Share

Chapter 2. Their first encounter.

Pinakawalan ni Elmhurst ang palaso na sumemplang na hindi man lang tumama sa target niya. Nasa archery range sila na pinasadyang libangan ng mga estyudante ng ATI School of Elites. Ito ang unang taon nila ng kaibigan niyang si Reese sa ATI. Hindi sempli ang paraan ng pagpasok niya sa eskwelahan na 'to dahil mahigpit ang seguridad ng isla na pag-aari ng Madrid Empire. Kailangan mo pa ng identity card para makapasok ka at may access ka sa lahat ng facilities ng buong Isla. Ginagamit mo rin ang identity card para buksan ang sarili mong kuwarto sa dorm. Isa pa doon ay may tatlong klase ang identity card. May pula, puti, at itim. Ang pula ay para sa mga average grade, ang puti ay para sa mid-average, at ang itim ay para sa mga estyudante na high ranks or higit pa. Ang identity card na meron siya ay ang itim at ang kaibigan naman niya ay ang puti.

Ganun din ang dormitory ng university, ang nasa westside ay para sa may itim na identity card, ang pula naman ay sa may east side at ang puti ay nasa gitna ng dalawang building. May dalawang metro ang layo ng tatlong building kaya hindi sila mahihirapan na puntahan ang kaibigan nila kung gusto nilang makita ang isa't-isa.

Apat na korso lang ang itinuturo ng ATI. Ang Law, Business administration, Medicine at engineering. Ang bawat korso ay may designated department at may kanya-kanyang pangalan.

Daisy para sa engineering, sunflower para sa law, rose para sa medicine at Dahlia para sa business administration. Ibang building naman ang library na isang metro ang layo sa bawat departamento. Ganun din ang food court kung saan bumibili ng pagkain ang mga estyudante gamit ang kanilang meal card.

May tatlong rules ang university, una fight is prohibited, pangalawa respect your schoolmates and teachers, pangatlo don't break the two rules. Marami na ang na-kick out sa university dahil sa hindi pagsunod sa unang rule.

"Great!!" Bulalas niya at sumalampak sa malamig na sahig

Humalakhak si Reese at tumabi sa kanya. "Panigurado pagagalitan ka na naman ni coach Castro" tukoy nito sa coach ng archery. Isa rin kase ito sa recreational activities ng university.

"Ugh! It's not my fault. Sino ba ang mag-aakalang may activities ang ATI ng archery," reklamo niya at napahilot sa kaniyang batok.

"Magreklamo ka sa presidente ng university—" Siniko siya nito kaya naputol ang sinasabi niya.

"Bakit?" Takang binalingan niya ito.

Seninyasan siya nito sa may kanan kung saan nakalagay ang mga pana at palaso. Nakaside-view ang taong tinuro nito. Matangkad ang babae na hindi normal para sa kanila dahil halos lahat ng kababaehan na kilala niya ay katamtaman lang ang tangkad, nakalugay ang hanggang baywang na itim brown na buhok nito. When she pick the bow, he saw her very delicate and long slender fingers. Nang humarap na ito sa pwesto nila at maglakad para pumwesto ilang metro ang layo sa target ay nahigit niya ang hininga.

The girl is very beautiful, with her small face, pink lips, very thick ang long eyelashes. She have this deathly pale skin like jade. Nakasuot ito ng puting T-shirt at jeans na bahagyang naka-fit sa perpektong katawan nito. Sa ayos nito ay nagmukha itong manika.

"Damn! Ngayon lang ako nakakita ng babasaging babae na katulad niya." may paghangang usal ni Anton. Ang mga mata pa nito ay kumikislap habang nakatutok ang mata sa babae.

Mabilis na siniko niya ito nang lumingon ang babae sa kanila. Blangko lang ang mukha nito bago bumalik ang tingin sa target. Hindi niya napigilan pagmasdan ang ayos nito, nasa tamang posisyon lahat ang ayos nito. His mouth twitches, looks like this girl is expert in archery.

Nang pinakawalan nito ang pana ay napanganga silang dalawa ng tumama iyon sa gitna ng target. Kung hindi nila napigilan ang kanilang sarili ay baka pumalakpak pa silang magkaibigan. Hindi nila inaasahan na ganito kagaling ang babae. Mas eksperto pa yata ito kaysa sa kanilang Coach na palaging nakasigaw kung nagkakamali sila.

"Ah!! Piece of cake!" narinig nilang saad nito. Tinignan pa nito ang pana na hawak nito bago muling kumuha ng palaso at sa pangalawang pagkakataon ay sa iisang banda tumama iyon.

"Who the hell is she? Mas magaling pa yata siya kaysa kay coach!" bulong uli ni Reese.

Hindi siya sumagot at may paghangang pinagmasdan ang babae na naglalaro pa rin ng archery. Maybe he can approach her to teach him archery.

Karamihan ay sinasabing boy next door type siya. Marami ang nahuhulog sa maamo at animo inosenteng mukha niya. Na parang ang bait niya at hindi gagawa ng kalokohan. Ngunit sa katunayan ay pilyo at maloko siya. Kaya naman bakit hindi niya gagamitan ng kaniyang karisma ang babae para lapitan ito. Ang problema lang ay kung paano niya i-approach ito.

"Hey!" bulong ni Reese. "Sa tingin mo bagong estyudante siya rito?"

"Bakit hindi mo lapitan at tanungin," udyok niya. Syempre gusto rin niyang lumapit para makilala ito at humingi ng tulong tungkol sa archery.

"Oo nga, 'noh!" Akmang tatayo ito para lapitan ang babae subalit bigla ito sumulyap sa gawi nila. Pareho silang napatuwid ng upo dahil sa lamig ng tingin nito. Hindi maintindihan ni Elmhurst pero parang nanuot sa buong kaluluwa niya ang tingin nito. At biglang may takot na kumawala sa kaniya.

"Guni-guni ko lang ba na parang kinakatay niya ako?" May himig ng panginginig ang boses ni Reese nang magsalita ito.

"At parang lumalamig ang buong archery hall," dugtong niya at tumayo. "I think, kailangan na nating lumabas before we freeze to death."

Hinila na niya ang kaibigan at nagmamadaling inayos ang ginamit nila bago lumabas ng archery building. Sumandal si Reese sa dingding habang siya ay humawak sa balustre ng hagdan at ngumiwi.

"Pero mas malamig pa rin dito sa labas," reklamo muli niya at hinaplos ang braso niya. Sa islang ito ay naging kilala dahil ito ang parte ng pilipinas na hindi nasisikatan ng araw at iisang season lamang dito. Iyon ay parang palaging winter. Palaging cloudy animo nagbabadyang uulan pero hindi naman. "Balik na tayo sa dorm. Ang lamig talaga!"

"Mabuti pa nga! Kahit na maghapon tayong mag-eensayo rito ay hindi ka rin naman makakapasa sa archery," pang-aalaska ng kaniyang kaibigan sa kaniya.

Lukot ang ilong na inambaan niya ang kaibigan ng suntok pero tatawa-tawa lang na umiwas ito sa kamao niya. Kung pagdating sa basketball at ibang sport ay magaling siya. Pero pagdating talaga sa archery ay lagapak siya. Kaya naman sa tuwing kaharap niya si coach Castro ay palagi siyangn nakakatanggap ng sermon dito. Na pinapakinggan ng kaliwang taynga niya at lalabas naman sa kaniyang kanang taynga.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status