Share

Chapter 76

“Hindi pa ba tumatawag sa iyo si Farkas?” tanong ni Carnation sa kaibigan na nakaupo sa sofa at kumakain ng mangga na may bagoong. Binisita niya ito dahil gusto raw na may kasama na kumain ng hinog na mangga na sinasawsaw sa bagoong. Ngunit hindi naman niya maatim na kumain dahil hindi niya talaga ma-imagine ang lasa!

“Hindi pa. Hayaan mo ang baliw na iyon, hindi ko naman siya kailangan.”

Napailing siya sa sinabi ng kaibigan. “Kailan mo itong sabihin sa kanya Lizette. Hindi pwedeng solohin mo lang ang tungkol sa bagay na ito. Dalawa kayong gumawa nito, dalawa din kayong dapat na humarap sa naging resulta.”

“Hindi ko siya kailangan,” malumanay na sagot ni Lizette. “Nag-resign na ako at wala na kaming koneksyon sa isa’t-isa. Kaya ko namang buhayin ang sarili ko at ang maliit na... “ Matunog na lumunok si Lizette. “Kaya kong buhayin ang maliit na taong ito sa loob ko.”

“Ayaw mo bang lumaki ang batang iyan na may ama?”

“May ama naman talaga siya.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status