Share

Ikadalawampu't-Walong Kabanata

"Catalina? Uuna na kami ni Pio. Gabi na rin kasi. Salamat sa pag-imbita ha."

Dali-dali namang nagpunas si Ruanne ng kanyang kamay at sinalubong ang dalawa sa sala.

"Wala 'yon. Para ka namang estranghero n'an. At saka, ako nga dapat ang magpasalamat sa inyo at kundi di kayo dumating, malamang ay walang bisita ang anak ko."

"Ninang!" Napatingin na lamang silang tatlong matatanda sa batang tumatakbo papunta sa kanila. "Uuwi na po kayo?"

Tumango naman si Ruanne.

"Oo, Oval. Gabi na rin kasi at baka kung ano pang mangyari sa amin sa daan. Bibisitahin ka na lang namin sa ibang araw ha?"

Masigasig namang tumango ang bata at bumaling kay Pio.

"Ninong Pio! Sa susunod po, gusto ko naman ay malaking robot! Yung umiilaw saka nagsasalita!"

Napakunot na lamang sina Ruanne at Catalina sa hiling ni Oval. Ngunit si Pio naman ay napangiti na lamang. Ginulo niya ang buhok ng bata na siyang nagpatawa rito.

" Sa susunod, hindi lang iyon ang ibibigay ko sa iyo. Huwag kang mag-alala, " ani Pio.

Napairap na
Achyxia

Hello, readers! Sorry for the very late update but here it is. I'll make sure to update again tomorrow to make it up to you. Have a great night!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status