Share

Chapter 81

Kanina niya pa binabasa ang report na hawak pero wala talaga siyang maintindihan. Wala sa trabaho niya ang isip niya. Lumilipad ito kung saan sa loob ng kanyang opisina. Nakakainis! Bakit kasi kailangan na makita pa niya si Luca? Pwede namang nanatili na lang ito sa New York at hindi na bumalik ng Pilipinas.

"May problema ba? Kanina mo pa binabasa ang isang pirasong papel na 'yan," puna ni Lizette at nilapag ang tasa ng kape sa ibabaw ng center table. Pinatulog na nito ang anak.

Sunod-sunod siya umiling. "Wala. Hindi ko lang maintindihan ang mga nakasulat."

"Bakit? Masyado bang komplikado ang laman ng isang piraso ng papel na iyan?" Naupo ito sa carpeted floor ng sala tulad niya at sinilip ang papel na hawak niya. "Ay, gaga! Paano mo kasi maintindihan wala namang nakasulat! Naku… Mauve, kilala na kita may problema ka talaga. Sabihin mo na. Ano ba kasi ang gumugulo sa isip mo?"

Napasinghap siya. Dapat ba niyang sabihin? Ah, kasama nga pala ni Luca ang kapatid. Alam na kaya ni Lizette na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status