Share

Chapter One

Author: lux_acher
last update Huling Na-update: 2022-02-21 10:51:15

Nakatunganga si Nyx sa loob ng kanyang kwarto. Alas kwatro pa lang ng madaling araw pero heto siya, gising na gising. Kaunti lang ang kanyang tulog sa kadahilanang, excited na siyang magsimulang magtrabaho mamaya. Hindi naman ito ang unang trabahong pinasukan niya kaya naman may alam siya tungkol sa pagseserve.

Iyong una niyang trabahong pinasukan ay noong bago palang sila sa Maynila. Taga bantay siya noon ng tindahan ng tinapay. Mababa lang ang sahod kaya sapat lang para sa isang araw ang pera na sinasahod niya. Nakakabayad naman siya ng renta ng bahay. Para nga sa kanya ay malaki na isang libong renta ng bahay. Tumagal siya doon ng limang buwan. Nagtatrabaho siya sa bakery kapag umaga at kapag gabi naman ay naglalaba siya. Tumatanggap siya ng mga labahan ng kanyang mga kapitbahay. Pangdagdag na rin iyon para sa mga kailangan nila.

Ang pangalawa niyang pinasukang trabaho, pumasok siya bilang dishwasher ng isang restaurant. Malaki-laki ang sahod kaya naman ay lumipat sila ng maayos ayos na marerentahang apartment. Tumagal siya doon ng isa't-kalahating taon. Ang kaso lang, biglang nagsara ang restaurant na iyon dalawang buwan na ang nakakalipas. Bigla kasing nawala ang may-ari noon kaya wala ng nagpapasahod sa kanila, kaya iyon nagsara. Nasayangan pa nga siya.

Dalawang buwan na din siyang walang trabaho. Mabuti nalang ay inalok siya ng trabaho nang kanyang kaibigan at mamaya na nga siya magsisimula.

Kung hindi siguro sa kaibigan, baka sa lansangan na naman sila pupulutin. Ayaw na niyang mangyari iyon. Sapat na ang isang beses na nangyari iyon.

Buntong-hininga siyang tumayo. Maghahanda pa siya ng almusal at baon para sa kambal niyang kapatid. Kahit nahihirapan siya, kailangan niya pa ring gawin. Ang kambal nalang ang meron siya na naiwan nang kanyang mga magulang.

Kailangan niyang magsipag para sa kinabukasan ng dalawa. Hindi naman ito para sa kanya, para ito sa kambal niyang kapatid. Gusto niyang makapag-ipon ipon para maka-uwi sila sa probinsyang pinanggalingan nila. Namimiss na niya ang Isla.

Limang taon na magbuhat nang umalis sila sa Isla. Maraming mga alaala ang naiwan doon na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya.

Saktong alas sais ay natapos na siyang magluto at pumasok sa kwarto ng kambal. Napangiti siya ng makitang magkayakap ang kambal niyang kapatid. Mga tulog mantika talaga ang dalawa.

Hindi muna niya ginising ang mga kapatid at tinitigan niya muna ang mga ito. Actually, simula ng mamatay ang kanilang mga magulang, naging mailap na ang kanyang mga kapatid sa ibang tao. Siya at ang kaibigang si Kim lamang ang nakakalapit dito. Minsan pa nga ay sinusungitan nila ang kanyang kaibigan.

Naiintindihan naman niya kung bakit nagkakaganoon ang mga kapatid niya. Masyado pa silang bata ng mamatay ang magulang nila. Hindi nila deserve ang maiwan ng maaga, kaya nga siya nagsusumikap at palaging nasa tabi nang kambal, para maisip din nila na kahit wala na ang mga magulang nila, may ate naman sila na handang gawin para lang sa kinabukasan nila.

Ginising na niya ang kambal at baka malate pa ang mga ito sa pagpasok.

"Nyk, Achi, gising malelate kayo sa school. Gising na" pang-gigising niya dito. Inalug-alug pa niya ang mga braso ng dalawa.

Hindi naman nabigo si Nyx nang imulat ng dalawa niyang kapatid ang mga mata nito sabay ngiti. Ngiti palang ng dalawa ay buo na ang araw niya. Sa kapatid lang naman niya siya kumukuha nang lakas ng loob.

"Magandang umaga Ate Nyx." sabay na bati sa kanya ng dalawa habang kinukusot-kusot ang kanilang mga mata. Ang cute talaga ng mga kapatid niya.

"Hala tumayo na kayong dalawa at maligo. Achi, ikaw na ang maunang maligo o kung gusto niyo, sabay na kayong maligo para mabilis." pang-aasar niyang utos sa kanilang dalawa.

Ayaw kasi nang kambal na sabay silang maligo, kaya iyon palagi ang pang-asar niya. Lukot na lukot ang mukha ng dalawa at kulang nalang ay magdikit na ang mga kilay nito. Natawa naman siya ng magmaktol na tumayo si Nykky.

"Ako na ang maunang maligo Ate. Pagong kayang kumilos iyang si Nykko." nakasimangot na sabi nito at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Napa-iling nalang siya sa inasal ng kapatid.

Napatingin ulit siya sa pinto ng bigla itong bumukas at pumasok doon ang nakasimangot pa rin niyang kapatid. Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nakigaya na rin ang kambal nitong si Nykko. Niyakap niya ang dalawa. Hindi niya alam ang gagawin kong mawawala ang dalawang kapatid. Baka mabaliw siya.

"Sige na maligo ka na doon. Ikaw naman Nykko, ayusin mo iyong higaan nyo. Ihahanda ko pa ang uniform nyo." utos niya sa dalawa.

Kumilos naman ang dalawa niyang kapatid habang siya ay inihanda na ang uniporme nito. Nang maayos na niya ang mga gamit ng kambal, lumabas na siya ng kwarto at ang hapag-kainan naman ang kanyang inasikaso.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang dalawang kapatid na bagong ligo. Nakabihis na din ang mga ito ng kanilang mga uniporme. Umupo ang mga ito at sumandok ng kanin at ulam. Gusto ng kanyang mga kapatid na heavy breakfast ang kakainin nila para daw hindi na sila bibili pa ng pagkain kapag break time. Hindi niya iyon sinang-ayunan na hindi ito magsikain kapag break time. Lagi niya itong pinapa-alalahanan. Matitigas kasi ang ulo.

Nang matapos silang kumain ay iniligpit na niya ang kanilang mga pinag-kainan. Mamaya na siguro siya maghuhugas pagkahatid niya sa mga kapatid. Kinuha ng mga ito ang kani-kanilang mga bag at isinukbit ito. Ihahatid niya pa ang mga ito sa sakayan ng tricycle.

"Nykko,Nykky, iyong project niyo baka nakalimutan niyo. Pinasok niyo bang dalawa ang mga project niyo?" tanong niya sa dalawa. Mahirap na at baka makalimutan pa ng mga ito.

"Opo Ate napasok ko na po iyong akin, pati na rin iyong kay Nykky." sagot naman sa kanya ni Nykky. Tumango naman siya at naglakad palabas ng bahay na inuukupahan nila.

Nang makarating sa sakayan ng tricycle, kung ano-anong pagbibiliin ang sinabi niya sa dalawa at saka binigyan ng baon. May pera pa siya at laging nakatabi ang baon ng kambal sa gastusin nila sa bahay. Ayaw niyang gumastos at baka magipit pa sila lalo.

Nasa tapat na siya ng bahay nila nang mamataan niya ang kaibigang si Kim sa hamba ng kanilang pinto. Ano na namang chicka kaya ang dala nang kanyang kaibigan at sa ganitong kaaga pa? Ngumisi ito ng makita siya na para bang isang mapanganib na balita ang dala nito. Nababaliw na naman yata ang kaibigan.

"Magandang umaga Nyx. Pumasok na yung kambal?" tanong agad nito nang makalapit siya.

"Oo. Kakahatid ko lang sa sakayan ng tricycle." imporma pa niya.

Pinapasok niya ito sa loob ng bahay at pina-upo. Feel at home naman ang kaibigan niyang may sayad.

"Anong kailangan mo at nandito ka ng ganito kaaga?" tanong niya dito. Ngumiti naman ng matamis ang kaibigan bago sumagot. Biglang tumaas ang kanyang mga kilay.

"Wala lang naman. Excited lang ako dahil magkatrabaho na tayo simula mamayang gabi." masayang lintaya nito na sinabayan pa ng isang halakhak.

Nahawa na siya sa tawa nang kaibigan. Mabuti na lang talaga at may kaibigan siyang katulad ni Kim. Iyong kaibigang handa kang damayan at pasiyahin. Palihim siyang napangiti. Hindi niya alam ang gagawin kung wala ang dalaga.

Pagsapit ng gabi ay para siyang kiti-kiti na hindi mapalagay sa isang tabi. Ala-sais y medya pa lang pero heto siya, atat na atat. Napatingin siya sa kambal na abala sa paggawa nang takdang-aralin. Papatulugin niya muna ito bago pumasok sa trabaho.

Pagsapit ng alas syete ay inayos na niya ang sarili. Tulog na ang dalawang kapatid at napagsabihan na niya ito na may trabaho siya ngayong gabi. Baka kasi magising ang isa at biglang hanapin siya. Hindi siya kinakabahan na iwan ang kambal dahil safe naman ang lugar nila kaya wala siyang dapat ikabahala. At isa pa, pinaki-usapan niya ang kapatid ni Kim na kung pwede ay sa bahay nila ito muna matulog.

Nang matapos siyang mag-ayos ay lumabas na siya ng kwarto pero bago iyon ay sinulyapan niya ang dalawang kapatid na mahimbing ng natutulog.

Tuluyan na siyang lumabas ng bahay at siniguradong naka-kandado ito ng maayos bago tuluyang umalis doon. Nasa sakayan na ng tricycle si Kim, doon kasi nila napag-isipang magkita. Napangiti siya nang mamataan ang kaibigan na nakikipag-usap sa isang driver. Kumaway siya dito nang makita siya ng kaibigan.

"Andito na pala ang kasama ko manong, kaya wala na tayong iintayin pa." saad ng kanyang kaibigan sa kausap. Tumango naman ito bilang sagot. Sinabi nang kanyang kaibigan kung saan sila pupunta at sumakay na sa tricycle.

"Matagal ka bang nag-intay sa 'kin sa sakayan ng tricycle?" tanong niya sa kaibigan.

"Hindi naman. Kakadating ko lang din no 'n kaya kinausap ko na si Manong na may iniintay pa ako pero saktong dumating ka naman." sagot nito. Tumango na lang siya bilang pagsagot

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din sila sa kanilang distinasyon. Ang Rove's Bar. Wala pang costumer dahil magbubukas palang ito. Alas-syete kwarenta pa lang din kasi.

Pumasok na sila sa loob. Nadatnan nila ang ang kanyang bagong mga katrabaho na abala sa paglilinis sa bawat sulok ng bar. Namataan niya ang manager ng bar na si Ms. Lanie na palapit sa kanya. Oo, sa kanya lang dahil ang kanyang kaibigan ay bigla siyang iniwan at hindi na niya ito mahagilap.

"Magandang gabi po, Ma'am Lanie." bati niya dito ng makalapit.

"Magandang gabi rin sayo Nyx. Halika at ipakikilala kita sa mga magiging katrabaho mo" paanyaya nito.

Sumunod naman siya sa kausap. Tinawag nito ang mga bago niyang mga kasama. Simula sa mga serbidura hanggang sa mga janitor.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Makinig kayong nang maigi. Siya si Nyx Oliveros, siya ang bago niyong makakatrabaho. Be good to her. I have eyes in every corner of this bar." pakilala nito sa kanya.

Grabe naman itong Ma'am Lanie nila. Akala naman nito ay aapihin siya ng mga katrabaho niya. Well, kung aawayin siya, syempre lalaban siya. Bawal weak. Makapagsabi ng "be good to her" wagas.

Napa-iling na lang siya sa mga pinag-iisip. Baka ganoon lang talaga ito sa mga bagong pasok. Masyadong mabait. Tinapik siya nito sa braso at sinabihang pwede na siyang makapagpalit ng uniform sa locker room. Bigla siyang hinatak Kim na bigla nalang sumulpot sa kung saan. Pinapasok siya nito sa locker room at pinagbihis.

Tinitigan niya ang sarili sa may salamin.

'Ito na iyon Nyx. Huwag kang kabahan. Para sa kambal ito.'

Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago tuluyang lumabas sa locker room at pumwesto sa ituro ng kanyang manager.

'This is. Aja! Fighting!!'

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Selfless Moon   Chapter Nineteen

    Hindi makapaniwalang nakatitig sa 'kin si Tyrus ngayon. Nababakas pa rin sa mga mata niya ang gulat ang kakaibang saya sa inamin ko kanina. His eyes was glistening with so much delight.Nasa dalampasigan kami at naka-pwesto sa lilim ng puno nang niyog habang ang mga kaibigan niya ay bumalik sa bahay ni Knox para daw maghanda ng tanghalian. Sasama na nga dapat ako kung hindi lang umarte 'tong lalaking kasama ko. Ang mga kamay niya ay parang sawa na nakalingkis sa baywang ko at parang takot na tumakbo ako palayo sa kaniya. Kapag susubukan ko namang tanggalin ay lalo niya lang hinihigpitan. I mentally chuckled. Clingy and possessive, eh."Hindi ka pa ba bibitaw?" nagbabakasakaling tanong ko. Baka magbago ang isip at bumitiw na sa pagyakap sa 'kin.He shook his head and placed his head on the crook of my neck. "No. Don't want to let you go," he said.My faced flushed when he bit my neck. My butterflies in my stomach become wild. He gives tiny kisses on my neck and shoulder blades since

  • The Selfless Moon   Chapter Eighteen

    Halos lumuwa ang mata ko sa sobrang ganda ng islang ito. Yeah, it is an island wherein there's a lot of expensive houses. Para siyang exclusive subdivision ang pinag-kaiba nga lang ay nasa Isla ito.Hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang ganda ng lugar. The salty wind breeze hit a different calmness in my system, along with the clear blue ocean with it's white sand really gives me a calmness. Sobrang napakaganda niyon sa 'king paningin. Sobrang tahimik ng lugar na ito at tanging huni ng ibon at ang paghampas ng mga alon papunta sa baybahin.Hindi pa rin ako makapaniwalang makakatapak ako sa islang ito. Parang dati lang ay pangarap ko lang makatutungtong sa islang ito. Tanaw kasi ang El Paraiso sa Sambawa Island kung saan kami nanirahan ng mga kapatid ko. El Paraiso. Ang alam kong ang islang ito ay exklusibo lamang para sa hindi ko kilalang magkakaibigan. "Anong ginagawa natin dito, Tyrus?" tanong ko sa kaniya nang makababa kami sa helipad at nasa isang rooftop ng bahay kami ngayon.

  • The Selfless Moon   Chapter Seventeen

    Hindi maipinta ang mukha ngayon dahil sa lalaking prenteng naka-upo sa single couch na nandito sa loob ng opisina ni Sir Lucas. He's lazily looking at me. Ang isang kilay niya ay naka-taas na. Putrages! Siya pa talaga ang may ganang pagtaasan ako ng kilay, e siya iyong kaagang-agang nambulabog sa trabaho namin.Hindi ko alam kung anong trip niya at pinapunta niya ako rito sa opisina ni Sir. May ideya na ako at tama nga ang hila kong mangbwebwesit lang ang lalaking 'to. Ang sarap niyang paliparin.I rolled my eyes ay nameywang sa harapan niya. Naiinis talaga ako sa pagmumukha niya ngayon."What are you doing here?" inis kong tanong sa kaniya."Visiting you, I guess." walang kaamor-amor nitong sagot.Dahil sa sobrang inis ko sa kaniya ay sinipa ko ang kaniyang paa. Simula nang manligaw kuno siya sa 'kin ay trip niya palaging asarin ako o di kaya 'y barahin ang bawat tanong ko sa kaniya.Paiba-iba rin ang ugali nito. Sometimes his sweet then later on magiging bugnutin tapos biglang mang-

  • The Selfless Moon   Chapter Sixteen

    "Ate, tama na pagod na kami," pagod at tumatawang pagpapatigil sa 'kin ng kapatid kong si Nykko pero patuloy pa rin ang pagtakbo. Kanina pa kami naglalaro ng habulan at kita ko nga sa mga mata nila na pagod na sila pero hindi 'yon dahilan para tumigil sa paghabol sa kanila. Patuloy ko silang hinahabol hanggang maabutan ko silang dalawa. Una kong nadakip ay si Nykko at kasunod nito ay ang kambal na si Nykky. Marahan ko silang dinamba at niyakap. Kinikiliti ko sila kaya napuno ng tawanan ang bakuran namin."Tama na Ate, hahahahah." saway sa 'kin ni Nykky habang panay ang ilag sa pangingiliti ko. Panay ang tawa namin at parang walang kapaguran.Nang makaramdam ng pagod ay tinigilan ko na sila. Humiga ako sa damuhan at ini-unat ang dalawang kamay. Nasa taas ang tingin ko at pinagmamasdan ang kulay kahel na kalangitan. Sabay na humiga ang kambal sa magkabilang braso ko at pinagmamasdan rin ang magandang kalangitan. Napakapayapa talaga kapag papalubog na ang araw."Ate talaga bang aalis

  • The Selfless Moon   Chapter Fifteen

    Napa-nganga ako sa lalaking nagpupuyos ng galit at kulang na lang ay magbuga ng apoy. His eyes say's it all. He's really mad.Pero dahil nga kilala ko si Void, hindi siya nakinig kay Tyrus at lumapit pa lalo sa 'kin. Matunog na ngumisi si Void nang makitang umuusok na sa galit si Tyrus."Don't try my patience fucktard," inis na lintaya ni Tyrus."What's your problem being near to Nyx. You're not her boyfriend after all," naka-ngising saad ni Void. Mas lalong nagpuyos ng galit si Tyrus dahil sa sinabing 'yon ni Void.Sa itsura ngayon ni Tyrus, anytime soon ay masusuntok na niya si Void pero itong lalaking nasa tabi ko ay walang pake. I know that his just pissing Tyrus off. Mapang-asar kasi ang lalaking 'to.I gasped when Tyrus grabbed me away from Void. His eyes shouts danger now while Void creased his forehead at mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ng kaibigan. Parang may nakikita na rin akong kuryente sa dumadaloy sa pagitan ng masamang titigan nila.Napalunok ako at naumid ang dila

  • The Selfless Moon   Chapter Fourteen

    Naniningkit ang mga mata ni Grace nang makita niya ako. Nasa trabaho ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang ginagawa ng babaeng 'to dito sa restaurant na pinagtratrabahuan ko. Alam ko namang kakain siya pero for sure akong may ibang pakay si Grace kaya narito siya ngayon. May naiisip na ako at alam kung ang pinunta niya. Makiki-chismis! Binalewala ko na lang ang pinsan ko at pinagpatuloy ang pagtratrabaho. Habang inaasikaso ko ang mga costumer ay hindi ko maiwasang mailang dahil parang may tumititig sa 'kin. Kanina ko pa siya nararamdaman pero pinagsawalang-bahala ko lang 'yon dahil akala ko wala lang 'yon kaso nakaka-ilang na talaga siya. Dali-dali akong pumasok sa kusina at sumandal sa pader na malapit sa sink."Ayos ka lang ba, Nyx? Bakit ka namumutla?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Dianne. Mukhang napansin niya ako."Oo. Medyo pagod lang," naka-ngiting sagot ko."Sure ka ba? Ako muna sa labas kung hindi ka okay,""No, I'm good. No need to worry." I assuredly said. Mabuti na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status