa pagsasalita ng mapansin ako sa labas ng pintuan.

"I-im sorry sir. I'm late. Goodmorning," nakatungo kong bati.

"It's okay. Your just in time. Come in and sit down," nakangiting sagot niya.

Naglakad naman ako papunta saaupuan ko sa pinakalikod at nilabas na ang ballpen ko dahil mag uumpisa na. Muling nagsalita ang professor namin kaya sabay-sabay kaming napalingon sa kan'ya.

"Okay class. This is your first exam in your first sem here in college. You have 45 minutes sa tatlo niyong sasagutan ngayon na naka schedule ngayong friday. So, goodluck!" Nakangiting sabi ng professor namin at bumalik sa upuan niya sa unahan.

Naging maganda ang kinalabasan ng una naming subject na sinasagutan. Nakaka touch naman kasi si Sir dahil ganun agad ang sinabi niya para hindi kami ma-pressure sa pagsasagot ng mga questions sa test namin.

Pagkatapos, sumunod namab ang pangalawa at pangatlo naming sinagutan. Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil napag aralan ko 'to last week kasama si Eli. Doon ako sa kanila nag review para na din maturuan niya ako ng mga hindi ko pa alam.

Natapos ang tatlo naming sinagutan na subject. Eleven na din ng tanghali. Maya ng lumabas na ang professor namin. Nagsilabasan na din ang mga kaklase ko. Habang ako inayos ko pa ang gamit ko at nag text kina Eli na hintayin nalang ako sa canteen kung mauuna sila.

Pagkarating ko sa canteen andun na agad sila. May pagkain na sa lamesa at mukha silang nagkakatuwaan. Lumapit kaagad ako sa kanila at nakipag kwentuhan. Masaya kaming nag kwentuhan at topic ang pagkuha namin ng exam kanina. Mukha namang walang problema sa kanila dahil ang saya saya nila. Kaya ganun din ako at masaya kaming nag usap usap.

We can do this, guys. We can fulfill our dreams. Tiwala lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status