Share

[SAMUEL] Part6.4: Chapter4

HATINGGABI na ngunit hindi pa rin makatulog si Kailyn. Gusto niyang hintayin ang pagbabalik ng kaibigan niyang si Cassandra ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin. Di na niya maiwasan ang makaramdam ng pagkabagabag.

Wala sa sariling bumangon siya at lumabas ng tent. Napayakap na lang siya sa kaniyang sarili nang salubungin siya ng malamig na hangin. Napatingala tuloy siya sa langit at nakita ang liwanag ng buwan. Sana walang masamang nangyari kay Cassandra, hiling ng isip niya. Habang nakatingala at pinagmamasdan ang buwan ay nakarinig siya ng kaluskos sa bandang kagubatan kaya’t napalingon siya roon.

Curiosity ang mas nangibabaw sa nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kagubatan, at nang malapit na siya ay nagulat siya nang may bumulaga sa kanya.

“S-Samuel!” tanging nasambit niya.

Humalakhak si Samuel na tila isang baliw kung kaya’t 'di niya maiwasang mangilabot dahil sa pagtawa nito. “Hatinggabi na, binibini. Bakit gising ka pa nang ganitong oras?” wika ni Samuel
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status