Share

[CHRIS] Part8.14: Chapter14

MATAPOS niya apakan ang dila ni Owen ay saglit niya itong iniwan. Pumunta siya sa ikalawang palapag, una niyang sinilip si Rhealyn sa balkonahe, tulog ang dalaga nang madatnan niya. Natigilan siya nang makarinig ng kalabog, naniningkit pa ang kanyang mga nang napag-alamanan niyang galing sa music room ang ingay.

Nagmamadaling pinuntahan niya ang music room kung saan naroon si Lian. Nang mabuksan niya ang pinto nakita niyang ikinikiskis ni Lian ang lubid sa matulis na bagay, na siyang ikinabahala niya na baka sakaling tumakas ang dalaga. Napahinto naman sa ginagawa ang dalaga nang mapansin nitong nakabukas ang pinto at makita siya. Takot na takot naman itong napaatras sa kanya.

"Sa tingin mo ba makakatakas ka kung gayon naman naka-locked ang pinto?" Sambit niya saka siya dahan-dahan naglakad patungo sa kinaroroonan ni Lian.

"Alam ko may iba pang paraan." Matapang nitong sagot.

"Talaga?" Tila naniniwala niyang sambit. "Sa tingin mo ba kaya mong bayaran lahat ng mga instrumentong sinira
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status