Share

[CHRIS] Part8.15: Chapter15

MALALIM siyang bumuntong hininga habang umiiling. Ilan saglit pa bigla na lamang nagising si Owen na ikinangiti niya. Lumapit siya sa kinaroonan nina Owen at Rhealyn. Kapagkuwan ay gigil niyang sinipa ang mukha ni Owen dahilan para dumugo ang bahaging bibig nito. Naging alerto naman si Rhealyn, pumagitna ito sa pagitan nilang dalawa ni Owen.

"Please, huwag mo siyang sasaktan!" Matapang na pigil sa kanya ni Rhealyn habang patuloy pa rin naglalandas ang mga luha nito sa pisngi.

"Rhealyn," nakingiting sambit niya sa pangalan nito. "Ibig mo bang sabihin.. gusto mong ikaw ang maunang mamamatay?"

Taas noo na hinarap siya ni Rhealyn. "Oo," determinadong sagot nito. "Hindi ka ba naaawa sa kalagayan niya? Binaril mo na nga siya, tinalian kami, pinutol mo ang dila niya tapos ngayon sinipa mo pa ang ulo niya. Ano pa bang gusto mo para tigilan mo na ang pagpapahirap sa kanya?!" Bulyaw na turan nito sa huling sinambit.

"Dahil kahit anong gawin ko ay hindi pa rin siya mamatay-matay!" Mariing tugon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status