Share

Chapter 5

Naipasa na kay Lucas ang mga ariarian na naiwan sa kanya ng yumaong ama. Ang Madison-Luce Corporation, kompanya ng alak isa sa Texas, sa London at dito sa pilipinas. Ang Madison-Luce Tower, Madison-Luce island sa palawan. At ang Madison-Luce mansion, ang lahat ng ito ay isinunod sa kanyang tunay na pangalan na Madison Luce Salazar. Meron din isang luxury mega yacht at private plane, isang sports car at dalawa pang klase ng kotse. Lahat ng yan ay pag aari na niya, halos hindi parin siya makapaniwala na isa siyang bilyonaryo. 

Pinag aralan niya lahat ng pwedi niyang matutunan sa kompanya na pag aari na niya ngayon. Pinasyalan niya ang tower, ipinakilala siya sa lahat ng staff duon na siya ang may ari ng building at pinuntahan din niya ang mansyon pero imbis na lumipat sa masyon ay nanatili parin siya sa bahay na kinalakihan niya.

"Mr.Salazar, bakit ayaw mong lumipat sa mansyon? Meron kana rin kotse bakit hindi mo gamitin marunong kana man mag drive diba? saka may lesinsiya kana man." Sambit sa kanya ng attorney niya habang naglalakad sila papunta sa sakayan ng jeep.

"Attorney Jimenez hindi pa ngayon ang tamang panahon para gamitin ko kung ano man ang pag aari kona ngayon. Hanggat maaari gusto ko muna ng sempling buhay" Paliwanag niya sa attorney niya.

"Maiba ako, wala kapa ba girlfriend or wife?" Nagulat siya sa itinanong sa kanya. 

"Wala, at wala pa sa isip ko ang mga yan." Blanko ang mukha niya na sinagot ang tanong ng attorney.

"Okay, naitanong ko lang naman?" Hindi na niya kinausap ang attorney hanggang nakasakay na siya ng jeep katapos magpaalam sa attorney, blangko lang ang kanyang mukha habang nakatanaw sa labas ng umaandar na jeep.

Pagkarating niya sa bahay niya ay tumawag sa kanya si mr. Guirero, para ipaalam sa kanya na kaylangan niyang pumunta sa ibang bansa para maipakilala sa dalawang kompanya. 

"Yes mr. Guirero?" Sagot niya sa tawag.

"Mr.Salazar, humiling ang dalawang kompanya na makilala ka bilang bagong may ari ng Madison-Luce Corporation sa texas at london." Sambit sa kanya ng kausap sa kabilang linya.

"Okey sige, payag na ako na maipakilala ako bilang bagong may ari ng kompanya sa texas at london." Sagot niya sa kausap nito.

"Tama ang desisyion mo mr.Salazar, ipapahanda ko ang passport mo at ang private plane, maraming salamat mr. Salazar magkita nalang tayo pag okay na ang lahat ng mga kakailanganin mo." Pagka rinig sa sinabi ay pinatay na niya ang tawag at inilapag ang cellphone sa sofa saka isinandal ang ulo sa sofa at huminga ng malalim saka ipinikit ang mata.

"Kakayanin ko ito" Sambit niya sa sarili. 

Inihanda niya ang kanyang sarili, nag research siya kung paano humarap sa mga matataas na tao kung paano makipag usap. Pinag aralan din niya ang pananamit ng isang nagmamay ari ng malaking kompanya. 

Kinabukasan ay nagpunta siya sa mall at bumili ng mga pormal na damit at sapatos, sinukat niya at tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi man niya aminin sa sarili niya pero nung makita niya ang sarili sa salamin ay subrang bumagay sa kanya ang napili niyang kasuotan, napaka pormal at gwapo niyang tingnan, ngayon niya napag tanto na siya nga ay isang Salazar. Gamit ang master card ay binayaran niya ang mga pinamili niya, nagulat pa siya sa binayaran niya. Pagkabayad niya sa counter ay tinawagan niya ang kanyang kaibigan na makipag kita sa kanya. 

"Pre, nasaan ka? punta ka sa bahay mamaya, may pupuntahan tayo." Sambit niya sa kaibigan niya pagkasagot ng telepono.

"Nakaka gulat ka naman pre. Saan tayo pupunta? May chics ba dun?" Sambit naman ng kaibigan niya sa kabilang linya, natatawa nalang siya sa kaibigan niya. Kahit papano ay nagpapasalamat siya na may kaibigan siyang mapag biro dahil kahit papano ay napapangiti siya sa tuwing magbibiro ito.

"Basta sumama ka sakin" Saka ibinaba na niya ang tawag. Naligo siya at nag bihis, at maya maya lang ay dumating na ang kaibigan niya na excited pa sa kanya.

"Ano pre san tayo?" Imbis na sagutin niya ang tanong ng kaibigan at nauna na siyang lumabas ng bahay. Nag abang sila ng masasakyang jeep.

"Tara na, sakay na" Sambit niya sa kaibigan at sumakay na sila ng jeep. Nakailang sakay pa sila bago makarating sa Madeson tower, sa baba nito ay may isang bar, lahat ng klase ng alak na gawa ng kompanya niya ay andun, kilala na siya ng gwardya kaya agad silang pinapasok.

"Pre, anong gagawin natin dito? Wala tayong pambayad dito, alam ko ang mamahal ng mga alak dito, hanap nalang tayo sa mumurahin lang." Sambit ng kaibigan niya nagaalangan pang pumasok. Lingid sa kaalaman ni sammy ay isa na siyang bilyonaryo, na naipasa na sa kanya ang mga naiwan ng yumao niyang ama.

"Pre, omorder kalang nang alak na gusto mo. Magiinom tayo ngayon, basta wag lang masyado pakalasing." Tinapik tapik niya ang kaibigan sa balikat.

"May problema kaba pre? Bakit tayo mag iinom, eh hindi ka naman nag iinom ng alak diba?" Tanong sa kanya ng kaibigan habang napapakamot pa sa ulo.Tinawag niya ang waiter at agad naman lumapit sa kanila. 

Binigay sa kanila ang alak na pinaka mahal ang Luce whisky, ngayon lang siya susubok uminom. Gusto niyang pag aralan uminom ng alak na gawa ng kompanya nila. Naisipan niyang yayain ang kaibigan para may kasama siya, matagal siyang mawawala kaya gusto rin niyang makasama ang kaibigan.

"Pre, wala tayo pambayad. Tinanong ko ung waiter kanina, libo ang halaga ng alak na inorder mo." Nagaalalang sambit ng kaibigan niya.

"Wag kang mag alala pre, wala kang babayaran." Sagot niya naman dito na medyo utal na ang pagsasalita. Naka tatlong shot palang siya pero hilo na siya.

"Pwedi ba yun?" Umiling iling nalang sa kanya ang kababata.

Mayamaya lang ay may lumapit sa kanila na dalawang lalake.

"Sir, pwedi po kayo lumipat sa penthouse may sarili naman po kayong bar duon. Ihahatid na po namin kayo." Nagulat pa ang kasama niya sa sinabi ng isang lalake na lumapit sa kanila.

"Hoy anong penthouse? Hindi kami taga rito saka hindi kami mayaman." Inalalayan siya ng dalawang lalake na tumayo saka naglakad palabas ng bar at pumunta sa elevator. Patakbo naman sumunod sa kanya ang kaibigan, tahimik lang siya na pumasok ng elevator at sumandal. 

Pagka bukas ng elevator ay nauna na siyang lumabas at pag tapat niya sa pinto ng penthouse ay pinindot niya ang passcode saka ito nagbukas at agad na siyang pumasok duon. Tahimik naman na sumunod sa kanya ang kaibigan na panay ang lingon sa dalawang lalake. Nasa pinaka huling floor ang penthouse at sa rooftop ng building ay may isang mini bar at malaking swemming pool, at sa kabilang bahagi ng rooftop ay may naka lapag na chopper. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status