MAHIGIT isang oras nang nasa loob ng van si Benjamin habang humihithit ng sigarilyo. Panglima na niyang gamit iyon buhat nang umalis siya at iwan ang mga kaibigan niya. Nananatiling nakahinto ang sasakyan sa gitna ng kalsada upang doon siya magpalipas ng oras.Maya-maya pa, matapos maubos ang sigarilyo ay napagpasyahan niyang pumunta sa store ni Samuel. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan patungo sa store. Pagkarating niya ay open ang store kung kaya’t madali na lamang siya nakapasok sa loob pero hindi nakabukas ang ilaw kaya madilim nang pumasok siya.“Samuel...” tawag niya sa pangalan ng may-ari ng store. “Samuel...” Ulit pa niya ngunit walang Samuel na sumasagot.Kahit madilim ay naglakad siya nang dahan-dahan at nangapa dahil hindi sapat ang maliit na bintana sa tabi ng counter upang makita niya ang kabuuan ng supplies sa loob ng store. Tanging sa counter lang talaga ang may bintana.“Yoo-hoo? Samuel...? Nakabukas ang store mo kaya pumasok ako!” sambit niya sa kawalan habang nagl
MATAPOS nilang mabasa ang sulat, halos hindi sila makapaniwala—tila nagrerehistro sa kanilang utak kung paniniwalaan ba nila o patuloy na magdududa.“Paanong—shit!” bulalas ni Prelim nang mahagip ng mata niya na may makita siyang tao na lumulutang sa ilog. Tumakbo siya papunta sa ilog at lumangoy patungo sa nakatalikod na lumulutang na bangkay.Sinundan naman ng tingin nina Benjamin, Kailyn, at Tisay si Prelim kung saan nagtatakbong nagtungo ito sa ilog. Ilan saglit pa, tumakbo na rin si Benjamin na sinundan naman nina Tisay at Kailyn. Ngayon, nakahinto lang sila sa pampang at naghihintay na lamang kay Prelim na maiahon kung sino man bangkay iyon.Pagkaharap ni Prelim sa bangkay ay laking gulat niya nang makitang si Johan iyon. Bigla na lamang tumulo ang mga luha niya. Marahil ay nag-suicide ito dahil sa pagtatalo nila kanina. Napagpasyahan niyang iahon ang kaibigan at laking gulat din ng mga kasama niya na makitang wala nang buhay si Johan.“Oh god, baby!” bulalas ni Tisay matapos ma
AGAD na bumaba ng sasakyan si Tisay nang huminto ang van nila sa tapat ng store ni Samuel. Sumunod na bumaba si Benjamin na sinundan naman nina Kailyn at Prelim. May naramdaman na namang kakaiba si Kailyn nang muli siyang umapak sa store ni Samuel. Tila ba’y may nais ipahiwatig sa kanya ang malamig na pakiramdam, ngunit wala siyang ideya kung bakit niya nararamdaman iyon.“Tisay, totoong wala nang buhay si Samuel!” pigil ni Benjamin kay Tisay nang akmang papasok na sila sa loob.Mataray na humalukipkip si Tisay. “Gusto ko lang ng patunay, Ben. Gusto kong bigyan ng hustiya ang pagkamatay ng boyfriend ko at ni Cassandra!” galit nitong turan.Sandaling natigilan si Benjamin pagkatapos ay huminga nang malalim. “Sige, kung ’yan ang gusto mo, ihahatid kita sa bangkay!” sarkasatikong tugon niya.“Pumasok na tayo sa loob,” aya ni Prelim.Unang pumasok sa loob ng store si Benjamin, sinundan naman siya nina Tisay, Kailyn at Prelim. Iginiya pa ni Benjamin ang mga kaibigan niya patungo sa likod n
HAPON na nang magising si Benjamin. Bigla siyang binuhusan ng mainit na tubig. Napahiyaw tuloy siya at nagsisisigaw sa sobrang init na dulot niyon sa kanyang balat. Napakahapdi at sobrang sakit sa buong katawan niya na para bang pakiramdam niya ay unti-unting nalalapnos ang kanyang balat.“Aaahh! F*ck! F*ck!” sigaw niya pa habang namimilipit sa sakit.Hindi niya tuloy maigalaw ang buong katawan bukod sa nakatali ang kamay at paa niya. Nanatiling nakahiga siya sa sahig habang dumadaing. Narinig niya ang paghalakhak ng lalaking may gawa niyon sa kanya. Kahit may dinadaing, tinitigan niya nang masama ang nilalang na pumatay sa mga kaibigan niya.“Kung nakakamatay lang talaga ang mga titig n’yo, bakit buhay pa ’ko?” makahulugang wika ng lalaki at umupo ito sa harapan niya.“Patay ka na, 'di ba?” mariin at tila di-makapaniwalang turan ni Benjamin.“Ano’ng akala mo sa ’kin? Madaling mamatay?” sarkastikong tugon ng lalaki sabay sindi ng sigarilyo at humithit-buga sa harapan niya.Napangiwi n
“IKAW ang salarin sa pagpatay sa mga kaibigan ko!” wika niya sa pagmumukha ni Samuel kahit na gigil na nakikipag-agawan siya ng palakol.Ngumisi nang nakakaloko ang kaharap pero mas ikinagulat niya ang ginawa nito sa kanya. Nanlaki ang mata niya at biglang huminto ang tibok ng puso niya nang sinaksak sa kanya ni Samuel ang ulo ng palakol sa tiyan niya. May lumabas tuloy na dugo galing sa bibig niya. Hirap siyang makahinga ng maayos at mas lalong nanlalabo ang mga mata niya dulot ng sakit na pinararanas sa kanya. Namamanhid na rin ang buong katawan niya gawa ng itinulak siya ni Samuel kaya ngayon napahiga siya sa sahig habang kinakapos ng hininga.“Sa laban na ’to, ako ang nanalo at walang makapipigil sa nais kong pumatay ng nilalang!” dinig niyang sambit ni Samuel, kasabay niyon ang paghalakhak nito na mala-demonyo.Gusto niyang magsalita ngunit tila yata ang bibig niya ay ayaw bumuka. Gusto niyang murahin ang taong nasa harapan niya pero di niya magawa dahil hirap na siyang makahinga
Samuel's EpilogueNAALIMPUNGATAN siya nang makarinig siya ng kaluskos galing sa baba ng bahay niya. Agad siyang napabalikwas ng bangon nang muling marinig na naman niya ang kaluskos na ngayon ay nagmula naman sa labas ng kuwarto niya. Dahan-dahan siyang nagtungo sa pinto ng kuwarto niya at binuksan iyon, pero laking gulat niya nang makita ang galit na galit nitong mukhang at pula nitong mga mata. Agad siya nitong sinalakay ng takot at kaba, pero sa mga sandaling iyon ay mayroon siyang mga katanungan: Di ba, patay na siya? Paanong nabuhay ang patay? anang isip niya. “S-Samuel . . .” Tila di-makapaniwalang usal niya. Bigla siyang kinalibutan nang makitang ngumisi si Samuel. Pagkatapos niyon ay mabilis siyang sinakal sa leeg dahilan para unti-unti na siyang kapusin ng hininga.NAPABALIKWAS siya ng bangon at hingal na hingal na tila ba’y tumakbo ng ilang kilometro. Tumutulo na rin ang butil na nasa noo niya.“Ghad!” pasinghap niyang sabi. “Panaginip lang pala ’yon!”Namalayan na lang niya
NGAYON ang huling taon ni Simon bilang Senior High School sa San Fabian High School, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Clement, Trist, Chris, Fackly, George at ang kanyang kakambal na si Samuel. Sabay silang pito na naglalakad pauwi pagkatapos nila magkita-kitaan sa kanilang tagpuan. Sa isang abandunadong bahay sa likod ng eskuwelahan.Bagamat madilim ang kanilang nilalakaran ay 'di nila alintana ang nagbabadyang kulog at kidlat, patuloy pa rin silang naglalakad makauwi lamang sa kani-kanilang bahay. Ngunit sadyang masungit ang kalangitan kung kaya't bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan, dahilan para mabasa ang kanilang mga uniporme na suot at pati ang kanilang bag ay basa na rin.Isa-isa na silang nakakauwi sa kanilang bahay nang si Simon at si Samuel na lang ang hindi pa nakakarating sa destinasyon. Dahil mas malayo ang bahay ng dalawang magkapatid kumpara sa iba pa nilang kaibigan. Pagdating nila sa kanilang bahay ay agad sinalubong si Simon ng kanyang Ina, habang si Sa
WALA pa man limang minuto ay mayroon na naman lumapit kay Simon na kaklase niya. Pero sa oras na ito ay tatlong babae, sila 'yong tatlong babae ang nagdikit ng papel sa kanyang likuran nang makasalubong niya ang mga ito papasok sa gate ng eskuwelahan."Hi, Simon," maarteng pagbati sa kanya ni Cathy. Nakangiti pa ito na halatang nang-aasar. "Sawa ka na ba sa boses ni Mrs. Ana kaya ka nandito sa library, tama?""Girl, nagtanong ka pa, alam mo naman isa siyang mandarayang loser!" Natatawang komento ni Reyna."Alam niyo, ang suwerte niya. Lahat tayo sinermunan samantalang siya nagfefeeling matalino!" Pagpaparinig naman ni Alyssa, sabay tawa nito.Napaangat ang tingin niya sa tatlo niyang kaklase saka siya tumayo para harapin ang mga ito. Ningitian pa muna niya ang mga ito bago magsalita."Ituloy niyo lang." Makahulugan sambit niya.Kumunot ang noo ni Cathy, habang sina Reyna at Alyssa naman ay pareho pang nagtaka at nagkatinginan sa isa't isa. Mga walang ideya sa kung anuman ang sinasabi