Share

TSBM Chapter 2 - Kapit sa Patalim

Donna Point of View

Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Val dati, nagpasya akong umuwi para magbago ang buhay ko. Ngunit sa paglipas ng araw ay natuklasan kong may sakit ang aking ina. Sabi ng doktor, may leukemia si Nanay at may malaking butas sa puso. Kaya nang dahil do'n ay hindi na magkaaligaga ang katawan ko na makahanap ng bagong trabaho, para kitain ang malaking halaga na kakailanganin para sa pagpapagamot niya. 

"Dalian mo na magbihis ka na at hinihintay ka na sa stage! Bilis!"

Napahigpit ang hawak ko sa kapipirasong damit na iniabot sa akin ng bakla.

"P-Pero ang inaaplyan ko po ay waitress, hindi po ganito!" Paglalaban ko sa kanya.

"Hindi ba gusto mong maipagamot ang nanay mo? Kaya inilagay kita dito. Mas mabilis itong ipapagawa ko sa 'yo at mas malaki pa ang kikitain mo lalo na at kapag naitable o tinake home ka pa! Kaysa sa pagwawaitress, Hoy! Huwag ka ng pa arte diyan, hindi na uso ang pabebe sa panahon ngayon dahil mamamatay kang dilat kung hindi ka kikilos! Apakaarte nito, dali magbihis ka na!" Umirap ang bakla at napamewang. Mabilis niyang ibinuklat ang kanyang pamaypay isang kumpas lang.

Alam kong hindi biro ang paghahanap ng ganitong halaga ng pera pero hindi ko inaasahan na umabot na ako sa sukdulang kailangan ko ng ibenta ang katawan ko.

"Pero buntis ako! Alangan humarap ako sa mararaming lalaki at pagpyestahan pa ang katawan ko!" Kumuyom ang kamao ko at nilisikan siya.

Tumaas ang kilay ng bakla at isinara ang kanyang pamaypay sabay harap sa akin. "Hoy, babaeng chinita, kahit pa buntis ka wala ka ng magagawa kasi naibigay kona ang kalahati sa kikitain mo dito! Babaeng 'to nakakaimbyerna ka, balak mo pa 'ata akong i-one-two-three. Kaya kung ayaw mo sa kulungan ang bagsak mo, gawin mo ang trabaho mo!"

"Kung ganito lang pala, hindi na lang!" Ibinaba ko ang damit sa table at tumalikod sa kanya. Kinuha ang bag sa sofa.

"Hawakan niyo 'yan! Huwag ninyong hahayaan na makaalis ang babae na 'yan!"

"Let me go!" bulyaw ko sa mga matong nakapalipot na ang mga kamay sa braso ko.

"Girls!!!" pag-sigaw nito, tinatawag niya ang mga alipores n'ya. Tinuro niya ako. " 'Yang babae na iyan ayusin ninyo. Pagandahin at pagkatapos alam ninyo na siguro ang gagawin 'ano?"

"Yes madam, kami na bahala sa babae." Mabilis na pagtugon ng babaeng nakaitim at makapal ang make-up. Tumingin siya sa akin at pinasadahan ako mula paa hanggang ulo. "Kayang-kaya ito. Maganda naman, e. Pero mas pagagandahin pa namin, madam. Magiging si Megan Young ito kaganda mamaya, madam."

Napalunok ako at umiling. "Tan-ina ninyo pakawalan niyo ako!" Halos tumilapon na ako sa kakakalas sa sarili ko sa mga maton na nasa pagitan ko pero mas lalo lang silang lumalakas at hinihigpitan ang pagkakahawak sa aking braso.

Bumuga ng hangin ang bakla sabay duro sa akin ng kanyang pamaypay. "Hoy babae, pasalamat ka nga at kinuha pa kita dito! Ganito na lang, isipin mo na lang ang nanay mo na ginagawa mo ang lahat ng ito para sa kanya, para mamaya hindi ka na maglaban diyan kapag nasa harapan ka na ng madla!"

---

"Sayaw!!!"

"Hubad!!!"

"Gilingan mo pa!"

Sinimulan ko ng ikembot ang bewang ko. Sumabay sa indak ng musika. Tinapangan ang loob para kay nanay. Para sa nanay ko.

Wala na akong ibang malalapitan kun'di ang sarili ko. Simula ng lumapit ako sa pamilya ng tunay kong ama ay hindi nila ako nilimusan ng kahit katiting ng tulong na hinihingi ko sa kanila. Malaking pera na barya lang para sa mayayamang katulad nila. Pinahiya, niloko at niyapakan lang ang aking dignidad at prinsipyo ng mga ito, lalong-lalo na ang half-sister ko. Ginawa ko ang mga nais niya na halikan at purihin ang kanyang mga paa at magmakaawa para lang sa hinihingi kong makausap si Mr. Lee pero pagkatapos kong gawin ang gusto niya ay hindi siya tumupad sa kasunduan naming dalawa. Nagfiled na rin ako ng resignation letter ko kay Val, at sinend ko ito through email. Pagkatapos ng mga kawalang hiyaan na ginawa niya sa akin, hindi ko na siya mapapatawad, ni-miski ang anino niya ay hindi ko kayang makita. Wala na akong mahanap na matinong trabaho dahil 1st year college lang ang natapos ko. Naswertihan ko lang na makapasok sa kumpanya ng mga Huang dahil sa ex-girlfriend ng kuya ko, sa tulong nito dahil kapatid siya ni Val at malakas ang kapit niya sa loob. Atsaka sa hirap ng buhay ngayon mahirap ng makahanap ng trabaho. Hindi rin maayos ang negosyo namin at araw-araw ay hindi mabenta. Wala ring magawang matino at makuhang trabaho ang step-father ko bagkus puro utang ang alam sa buhay. Kailangan ko ng malaking pera at ito lang ang nakikita kong trabaho na mapagkukuhanan ko ng halagang kinakailangan para sa buhay ng nanay ko.

Mas ginalingan ko pa ang paggiling ko. Tulad ng mga napapanood ko sa mga bayarang babae sa loob ng bar na pinupuntahan ni Val noon ng hindi pa kami at body na sekretarya lang ako nito kahit saan siya magpunta ay naroon ako. Ginagaya ko ang bawat pag-indak, pagkembot at pagpapasexy ng kani-kanilang mga katawan na siyang umaayon sa maharot na tugtugin. Kitang-kita ko ang lahat ng mga nangyayari sa buong paligid, ang galaw ng mga tao at ang pagkahayok nila sa laman at umaapoy na pagnanasa na maikama ang kanilang mga natitipuang babae dito.

Nagsimula na akong humawak sa pole at sumayaw dito. Buti na lang ay bihasa ako sa pagsasayaw dahil elementary  palang hanggang highschool kabilang na ako sa cheerleading squad. Higit pa ay sumasabak na rin ako sa mararaming pa-contest sa baranggay lalo na kapag fiesta. Hindi ko namalayan na magagamit ko pala ang talentong ito ngayon.

Umagaw ng pansin sa akin ang lalaking nasa vip couch, hindi maalis-alis ang malalagkit at mapanusok niyang mga titig sa akin. Nakapatong ang isang babae sa kanyang hita, samantalang ang isa ay nakaupo sa tabi niya at nililimas nito ang dibdib ng lalaki. Pinanliitan ko ang dalawang mata ko dahil may pagkadilim ang bandang gawi nito at kakunting ilaw lang ang nakakahagip dito dahil sa Black lights and LED wash lights na umiikot sa buong paligid, dagdag pa ay nasa pinakadulo siya ng vip costumers. Hindi ko masyado maaninag ang mukha ng lalaki kahit na mero'n pang kakaunting liwanang ang tumatama sa kanyang pagmumukha ay hindi ko pa rin makita ng malinaw dahil may pagkamalabo ang mata ko, pero kung makatingin ito ay sagad sa buto ang kanyang mga titig sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa pagsasayaw ko at nang matapos na ang musika ay dali-dali kong niyakap at tinakpan ang sarili kong bumaba sa stage at dumiretso sa dressing room.

"Aalis na po ako. Salamat, Madam G." Paalam ko sa bakla pagkatapos kong makuha ang natitirang sahod ko dito. Paalis na ako at nakabihis na ng maayos.

"Saglit lang..." Pagpigil nito sa akin. Kinuha niya sa maliit nitong bag at iniabot sa akin ang cheke.

Napaawang ang labi ko at sobra ang saya ko ng mahawakan ng mga kamay ko ang limpak-limpak na salapi. "Madam, sobra-sobra na po ito. Pero maraming salamat po dito, makakatulong po ito ng malaki sa nanay ko." Labis-labis ang pasasalamat ko sa kanya habang hindi maalis-alis ang pagkatitig ko sa cheke na nagkakahalagang one million pesos.

"Hoy! Hindi 'yan hulog ng langit pagtratrabahuan mo pa iyan! Baklang 'toh!" Umirap siyang muli at pinunasan ang kanyang pawis sa leeg sabay bukas ng kanyang pamaypay at pinaypayan ng malakas ang mukha niyang napupuno ng pawis.

 

Related chapter

Latest chapter

DMCA.com Protection Status