Share

Chapter 2: For Her Sister

She will do anything for her family...

"Ipaghahanda ko nalang po kayo ng mga damit at makakain nay, susunod din po ako." Saad n'ya bago nag umpisa na umandar ang tricycle hanggang sa mawala ‘yon sa kanyang paningin.

Tumalikod si Hyness na may luha sa mga mata, tahimik sa isip at nagdadasal na sana ay maging maayos ang lagay ng kanyang kapatid.

Parang kahapon lang na ang saya pa nilang dalawa at nag kukulitan, pero ngayon biglaan naman ang pagsugod kay Lily sa ospital.

Humihikbi-hikbi si Hynes habang kumukuha ng gamit na dadalhin sa kanyang ina at kay Lily, nandoon na rin daw ang kanyang ama at hindi na muna namasada pa. Napansin rin niya ang project na ginawa niya para kay Lily na ngayon sana ang submit. Kahit ang kanyang thesis na ginawa ay mapupurnada pa at hindi na rin niya maipapasa ngayon.

Isinawalang bahala kamang ni Hyness ang tungkol sa project nang kanyang kapatid at kanyang thesis. Mas pinag igi niya ang paghahanda ng gamit at nag byahe na patungo sa ospital kung saan dinala si Lily. 

Naabutan n'ya ang kanyang ina na umiiyak sa isang gilid, pugto na ang mga mata nito at halata na kanina pa itong umiiyak at hindi natigil. Hindi niya maiwasan ang kabahan dahil sa nakikita pero abot-abot pa rin ang dasal na sana ay ayos lang ang kapatid niya.

Nakahilig ang ulo ng kanyang ina sa kanyang ama, nakapikit ang mga mata at mababakas din ang luha na lumalabas sa kanyang mga mata. Nasasaktan siya sa nakikita.

"Nay, Tay." Tawag n'ya rito at ibinaba ang bitbit na basket na naglalaman ng pagkain at ang bag na sukbit na naglalaman naman ng damit ng kanyang kapatid.

Ibinuka ng kanyang ina ang mga braso kaya agad s'yang sumilib sa mainit na yakap ng kanyang ina. Naramdaman niyang muli ang yakap na kay tagal niyang gustong maramdaman.

"M-may tumor sa utak ang kapatid mo Nessa." Salita ni nanay at dinig na dinig ko ang bawat paghikbi nito.

"Magagamot naman po diba?" Mahina n'yang tanong ngunit natagalan ang kanyang ina na sumagot.

Nilakasan ni Hyness ang loob at pinilit na hindi maglaglagan ang kanyang mga luha. Ayaw din niyang maging mahina, gusto niya maging malakas para sa kapatid niya.

"Kailangan agad niyang maoperahan upang mailigtas ang kapatid mo. Hanggang bukas lang ng gabi ang palugit ng doctor dahil patuloy na lalala ang sakit ng kapatid mo kapag pinatagal pa at mangyari na hindi na ito magagamot." Lumayo s'ya ng bahagya sa ina.

Hindi n'ya akalain na aabot sa ganito ang sasapitin ng kanyang kapatid. Kahit nanghihina ang mga tuhod ay kumapit na lang siya sa handle ng upuan at kinuyom ang kamao.

"M-Magkano po ang kailangan para maoperahan si Lily?" Tanong n'ya sa ina.

"Isang milyon anak, pero saan naman tayo kukuha ng ganong kalaki na halaga? Hindi na alam ni mama ang gagawin." Muli ay narinig niya na naman ang hagulhol ng kanyang ina.

Tumayo s'ya at kumawala sa yakap ng kanyang ina't ama bago iniipod ang kanyang mga dala.

"Kumain na po muna kayo, may pupuntahan lamang ako. Babalik din po ako agad." May hilam na luha ang lumabas sa aking mga mata.

"Hyness." Tawag sa kanya ng kanyang ama.

"H'wag po kayo mag alala tay, magiging maayos rin po ang lahat." Pagpapalakas n'ya sa loob ng kanyang ama.

Tumalikod na s'ya at hindi na muling lumingon pa sa pwesto ng kanyang mga magulang kahit na tinatawag siya nito.

Lakad at takbo ang kanyang ginawa upang makalabas ng ospital. Hindi siya uuwi hanggat wala siyang dalang pera pampagamot sa kanyang kapatid. Hilam ang luha ni Hyness na tinahak ang lugar kung saan mas may chance na siya ay magkapera.

Hyness entered the crowded place kasabay ng pagsayaw ng ilaw ang bilis ng kalabog ng dibdib niya dahil first time niya sa lugar na ito.

Hinanap ng kanyang mga mata ang kanyang kaibigan at nang makita niya ito ay agad din naman niyang nilapitan. 

“Oh, Nessa anong ginagawa mo dito?” Tanong sa kanya ni Rica. 

“Kailangan ko ng tulong mo.” Kita niya ang paglunok ng kaibigan niya. “Please.” Pakiusap pa niya. 

“Halika doon tayo mag usap.” Yakag sa kanya nito at mabilis naman siyang sumunod.

“Ano ba kasi ‘yon? Bigla ka na lang sumugod dito.” 

“Kailangan ko ng one million, Rica. Nasa ospital si Lily at kailangan ng operahan ang tumor sa utak niya.” Bakas ang gulat sa maliit na mata ni Rica. 

“May alam ako pero kakayanin mo ba?” Mabilis siyang tumango sa sinabi ng kaibigan. 

“You know Freiya right? Dito rin siya nagtatrabaho pero mas mataas itong iaalok ko sayo. Hindi siya basta-basta.”

“Kahit ano Rica, basta maipagamot ko lang ang kapatid ko.”

Desidido na siya kaya hindi na niya kailangan pag-isipan pa kung ano ang pwedeng mangyari, kailangan ito ng kapatid niya at gusto niyang mabuhay ito ng mas matagal pa sa kanya kaya kahit na ibenta ang kaluluwa niya ay gagawin nito.

“Tita Susan, si Hyness po naghahanap siya ng extra income.” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. 

“Virgin?” Nakita niya ang pagtango ni Rica. 

“Nangangailangan, nasa ospital ang kapatid kailangang operahan.” Bahagya na tumango si Tita Susan. 

“Edad?” 

“Twenty-two po.” Siya na agad ang sumagot. 

“Ayoko lang na ako’y ipapahiya Hyness. Baka kasi kapag itinake-out kana ay tumakbo ka pa.” Mataas na tono na sabi nito. 

Huminga siya ng malalim at pinaka titigan si Tita Susan. “Kahit ano ay aking gagawin Tita Susan, hindi po kita bibiguin.” Nakuha pa rin niya ang sumagot ng maayos kahit na nangangatog ang kanyang tuhod. 

“Alright, mamayang gabi 7PM kailangan nandito kana. 8PM ang simula ng bidding kaya dapat mas agahan mo.” Mabilis siyang tumango sa sinabi nito.

“Okay, ipili mo na siya Rica ng isusuot niya.”

“Hindi kana pwede mag back-out Nessa. Kahit alam ko na hindi matutuwa si tita kapag nalaman niya na ito ang ginawa mo para lamang may maipagamot si Lily.”

“Wala na akong maisip na paraan. Heto na lang ang pinakamadali na alam ko.” Mahina na sagot niya. “Tsaka isang gabi lang naman diba?” Tanong pa niya. 

“Oo mas maganda kung isang gabi lang kaya kung maari ay bago pa ito magising ay makakaalis kana basta siguraduhin mo na makukuha mo ang pera.” Paalala niya sa akin. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status