Share

TSBM Chapter 4 - Unfolding Love

Donna Point of View

Nung una naguluhan ako kung bakit sila nandito pareho pero hindi ko na kailangan pang magtaka o mag-isip pa dahil kitang-kita naman sa plastic na mukha ni Lea ngayon na tiyak akong siya na naman ang may pakana na i-set ang eksenang ito at mahuli kami ni Anthony. Ako naman na si tanga ang buong akala ko pumunta dito si Val para kumustahin ang kalagayan ko, pero nandito pala siya para ipamukha sa akin ang pagkakamali na wala namang katotohanan. Mainsulto na naman ako na mayroon akong kalaguyo at nahuli niya pa ako sa mismo nitong mga mata. At mapatunayan ang mga kasinungalingan ni Lea sa kanya na marumi akong babae. Hindi nagpapigil si Anthony dahil dito kaya heto kami ngayon. Nagpang-abutan ang dalawa at nagsalubungan ang init ng ulo sa isa't isa at pasiklaban ng kanya-kanyang mga kamao.

Naiwang nakabukas ang pinto at ang mga tao ay nabulabog nang makarinig ng suntukan at sigawan sa room no. ko.

PACK! BOMB! PLUG! BOG!

"Tumigil na kayo! A-Awat na!" 

Hindi nagpapigil ang dalawa sa pagsusuntukan. Parang mga bata na nag aagawan sa isang laruan.

"V-Val!" singhal ni Lea. Halos mapaos na ang babae at gano'n din ako sa kakasigaw sa pag-awat kina Val at Anthony. 

"Putcha! Tumigil na kayo!!! Hindi pa ba kayo titigil hugh!?" Hindi na ako naghintay pa na mamatay ang isa sa kanila at nilapitan na sila. Ako na ang lumapit at nagpagitna sa dalawa. Wala pang mga Security ang dumadating maski ang mga Nurses ay nakatunganga nalang at nakikipag asisyoso sa kani-kanilang mga katabi.

Napaawang lang ang labi ni Lea at gumuhit ang shockness sa buong mukha nito. Para siyang estatwang nakatayo sa pintuan at pinapanood ang dalawa.

"Donna is mine. So you f-cking go out and take your woman with you! Out!!!" Straight to the point at naglalagablab na pagsabi nito. Walang pakialam sa kung ano ang magiging reaksyon ko.

Napalunok ako at napahawak ng mahigpit ang mga kamay ko sa braso at balikat niya nang sila ay aking paghiwalayin. Hindi ako makapaniwala sa mga binibitawan nitong salita sa harap ko.

Samantalang si Val naman ay ginantihan lang siya ng mayabang na ngisi. Hindi nagpapakita ng kahit anong takot o pagpapadala sa mga pinagsasabi ni Anthony laban sa kanya.

Napabalikwas ako sa kinatatayuan ko nang pwersahin akong hinatak sa palapulsuhan ng kamay ko ni Anthony.

"Let's go!"

Napasunod nito ang katawan ko sa kanya na sumama at iwanan ang dalawa. 

--

"Bakit mo sinabi iyon? Nasisiraan ka na ba ng ulo? Bakit mo sinabing pagmamay-ari mona ako?" Napupunong emosyon na pagkokompronta ko dito. 

Inilibot ko ang buong paningin ko sa palagid. Dinala niya ako ngayon sa rooftop ng Hospital. Napakatahimik, walang kahit anong ingay na maririnig parang siya na kaharap ko hindi ko marinig ang sagot nito na hinihintay ko sa kanya kung bakit niya sinabi ang mga 'yon?

Mahal ko na siya bata palang kami. Siya ang puppy love ko, ang first crush at ang first love ko. Siya 'yung lalaking unang nagpatibok sa puso ko. Ang unang lalaking nagpapangiti sa 'kin. Ang lalaking nagpaparamdam sa akin kung gaano ako ka-espesyal sa lahat ng mga babae.  Pero ang espesyal na nararamdaman ko para sa kanya ay hindi pwe-pwede, kasi langit siya at lupa lang ako. Higit sa lahat hindi ako gusto ng pamilya niya dahil sa mata ng lahat at sa mata ng Diyos isa pa rin akong Lee, mula sa angkan na kalaban nila. Kaya siguro hindi na umayon ang tadhana sa amin na magkatuluyan dahil hindi ako ang nararapat na babae para sa isang perpektong Anthony Montenegro na katulad niya.

Tinapangan ko ang sarili kong tinignan ito sa mata. Walang kukurap kahit anong mangyari. "Magsalita ka! Hindi ka makasagot? Bakit? Kasi guilty ka dahil sa pagsisinungaling mo! Nagsinungaling ka para hindi ako magmukang maliit kay Val?" singhal ko sa kanya. "Pero ng dahil sa ginawa mo mas lalo lang akong nagmukang mahina sa harap nilang dalawa!" Pagdiin ko sa kanya hanggang sa sumiksik sa utak niya ang ipinaglalaban at ang pinakapunto ko, "At pinatunayan mo lang kay Val lahat ng mga iniisip niya ay totoo. Na may namamagitan nga sa ating dalawa!" pagpapatuloy ko. Ulit na naman niyang pinaparamdam sa akin ang pagiistima niya sa kakayahan kong ipagtanggol ang sarili ko, dahil sa ginagawa nito at sinasabi sa mga nanapak sa akin. "Kaya ko ang sarili ko, Anthony, kung 'yon lang naman ang pinupunto mo kaya nagawa mong magsinungaling kanina para lang sa hindi ako magmukang bitter, talunan at affected sa harapan ni Lea dahil sa pag-iwan at pagpili ni Val sa kanya. At natulad ako sa mga babaeng mababa ang lipad na naloko at ginamit ng lalaki!" Napabuga ako ng malalim na hangin 'saka pagkagigil na kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Hindi na ako ang dating Donna na kilala mo. Ibang-iba na ako sa dati, na iiyak kapag tinutukso at inaaway ako ng mga bata at ng mga matatanda dahil sa nanay ko na tinatawag nilang kabit o makating babae. Pumatol sa may asawa at maninira ng pamilya. Hindi na ako ang Donna na kinukutya ng mga kaklase natin noon na matabang baboy. Hindi na ako 'yung Donna na tinatawag ang pangalan mo kapag natatakot ako at kinakabahan sa maraming bagay. Hindi na ako 'yung Donna na nakadepende sa matalik niyang kaibigan. Hindi na ako lahat ng mga 'yun, kasi nag-iba na ako simula ng iniwan mo ako. Pero alam mo? Nagpapasalamat ako sa 'yo na nawala ka kasi kung hindi nangyari 'yon hindi ako magiging malakas, matibay at matatag kung ano ako ngayon."

Tumagos sa balat ko ang malamig na hangin sa buong rooftop. Napasinghap ako, at pinikit ang mga mata. Ayoko na kasing makita siya. Ayoko na maalala pa kung paano kami noon, sapat na nakita kona siya at nagkasama kami ng sandaling panahon.

Lumakad na ako papalayo sa kanya at pabalik sa silid ko. Kunin ang mga gamit at bayaran ang charges at umuwi na. Ayoko na munang makita at makausap si Anthony, kahit sino kina Val at Lea. Gusto ko munang tumakas sa kanila kahit sandali lang. Para makapagpahinga kasi pagod na ako, pagod na pagod na sa lahat ng nangyayari sa buhay ko. Kahit na Lion akong lumaban at mabangis ay marunong din akong mapagod.

"I love you... Mahal kita."

"Nagsisinungaling ka na naman." Nakayuko kong bulong na umabot sa kanyang pandinig. 

"When was the last time I lied about my feelings to you?" sagot niya sa sincere na tono.

Mariin akong napalunok. "Ngayon," tipid kong sagot sa basag kong boses. Bumuhos ang ulan. Naramdaman ko ang pagdampi at pagdaloy ng mga patak ng tubig mula sa ulan sa aking pisngi.

Huli na ang lahat para makaalis ako dito nang marinig ko ang bawat bakas ng pagyapak niya sa lupa papalapit sa akin.

"Hindi marunong magsinungaling ang pusong nagmamahal, Donna. Mahal kita. At ngayon na nandito na ako, hindi ko na hahayaan pang masaktan ka ng iba at makuha ng iba dahil ikinulong na kita sa puso ko." Hindi na niya ako pinakawalan sa kanyang mga bisig nang hatakin niya ang kamay ko at inikot sa kanya.

"I-I can't breathe." Nangangatal kong bulong dito. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na bumigay sa kanya. 

"Bumalik ako para sa 'yo. Para sa ating dalawa." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkapit ng mga kamay niya sa buong katawan ko. 

"Para sa ating dalawa?" pilosopo kong tanong sa malamig na boses na mayroon ako ngayon. "E wala namang tayo."

Kasinungalingan ko, oo, dahil ang totoo sa likod nito ay kabaliktaran sa tunay kong nararamdaman. "Hands off. Ikaw ang magtatanggal sa pagkakakapit mo o ako ang kakawala sa 'yo?"

Kahit na nilalaban niya ang kamay kong pinuputol ang kanyang pagyakap sa akin ng buo. Buong lakas ko pa ring pinaghiwalay ang aming mga katawan at nilisan siya mag isa sa rooftop na basang-basa at sinaktan ang kanyang puso. Hindi ko na tinangka pang lingunin ang kanyang mukha dahil alam ko na labis siyang nasaktan sa sagot ko at pagtanggi sa kanyang pagmamahal.

Bumaba ako sa hagdan at sinara ng pinto. Sinandal ang ulo ko at pansamantalang dinama ang sakit sa puso ko. 

"Donna, hindi mo s'ya mahal. H-Hindi mo siya mahal. At hindi mo na siya dapat pang mahalin dahil sasaktan ka lang rin niya sa huli." bulong ko sa hangin. Akala ko nawala na kung ano ang nararamdaman ko pero bakit ganito bumabalik ang lahat sa aming nakaraan?

***

"Nay?!" Umalingawngaw ang boses ko sa buong wards sa public hospital na pinagdalhan ko kay nanay. 

Napakabilis ng kalabog ng pintig ng puso ko, takot na takot ako kung napano na si nanay at kung nasaan siya. Iniwan ko lang siya dito at pagbalik ko wala na siya.

"Ate, nakita niyo po ba ang nanay ko?" pagkabalisa na tanong ko sa babae na katabi ng kama ng nanay.

Umiling ito at nagkibit balikat. 

"Ms. Lee." Pagtawag sa akin ng isang babae sabay ang pagpatong niya ng kanyang kamay sa aking balikat.

"Nurse, 'yong pasyente dito." Aligaga kong tinuro ang stretcher bed ni nanay. "Nasaan na siya?"

Napanguso siya at napakunot ang noo. "Hindi pa po ba kayo tinatawagan ng lola niyo?"

"Lola ko?" Pag-awang ng labi ko. "Nurse, ang concern ko dito nasaan ang nanay ko?!"

"Mam, tinransfer na po ng lola niyo si Mrs. Madrigal sa Saint Jhone Hospital." Inilagay niya ang mga kamay nito sa kanyang bulsa.

"Ano!?" Hindi ko sinasadyang natabig ang balikat nito nang tumakbo ako papalabas ng Hospital at mabilis na pumara ng taxi.

SKYPHOENIX

Good Evening po sa lahat! Sana mabasa ninyo po ito and I made my best to make it best and readable for readers :>

| Like
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jackielyn Tumbaga Adriano
tnx miss A
goodnovel comment avatar
Mhay Ilustrisimo
good job bunso...️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status