Share

KABANATA 3

"HOW was the interview going in Declan's company, Marg? Natanggap ka ba kaagad?" Tanong ng kaibigan niyang si Everly habang kausap ito sa cellphone kinagabihan.

Inilundag muna niya ang sarili sa napakalambot na kama at nakangiting sumagot sa kaibigan mula sa kabilang linya.

"I guess I am. Umalis kasi ang magaling mong pinsan at hindi ko na nakita pagkatapos ng interview ko niyong si sir Conrad."

"Oh! then I guess. Pasado ka na sa standards niyong pinsan ko. Atsaka baka makatanggap ka ng email kinabukasan saying na pasado ka."

Margaux just smiled. Mataas rin ang kompyansa niya sa sarili na ganoon na nga. Na pasok na siya bilang sekretarya ni Declan Heisenberg.

At kapag mangyayari iyon, personal niya nang magagawa ang matagal niya nang plano na ihahain niya para sa Declan na iyon.

Declan rejected her, and Margaux will definitely do a thing that can make that man drooling on her like a mad dog.

Makikita mo, Declan Heisenberg. Makikita mo!

"Tinawagan ko iyon kanina na pupunta ka sa opisina niya, hindi niya ba nabanggit—oh I forgot to mention your name nang nagkausap kami sa cellphone kanina."

Gumilid si Margaux at nakangiting muling sumagot sa kaibigan.

"Okay lang naman Eve. Nakita niya naman ang beauty ko kanina sa opisina niya."

Bigla ay nakunsensya siya. Ngayon lang siya naglihim kay Everly patungkol sa plano niya laban sa pinsan nito na si Declan.

I'm sorry, Eve! Pero sa ngayon, gagawin niya pa muna ang plano na kung saan ay alam niyang uuwing luhaan ang Declan Heisenberg na iyon.

Sandaling natahimik si Everly sa kabilang linya, then Margaux heard her sighs.

"Marg...I know you had loathed my cousin for what he did to you a few years ago, pero—"

"I'm hanging up, Eve. Goodbye for now." Hindi pa man nakasagot ang kaibigan sa kabilang linya, maramdamin niya na kaagad na pinatay ang tawag.

Alam ni Everly ang nangyari sa kanya noon, na kung saan ay harap-harapan siyang ipinahiya nang Declan na iyon sa buong University. Her friend Everly was the one who comforted her back then, at malaki ang ipinagpasalamat niya sa kaibigan sapagkat hindi siya iniwanan nito sa mga oras na lugmok talaga siya.

Kapagkuwan ay madaliang bumangon siya sa kama, humikab at nag-inat. Pasado alas singko pa lang naman kaya naisipan niyang mag-jogging pa muna para naman mawala ang stress niya sa katawan dahil lamang sa lalaking iyon na hindi kawalan.

Dala ang headset at cellphone, suot niya ang leggings na tenernuhan niya ng jog shoes. Inabot ni Margaux ang sapatos sa rack at kaagad na isinuot iyon. She also wears a cap to where she is comfortable jogging in every corner at their area.

Napangiti siya. Wala pa munang magbibigay ng speech sa kanya ngayon dahil nasa Batangas pa rin ang ama niya to check the firm they owned.

Pagkatapos niyang makapagbihis, umalwan ang katawan niya sa kanyang full body mirror. Napangiti siya dahil wala na talagang katumbas ang taglay na kagandahan ng katawan niya.

She received a lot of calls with the companies who wants to take her as a model, ngunit lahat ng iyon ay wala siyang tinanggap.

Dahil ang rason niya, hindi niya makayang iwanan nang mag-isa ang ama niya. Alam niya rin na hindi steady ang lugar kung saan nagma-manage ang career ng isang modelo at minsanan na lang na makauwi sa bayan na sinilangan ng mga ito.

So no. Hindi niya magawang itapon nalang ang ama niya sa kung kailan niya gusto.

At kahit masyadong bungangero iyong ama niya, mahal na mahal niya iyon.

Maya-maya pa ay napailing siya, bumaba na rin siya sa kwarto niya at tinungo ang kusina bago hinarap ang refrigerator sabay kuha ng mineral bottled water roon.

She wears sleeveless on her upper part kung kaya't alam niya talagang magpapapawis siya ngayon.

Sa mga puntong nakalabas na siya sa kabahayan, ang iilang mga kalalakihan roon na gaya niyang nagja-jogging ay kaagad nabaling ang atensyon sa kanya.

Well, expected na niya iyon. Siya lang naman ang tinaguriang si 'Margaux, the center of every mens attention.'

Ngunit hindi niya rin magawang mainis, only to find herself na inaalala na naman ang nakaraan sa pagpapahiyang ginawa ni Declan sa kanya.

Dahil ba hindi nagagandahan ang lalaki sa kanya? Siguro iyon nga. At bulag ang stupido na iyon, ni maski tingnan siya sa mata ay mahirap gawin para sa binata kahit na sandali man lang.

Kaya nga ay kahit ayaw niya, napilitan siyang mag-apply bilang isang dakilang sekretarya nito. Doon ay magagawa niya na lahat ang binabalak niyang plano para sa binata.

Hmm! Tingnan natin kung hindi ba epektibo ang attraction mo sa akin, Mr. Declan Heisenberg the stupid. Tingnan lang natin.

"Hi Miss, are you alone?" Napabaling ang tingin niya sa gwapong binata na nakangiting nakatingin lamang sa kanya.

Ngumiti rin siya pabalik rito sabay sabing,

"Wala ka naman sigurong nakita na may kasama ako no?"

"Urggh.." napakamot ito sa batok at nahihiyang muling nag-angat ng tingin sa kanya.

Then Margaux gave him an apologetic look.

"Ugh..sorry did I make you uncomfortable?"

"Naku! Hindi. Hindi." Iwinasiwas pa nito ang kamay na ipinapahiwatig sa kanya na nagkamali siya sa konklusyon niya. Lihim nalang siyang natawa.

"Nahihiya kasi ako sa'yo, Margaux."

Oh! Kilala pala siya nito? Gulat na napabaling siya sa binata.

"How did you know me then?"

"Magkaklase tayo noong High School." Huh? Maraming gwapong lalaki ang naging kaklase niya noong High School.

Anong pangalan nito kung ganoon?

"Uhmm..pwede ko bang makuha ang number mo—"

"Margaux!" Natigilan ang binata sa pagsasalita maging siya man nang marinig niya ang sigaw ng kaibigan niyang si Everly.

Sa mga sandaling napabaling siya sa kinaroroonan nito. Kamuntikan nang malaglag ang panga niya nang makita niya sa tabi ng kaibigan ang pinsan nito na naka-krus ang mga kamay habang madilim ang mukha na nakatingin lamang sa kanila.

Sa paraan ng titig nito na iginawad sa kanya, parang anumang oras ay bubulagta na lang siya sa sahig dahil sa nakakamatay na tingin nito.

Wala nang iba kundi ang tanyag na si Declan Heisenberg.

"Halika, Margaux. Let's have a morning coffee together." Kumaway sa kanya si Everly pero hindi niya magawang itaas ang mga kamay upang gantihan ang kaibigan ng kaway.

Sa isang iglap lang, umalis si Declan sa pagkakasandal nito sa bukana ng pintuan sa pamamahay ni Everly at pinalitan iyon ni Damon na asawa nito sabay halik sa mga labi nito.

Iniwas nalang niya ang tingin.

"Hindi pa rin talaga ipinaghihiwalay ang pagkakaibigan ninyong dalawa ni Everly noon." Maya-maya pa ay nagsalita ang lalaki sa likuran na noon niya lang nalaman na nanatili lang pala ito sa pwesto kanina.

Magsasalita na sana siya nang may marahas na ipinarada ang sasakyan sa tagiliran niya. Kamuntikan pa nitong mabundol ang lalaki na kausap niya kanina at mabuti na lang napaatras kaagad ito.

"Fuck it! Sino ba ang hambog na driver ng—D-Declan?" Hindi na natapos nang lalaki ang sasabihin nito nang biglang lumabas sa kotse si Declan na taas-noo na nakatingin sa kanya.

Hands on his pocket again ay harap-harapan niya nang nakita ang pandidilim ng mukha nito.

Isinandal nito ang likuran sa kotse at banayad pang naka-krus ang mga kamay. At dahil roon, ay muling umahon ang inis ni Margaux sa binata.

"Have found some pet again, Margaux?" Huh? Napakunot ang noo niya dahil sa sinabi nito.

Ngunit sa halip na ma-offend mas lalo lang niyang ipinakita ang nakakaumay niyang ngiti dahilan na mas lalong lumalim pa ang pandidilim ng mukha ng binata.

And the next thing Declan did, binunot nito ang cellphone sa bulsa at may kung anong itinipa roon kasabay niyon ay ang pagtunog ng message tone sa cellphone ni Margaux.

Nakakunot man ang noo, ay agaran niyang pinatay ang naka-on na icon music at kaagad binuksan ang cellphone only to find out na that was one of a mail pala.

As soon as she opened and read the context of a message, banayad nalang niyang narinig ang mahihinang d***g ng binata dahilan na napabaling siya nang tingin roon.

Umahon muli ang galit niya sa dibdib ngunit hindi niya iyon ipinakita kay Declan.

Then he smirked.

"Now that you passed the initial interview, you can now start your duties as my secretary for today. Get in!"

"Huh?"

"Get in, I hate repeating myself twice woman!" Declan exclaimed na naging sanhi kay Margaux na gusto niya nang upakan ang lalaki. But still she managed herself for being calm.

Bumaba ang tingin niya sa suot. Magsisimula na siya ngayon sa trabaho nang ganito ang damit niya sa opisina ng Declan na ito?

Muli ay napaangat ang tingin niya sa lalaki na ngayon ay mas lalo pang diniinan ang pandidilim nang mukha at bahagya pang nakaangat ang isang kilay na mukhang naghihintay na lang na sumakay siya sa kotse nito upang masimulan niya na kaagad ang trabaho.

Margaux then plastered a sweet smile.

"Sir, can I go back to my house first to change?" Sandaling nag-isip pa si Declan bago tumipas ang tingin nito sa kanyang likuran, sinundan niya rin ang tingin nito at nagulat pa siya na tahimik na nakatayo pa rin pala roon ang lalaki na kausap niya lang kanina.

Then Declan yell. Napatalon pa siya dahil sa sobrang lakas ng boses nito.

"Get the hell out of my sight, asshole!" Kagat ni Margaux ang labi na nakatingin lamang sa kawawang lalaki na ngayon ay gusto pa yatang makipag-usap sa kanya, pero dahil sa Declan na asungot na ito, wala nang nagawa pa ang lalaki kundi ang umalis na lang sa harapan nila.

"Now get in to my car, Ms. Anson!"

"With these clothes on?"

Bigla ay sumilay ang mga ngiti sa labi nito. Alam niyang sa punto na iyon, may kung ano na namang kabalbalan ang naiisip ng lalaking ito.

"Well, if you want to get in my car naked, that isn't even a problem with me."

Kagat ni Margaux ang labi upang pigilan ang iritasyon. Hindi na talaga siya magtataka kung bakit isang araw, mamalayan nalang niyang pinapatay niya na si Declan gamit ang kamay niya.

Margaux will really choke him to death.

Ngunit gayunpaman, hindi siya nagpatinag, ngumiti rin siya sabay krus ng kanyang mga braso at kamay.

"Won't you mind if I will get in to your car, naked Mr. Declan Heisenberg?"

Nakita niya ang biglaang panlalaki ng mga mata nito at napaayos pa nang tayo sa pagkakasandal sa kotse nito.

Then Margaux smiled secretly. Nahuli niya na ngayon ang weakness ng lalaki kapag siya ang kaharap nito.

Kapag papasok siya sa kotse nito nang walang saplot kahit ni isa sa katawan, what will be his reaction instead?

Magagawa niya kayang mapaakit ang isang Declan Heisenberg na siyang kinaiinisan niya?

Magwawagi kaya siya?

"That is not a problem for me, because your body doesn't have an affects on me, so no worries. You are safe with my pennis. I don't have an intention to rock your world anyway, I think you cannot satisfied every man's need—"

"Fuck you!" Nanggagalaiti siya sa sobrang galit dahil sa pang-iisulto na naman ni Declan sa kanya.

Gumilid ang ulo nito at bahagyang nakatabingi upang matingnan lang siya.

Ngunit ang mas lalong ikinainis niya, ay ang nakakalokong ngisi ng lalaki na siyang nagtulak sa kanya na talikuran ang binata.

Nagpupuyos sa galit si Margaux. Gusto niya nang patayin sa sobrang iritasyon sa lalaking ito...

"Not so fast, honey!" Napahinto siya sa paghakbang nang maramdaman ang mga kamay na hinahawakan ang kanang braso niya.

Nanliit ang mga mata niya na bumaling kay Declan.

"What?"

"You are such an asshole Declan, mamatay ka na sana."

"Kung sa sarap lang naman ay okay sa akin iyon, huwag lang Ikaw ang babaeng gagawa niyon upang alugin ang mundo ko."

Nag-ring bigla ang cellphone niya, at nakita niyang si Mr. Conrad ang tumatawag kaya ay itinabing niya lang ang kamay ng binata na napasipol na lang bago muling ibinulsa ang mga kamay.

Habang binabaklas niya ang cellphone upang makausap si Mr. Conrad, namataan niya si Declan na hinahagod siya nang tingin nito mula ulo hanggang paa.

And Margaux saw the admiration in his eyes dahilan na napailing siya. Declan Heisenberg is the only man who deliberately flew his eyes away on her. At ang palaisipang nakikita niya sa mga mata ng binata ang kislap nito ay isang malaking kahangalan lang.

Declan would never dare to look at her like that. At siguro ay namamalikmata lang siya.

"Congratulations, Ms. Anson! You have passed the initial interview. Come to the office and start your works as Mr. Heisenberg's secretary." Bungad ni Mr. Conrad sa kanya nang masagot niya na ang tawag.

Magiliw naman na nag-response si Margaux bago niya na pinatay ang tawag.

And the next thing she new, namalayan nalang niya ang sarili na nakasakay na sa sasakyan ni Declan.

Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya at sumakay nalang siya nang kusa at ngayon ay binabaklas na nga nila ang daan patungo sa opisina nito.

Tahimik lamang ang lalaki habang nagmamaneho ngunit makailang ulit na rin niyang nahuli ang lalaki na nagnanakaw nang tingin sa kanya bago mapapailing at ibabalik na naman ang atensyon sa daan.

Pakiramdam ni Margaux ay tinitingnan siya nang iilang impleyado roon na gustong tirahin siya nang darts sa paraan nang paninitig ng mga ito sa kanya, nang makapasok na sila sa opisina ni Declan.

Well, understandable naman dahil naka-jogging attire lang siya at hindi niya masisisi ang mga babaeng empleyado na kung makatingin sa kanya ay para na siyang pinapatay nang mga ito.

Napaatras nang bahagya si Margaux nang biglang humarap sa kanya si Declan. Kamuntikan pa siyang masubsob sa dibdib nito dahil sa biglaang ginawa.

"Careless as always," sabay baba nang tingin nito sa umuumbok niyang dibdib bago napalunok at umiwas ng tingin.

"Get straight ahead in my office first, I need to release my sperm—I mean, I need to—" Declan fakely coughed bago muling nagsalita, "—pee."

Magsasalita pa sana si Margaux nang tinalikuran na lang siya nito bigla at blakad-takbo na ang ginawa nito bago gumilid at tuluyan na ngang nawala ang binata sa kanya paningin.

Anong problema nang istupidong Declan na iyon ngayon?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status