CARLISLE'S POV
Nang maihatid ko si Eli sa kanila. At, nag-drive na pauwi kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Nymeriah habang nag-mamaneho.
Nakailang tawag na'ko pero wala akong nakukuhang sagot sa kan'ya kahit nagri-ring naman ang cellphone niya. May problema kaya siya? May nangyari ba? May sakit ba siya o ano? Hindi manlang niya sinagot ang tawag ko. Grabe naman.
Masyado kasi siyang tahimik sa school. Halos hindi nga niya sinasagot mga sinasabi ko o tanong ko. Kung sasagot man tanging tango lang natatanggap ko. Kaya wala akong maisagot sa tanong ni Eli kahapon nung pinuntahan namin siya kasi hindi ko naman alam kung anong problemang meron si Nymeriah.
Tapos bigla pa siyang nawala kanina na parang bula. Hindi manlang nagpaalam o nag-text na mauuna siya, at hindi sasabay sa amin pauwi. Weirdo talaga.Lampas na sana ako dito sa highschool campus ng Dasmarinas nang tumawag si kuya. Kaya hininto ko muna ang sasakyan sa gilid ng school na 'to at sinagot ang tawag niya.
"Hello kuya?" Sagot ko sa kabilang linya.
"Tapos naba klase mo? Umuwi kana. I mean here sa WinWard sa subduvision dito. Dito daw magdi-dinner sabi nina mommy, dito din ata tutulog. Miracle," Sagot niya at natawa pa. Siraulo talaga.
"Sige, nandito ako sa school ng highschool, tapat lang 'to ng WinWard. Sige na, pabalik na 'ko, bye," sabi ko at binaba na ang tawag.
Pinaandar ko na ang kotse ko, diniretso ko muna 'to hanggang sa tapat ng Burol 2, sa kabilang kalsada. Pagkapasok ko sa loob ng winward. Sandali, pang minuto ang drinive ko at nakauwi naman kaagad ako.
"I'm home!" Masayang bati ko sabay lapag ng mga gamit ko sa sofa.
Dumiretso ako sa dining area, uupo na sana ako ng biglang lumabas si mommg ng kusina, at may dalang malaking mangkok, I think ulam. And, I think. Yes! It's fried chicken, my favorite. Did mom cooked for us? Wews.
"Your here. Sit down. Malapit na matapos yung adobo at gulay dun," nakangiting sabi niya. Hindi ko na siya inimikan at tahimik na umupo nalang, saka hinintay ang pagkain.
Maya-maya pa, lumabas na din si Kuya galing kusina. Dala niya yung sinabi ni mommy na adobo at gulay, si dad naman dala niya ang kanin at dessert. And, si yaya? Where is she? Hindi ba siya sumama?
"Where's Manang?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi na siya sumama. Bonding na din daw natin 'to ngayon. And, its good," nakangiting sagot ni mommy.
Tumango nalang ako at tahimik na kumakain. Si kuya, mommy, at daddy nalang ang nag-uusap, mas gusto ko nalang manahimik habang kumakain. Ano naisip nila? At dito kami kumain sa bahay na tutuluyan ko, at magkasama pa silang dalawa ni daddy? Ayoko, umasa na okay na sila pero sana nga.
"Your staying here for good, Clint?" Tanong ni daddy habang kumakain.
"Yes dad," prenteng sagot ni kuya habang nakangiti. Ofcourse, he's staying here for good, for Eli. Napailing-iling nalang ako. "No reason to go back again to state. I'm staying here for good, with my sister," sagot ni kuya sabay tingin sa akin, may nakakalokong ngiti pa ang mokong. Tinignan ko siya ng masama at medyo natawa pa siya, epal talaga. "Right, Carlisle?'
"Ah yeah. He's with me. Starting tomorrow dito na kami. It is okay, mom,dad?" Tanong ko sa kanila.
Nilapag ni daddy ang table napkin niya sa lamesa, sumandal siya at parehas kaming tinapunan ng tingin ni kuya. "Malalaki na naman kayo, at may sarili na kayong isip at desisyon. I think its a yes? Tsaka andito naman ang kuya mo para masamahan ka. Kaya walang problema sa akin. Tama lang para matuto kayo mamuhay ng sarili niyo lamang. Tanungin mo ang mommy mo kung sasang-ayon sa gusto niyo," seryosong sabi niya at bumalik nalang ulit sa pagkain.
"Mom? Do you want something to say?" Malambing na tanong ni kuya! Malamang bibigay sa kan'ya si mommy, paborito naman siyang anak eh. Pero, hindi ako nagseselos dun.
"Okay lang. Tama naman ang daddy niyo. Kailangan niyo matuto, ang magluto, maglaba, maglinis ng bahay. Specially you, Carlisle. Babae ka at 18 kana, you need to learn kung paano ang kumilos dito sa bahay, dahil babae ka," seryosong sabi niya. Tinanguan ko lang siya napansin naman ni kuya na nag-iba ang itsura ko, agad niyang iniba ang usapan.
"Eh, mommy? Sino na po ang mamamalagi sa bahay? Tsaka, mag-isa po dun si Manang," tanong ni kuya. Sabay paling sa akin at kinindatan ako. Pinandilatan ko siya ng mata, pero tinawanan pa'ko. Siraulo!
"We're staying there, for good. Im staying there with your Dad," sagot ni mommy.
Parehas naman kaming nagkatinginan ni Kuya, may halong pagtataka. Sila? Silang dalawa magkasama na ulit? Nagkabalikan naba sila? O ano? Wala naman silang sinasabi pero nagbibigay sila ng motibo. Ang labo naman nila! Alam kong nagulat din si kuya at medyo nainis siya sa sinabi ni mommy pero alam kong magiging mas masaya kung totoo na nagkabalikan na sina mommy at daddy. Yun lang naman ang hiling namin ang maging sila ulit at mabuo kami. Ayaw namin ng incomplete family dahil anytime kahit nasa tamang edad na kami o magkaroon ng sariling pamilya, hahanap-hanapin parin namin sila.
Sino ba naman ang hindi gustong mabuo ang pamilya hindi ba? At sino rin ang gusto na hindi kumpleto ang pamilya diba? Lahat tayo gusto natin ng buo at masayang pamilya. Wala naman tayong ibang matatakbuhan kundi sila lang sa oras na may pangangailangan at mga problema.
Pagkatapos namin kumain. Nagprisinta na ako, na ako nalang ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Tumango naman sina mommy at daddy. Habang naghuhugas ako narinig ko ang tunog ng kotse sa labas. Nakaalis na siguro sila.
Maya-maya pa sumunod sa akin si kuya sa kusina. Second Floor lang naman ang bahay na 'to, binili na din pala nina mommy. May sala, hindi naman ganun kalakihan. Medyo malawak din ang kusina pati ang cr. May bathtub pa at shower. Sa itaas naman. May maliit ja terrace may dalawang upuan at maliut na lamesa dun. At may dalang kwarto. Simple lang at hindi gaano kalaki. Siguro, pwede na rito mag-overnight si Eli at Nymeriah.
"Nakaalis na sila. Mukhang okay naman na sila eh." sabi ni kuya, tinignan ko naman siya. Kumukuha ng juice sa ref.
"Sa tingin mo totoo na okay na sila?" Tanong ko at nagpunas ng kamay sa basahan dahil tapos na 'ko maghugas.
Nagkibit-balikat siya. "Ewan? Hindi ko sigurado, malay mo palabas lang oh ano. Hindi ko alam kung bakit ba kasi nagloko yang si Daddy, edi sana okay tayo ngayon." patuloy nya habang papunta sa sofa sa sala.
Nakakalito. Sino ba naman ang may gusto na hindi buo ang pamilya, diba wala? Simple lang naman ang gusto ko eh, ang mabuo ulit kami at maging masaya ktulad ng dati.
"Sige na. Tutulog na 'ko. Goodnight, kuya!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya kaya tumakbo na agad ako papunta sa kwarto ko.
Ibinagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama at nakatingala sa kisame. Sana buo nalang kami tulad ng dati. Ayokong maranasan ang broken family pero nangyari, ayoko man umasa. Pero, aasa pa rin ako na maaayos din ang lahat ng 'to.
"Oh miss? Parang bigla ka atang natulala diyan? Gano'n ba 'ko ka-gwapo, para matulala ka?"
What the?! Bigla-bigla nalang pumapasok sa isip ko yung lalaking antipatikong feelingero na yun! Gwapo? Edi oo na! Gwapo naman talaga siya kaso mukhang mayabang, wala din..
Maputi, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, at gwapo naman talaga kaso yung ugali eh.
Teka, hoy Carlisle! Bakit ba iniisip mo yon? Mamaya magdamag niyan bangungutin ka lang dahil sa lalaking 'yon! Tama! Hindi ko siya dapat isipin, sino ba siya? Stupid.
Ipipikit ko na sana ang mata ko para matulog pero.....
Gusto ko siya makita.
NYMERIAH'S POV
Alas kwatro pa lang ng hapon, umalis na kaagad ako sa school. Bakas pa sa mukha ni Carlisle ang pagtataka kung bakit gano'n ang inasal ko dahil tinakbuhan ko lang siya at nagmamadali palabas ng school ng walang pasabi.
Pagkauwi ko hindi ko na agad naabutan si mama sa bahay. Kaya nagmamadali akong umuwi dahil yung kapitbahay namin tumawag sa'kin at inaatake daw si mama sa puso. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya wala akong pasabi na tumakbo palabas ng school malapit lang naman ang bahay ko, dito lang sa Burol 2 kaya mabilis lang akong nakauwi.
"Oh, Nyme. Si mama mo ba hinahanap mo? Sinugod na siya sa ospital, hindi na siya makahinga ng ayos. Si, Lucas ang nagdala sa kan'ya." Sabi sa 'kin ng kapitbahay namin, kaya tumango nalang ako at dali-daling tumakbo.
Nang makarating ako sa ospital sa tapat lang ng barangay namin hinanap ko kaagad ang kwarto ni mama, hindi naman ako nahirap dahil nakita ko din agad. Pagpasok ko si Lucas kaaagd ang bumungad sa akin.
"Nagpapahinga na siya, Nyme. 'Wag ka mag-alala, gagaling din si tita. Tiwala lang." tinapik-tapk niya ang balikat ko.
"Salamat, Lucas," tipid kong sagot.
Nginitian niya lang ako, bago pa man siya makalabas may inabot siya sa 'kin na sobre, nagtaka pa 'ko. Ngunit, sumenyas siya na buksan ko. Kaya ganun nalang ang ginawa ko.
Nanlaki ang mata ko dahil pera ang nasa loob ng sobra. Unti-unti siyang lumapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko habang hawak ko ang sobre.
"Alam kong kailangan mo yan. Makakatulong yan sa 'yo at sa mama. Magpakatatag ka, Nyme." Niyakap niya 'ko.
Niyakap ko din siya pabalik. "Maraming salamat, Lucas. Buti andyan ka at tinutulungan ako kahit minsan ang sama ng ugaling pinapakita ko sa 'yo."
"Ayos lang, alam mo namang lahat gagawin ko para sa 'yo. Mahal kita kahit ang tingin mo sa 'kin kaibigan lang. Mag-isip ka ng mabuti about dyan sa mga plano mo. Mas makakabuti kung ititigil mo nalang yan, Nyme. Mahirap na baka madaming madamay." Pagkatapos niya sabihin yun kumalas na siya sa pagkakayakap sa 'kin.
Dire-diretso siyang lumabas ng pintuan at hindi na ako nilingon pa ulit.
Naglakad ako palapit kay mama. Umupo ako sa gilid ng kama niya, pinagmasdan ko siya. Ang ganda mo mama. Sa 'yo talaga ako nagmana at hindi sa magaling kong ama.
Hinawakan ko ang kamay ni mama. "Ma, kahit tulog ka gusto ko paring sabihin 'to sa 'yo. Mahal na mahal kita, hindi pa tayo nakakaganti sa kanila. Ipangako mo sa 'kin na mabubuhay ka at hindi mo ako iiwan. Mangako ka, sasamahan mo pa rin ako sa lahat at andito ka parin para sa akin, mama." Pinunasan ko ang luha ko.
Hindi pwede mama! Hindi ka pwedeng mawala, gagaling kapa. Babawi tayo, kukunin natin ang para sa atin mamaya. Tandaan mo yan. Gagawin ko ang lahat para makapag-higanti sa kan'ya lalo na sa pamilya niya, mama.
Gusto ko silang magdusa, at maghirap tulad ng naranasan natin, dahil sa pinaranas niya. Lahat ng sakit at dusa ibabalik ko sa kanya lalong-lalo na sa pamilya niya. Ngayon pa lang, sira na sila. At, mas lalo ko pang sisirain ang pamilya nila.
.....Humanda ka.....
CARLISLE'S POV"Lil sis! Gising na! Male-late kana sa class mo!"Sigaw na naririnig ko kasabay ang nakakarinding tunog na parang kampana. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Kuya na may hawak na sandok at takip ng kaldero at pinupupok yun. Kaya naman pala maingay e! Binato ko siya ng unan, at tumawa lang siya ng tumawa. Sa sobrang inis ko bumangon na 'ko at kinuha ang towel ko. Hinampas ko siya ng hinampas pero tuloy pa din siya sa pagtawa niya. Abnornal talaga. "Aray naman lis sis! Ginigising kana nga eh!" Pagmamaktol niya."Ano ba 't ang aga-aga pa, ang ingay mo! Kalalaki mong tao, sobra kang matabil!" sigaw ko sa kan'ya.Hindi ko na siya inintay na magsalita pa at pumasok na 'ko sa cr para maligo.Masaya ako habang inaalala yung mga nakaraan na ganito din kami. Umaaktong
CLINT'S POVGinising ko ng maaga kanina si Carlisle dahil may exam pa siya. Nakita ko kasi siya last night sa kwarto niya na tulog siya sa lamesa niya at andun yung mga notebook na nire-review niya. Kaya alam ko na ngayon ang exam nila pero sinabi ko na klase nila ngayon.Pagkababa ko dahil sa pag walkout ko kanina sa kan'ya, wala na siya at mukhang umalis na. Nakakainis naman kasi, pinaghanda ko na nga siya, siya pa galit. Hay, naku. Kumain ulit ako. Pagkatapos, naglinis ng bahay at nagpahinga.I can't do anything here at home. So I just took a shower to leave and take a walk here in subdivision. But, my friend Cedrik Lee texted me, saying that I would go to a bar here in Dasmarinas. Because, he was there and dringking.It's too early and he's already drinking. But, I did nothing because he only asked once and asked me for giving him time. And, hangout with h
CARLISLE'S POVIt's Saturday! At maaga akong nagising, well 6 am pa lang naman ng umaga. Kaya naisipan kong bumaba na at magluto. Bacon, Egg, Friedchicken, fried rice. I cooked for him, for my Kuya.Sobrang lasing niya kagabi sa bar. Ang layo pa naman ng Padis Point Dasma, bar and grill restaurant din siya. Hindi naman ako natagalan papunta dun kasi, it's already 10 pm ng pinuntahan ko siya dun. Wala namang masyadong sasakyan ng ganung oras dito, depende nalang kung may mga pasahero pa na umuuwi galing sa work nila ng ganung oras.I was so sad for him. I know he's still love Alexa kahit hindi naging sila. Maybe, M.U. But, she love Alexa to the point na pati sarili niya hindi niya na nagawang mahalin. I warned him always, that don't go near to that girl. Because, I know that girl will broke my brother's heart. I know Alexa, masyado si
ELIJAH'S POV Sabado na naman. At wala si nanay at kapatid ko. May pinuntahan kasi e. Wala naman akong magawa pagkatapos ko mag-almusal, kaya nilinis ko nalang ang buong bahay namin. Para naman hindi magalit si nanay sa 'kin, hehe.Alas dyis na malapit na mag-tanghalian. Anong oras kaya uuwi sina nanay? At, ano naman kayang ulam ang mailuluto ko? Hay, naku. Hirap mag-isip. Nilinis ko muna ang cr namin. Ito naman kadalasan nag inuuna ko kapag naglilinis ako ng bahay. Binuhusan ko ng tubig at winalis-walisan ko ang sahig para naman matagtag ang dumi. Pagkatapos, binuhusan ko ng downy para nman bumango. Hindi naman ganun kaganda ang cr namin pero ang utos ni nanay dapat pa rin daw malinis ang cr.Sunod naman ang sala. Maliit lang naman ang sala namin e. May tv din kami. Isang sofa, maliit na lamesa sa harap ng sofa at tig-isang upuan sa magkabilan
The Twins and the BirthdayARYA'S POVIsang sinag ng araw ang tumama sa mukha ko na nagmula sa bintana ng kwarto ko. Umaga na pala, at parang kagabi lang nasa bahay pa kami ni Carlisle at masayang nagke-kwentuhan at kumakain. Ang saya kagabi ng naging boning namin at talagang na-enjoy namin ang hapon na yun. Wala si Nymeriah dahil hindi pansiya nagpaparamdam sa amin, pero wala kaming nagawa.Tinignan ko ang katabing kama ko para tignan ang kakambal ko. At, andito pa din siya sa kama niya at nakahiga doon. Bumangon kaagad ako para gisingin siya. Hindi naman ako nahirapan na gisingin siya dahil nagising dun agad siya. Sabay, kaming pumunta sa cr namin dito sa loob ng kwarto. Naghimalos muna kami at sabay na nag-toothbrush.Pagkatapos, nun humarap ako sa salamin at nagsuklayAng ganda mo talaga, Arya! Pak! Habang si Aya ay sinu
NYMERIAH'S POVIlang araw na rin ang nakalipas nang hindi na ako sumasama sa kahit anong lakad naming magba-barkada.Hindi ko alam kung nakakahalata na ba sila lalo na si Carlisle sa mga ikinikilos ko nitong mga nag-daang araw. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko na hindi siya matanggap bilang isang kapatid ko. O, isang half sister ko.Oo. Matagal ko ng alam na kapatid ko siya dahil ipinagtapat sa akin 'yun ni Nanay noong highschool ako. Sobra akong nangulila noon sa isang Ama kaya siguro gano'n kalaki ang galit ko sa Tatay ni Carlisle."Anak!" Sigaw ni Nanay. Tumakbo ako palapit sa kan'ya dahil kinabahan agad ako na bakaay nararamdaman siyang masama. "B-bakit nay
CLINT'S POV"Dude. Ano meron? Bigla-bigla kang nag- aaya, ah." Tapik ni Cedrik sa balikat ko saka pumasok sa loob ng kotse ko. Bihis na bihis ang mokong. "Nothing. Boring sa bahay, e. Tsaka, may pasok ngayon si Carlisle 'yung sister ko." Pinaandar ko 'yung kotse saka nagmaneho. Nagtataka naman 'yung mukha niya. I forgot, wala pala akong nakwento sa kan'ya na meron akong kapatid."May kapatid ka, dude? Why you didn't tell me na you have a sister here in Philippines." Nakapamewang pa siyang nakatingin sa'kin habang nakaupo at nagtataka."You look so interested, huh? Maybe, later you would fall for her kapag pinakita ko sa'yo picture niya." Natatawa kong sabi habang patuloy na nagmamaneho. Natawa naman siya saka napailing."No. No, dude. I already liked someone. I don't know wh
CEDRIK'S POV Nagtataka ako kung saan kami papunta ng kaibigan kong si Clint. Kahit uminom kami, hindi naman kami kaagad nalasing. Siguro dahil sa high tolerance nalang namin sa alak kaya hindi kami agad-agad nalalasing. Naisipan ko nalang na pumikit ulit pero naudlot agad iyon. Naramdaman kong tumigil na ang sasakyan kaya nang imulat ko ang mga mata ko nasa tapat kami ng isang malaking bahay. Kulay puti iyon at nasasamahan ng itim pang kulay. "Let's go, dude." Bumaba ng sasakyan si Clint, kaya sumunod nalang ako. Binuksan niya ang gate at ganun din ulit ang ginawa ko, ang sumunod sa kan'ya. Naunang pumasok sa 'kin si Clint at sumunod lang ako sa kan'ya. Pero, sa kasamaang palad! "The fuck!" Mahinang sabi ko at nagpapadyak dahil natakid pa ako. Pumasok kaagad ako sa loob ng bahay pero agad din akong natigilan ng makita ko ang babaeng