Share

KABANATA 19

Bitbit ang napakabigat na shopping bags papalabas ng mall ay nagulat si Margaux ng may biglang humablot niyon sa kamay niya na kamuntikan pa siyang mauntog sa double doors dahil sa bahagyang paglingon.

Nang makita niya ang salarin, ang mapangahas na si Declan lang pala.

Hindi alam ni Margaux kung bakit natunton sila ng lalaki sapagkat hindi naman niya binanggit ang eksaktong lokasyon nila nang tumawag ito kanina sa kanya.

Ang kapal nang mukha, nagawa pang sundan sila dito gayong pabigat lang naman lalo pa at pinagtitinginan na sila ngayon ng mga tao.

Dahil sa sobrang dami na rin ng kanilang pinamili ay naabutan na sila nang gabi sa pagma-malling. Hindi na nga rin niya mabilang ang iilang shopping bags na bitbit ng hudyo isama na rin ang mga nasa kamay niya at hindi pa counted iyong nasa loob ng kotse ni Kevin.

Kasunod nilang dalawa sa paglalakad ay sina Lucy at Kevin na hindi pa talaga magkakasundo. And Declan seems not to fond minding pe
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status