Share

The Son of a Billionaire
The Son of a Billionaire
Author: Isaacrys

Chapter 1: Her Sister Lily

She loves her sister even more...

"Lily!" She heard her mother called Lily, ang kanyang bunsong kapatid. "Kakain na." Dagdag pa ng kanyang ina.

"Pababa na po, nay!" Rinig naman n'yang sagot ng kapatid.

She's waiting for a call from her mother, ngunit lumipas ang ilang minuto na walang tumatawag sa pangalan n'ya. She just continued the thesis she was doing at hindi maiwasan na mapasibangot.

Sa totoo lang ay naiinggit s’ya sa kanyang bunsong kapatid dahil lahat ng atensyon ng kanilang magulang ay na kay Lily. Ngunit ang inggit na ‘yon ay hindi dahilan upang magtanim s’ya nga galit mula sa kapatid. She had to wait for a few hours to be called by her mother, ngunit gutom lang ang inaabot n’ya kaya nagpasya na si Hyness na bumaba upang kumain para naman magkalaman ang utak n’ya at masagutan ng maayos ang kanyang thesis. 

She almost jumped from her seats when Lily tapped her on the shoulder. Sapol s’ya ay magugulatin talaga kaya konting tapik o kulbit kulang na lang ay s’ya ay mapatalon.

"Kung makapang gitla naman." Sabi n’ya sa kapatid.

"Sadyang tutok ka lang dyan sa pag kain mo kaya hindi mo marinig ang pagtawag ko." Nakangiti nitong sagot sa kanya.

"Gan’on?" Maang naman na tanong n’ya rito at binigyan siya ni Lily ng isang marahan na pag tango.

"Ate, pwede mo ba akong samahan mamaya?" Imik muli nito.

Hyness ate some rice before she looked at her sister. "Saan naman ang punta?"

"Diyan lang sa kanto, bibili ng colored paper." Sagot ng kanyang kapatid.

Umalpas naman sa labi ni Hyness ang ngiti bago tumango.

"Maglagay ka ng towel sa likod mo, baka matuyuan ka ng pawis." Turan niya sa kapatid.

Ini isang tabi ni Hyness ang kanyang inggit kay Lily mahal niya ang kanyang kapatid at kahit na hindi s’ya napapansin ng kanilang mga magulang ay mahal niya ito. Lily was born sick and she was a healthy child kaya gan’on na lang ang pagiging mapag alaga ng kanyang ina't-ama sa kanyang kapatid.

"Opo manang." Magalang ngunit may pang loloko na sagot sa kanya ni Lily kasabay ng pag hagikhik.

"Hindi kita sasamahan tamo." Sumibangot ni Hyness at lumapit naman sa kanya agad si Lily.

"Joke lang naman 'yon ate. Ikaw kaya ang pinakamaganda sa balat ng lupa." She smiled at what she heard.

"Talaga?" Naninigurado niya na tanong.

"Oo naman ate." Sagot sa kanya ni Lily at tumayo na. Habang papalayo ay napangiti na lang si Hyness sa muling sinabi sa kanya nito.

"Pero mas maganda ako sayo." Rinig niyang sabi ni Lily.

"Oo na lang." Sagot na sigaw pa niya at hindi maiwasan na mapailing.

Nang mahugasan niya ang kanyang pinagkainan ay nagsimula ng maglalakad sila nila ni Lily patungo sa kanto. Lots of people hanging out and children playing happily on the side of the road. Napataas pa ang kilay ni Hyness ng makasalubong nila si Freiya na kunot ang noo at nang irap pa.

"Iba pala ang ugali niyang si Freiya ate." Rinig niyang sabi ni Lily kasalukuyang patuloy sila sa paglalakad.

"Hayaan mo na, baka marinig ka pa." Suway niya naman.

"Palibhasa kasi umangat ang buhay akala mo'y kung sino na." Patuloy pa na saad ng kanyang kapatid kaya napailing s’ya.

"H'wag mo ng pansinin Lily. Ganyan sadya ang buhay, tao na ang gumagawa ng kanilang tadhana." Saad niya at napabuntong hininga.

Nakarating sila sa tindahan at kaagad na bumili si Lily ng colored paper. May gagawin raw kasi itong project sa Filipino subject nila at kailangan ng i submit agad kinabukasan.

Hindi na rin naman sila nagtagal at bumalik na rin naman agad sa kanilang bahay.

"Nessa, nasaan si Lily?" Bungad na tanong ng kanyang ina ng makapasok ito sa bahay.

"Nasa loob ng kwarto po, nay. Nag gagawa ng project." Magalang na sagot niya.

"Bakit hindi mo tulungan ng matapos agad, baka mapagod pa. Alam mo naman ang katawan ng kapatid mo." Suhensyon sa kanya ng kanyang ina.

Hyness looked at the paper in front of her, itinutuloy din n’ya kasi ang ginagawa n’yang thesis dahil need na rin i submit 'yon kinabukasan.

"Nagawa rin po kasi ako ng the–" hindi na n’ya naituloy ang sasabihin ng magsalitang muli ang kanyang ina.

"Unahin mo muna ang kapatid mo bago yan." Napakagat labi na lang siya sa narinig.

Hyness immediately arranged and put away the paper and ballpen before heading to Lily's room. Ngumiti siya kay Lily bago tinulungan ang kapatid na matapos ‘yon.

Medyo mahirap ang kanyang ginawa habang si Lily ay nakatulog na.

There were tears in Hyness' eyes, habang maigi na pinagmamasdan ang kapatid na natutulog. Kinagat niya ang ibabang labi upang hindi marinig ang sariling hikbi.

Hinaplos niya ang buhok ng kapatid bago lumabas ng pintuan ngunit nakita niya ang kanyang ina na nakatingin sa kanya habang nakatayo malapit sa pintuan. May luha ang mga mata and her hands covered her mouth because of crying.

"Pagpasensyahan mo na ako anak ha." Salita ng kanyang ina.

Ngumiti naman s’ya ng isang tunay na ngiti at niyakap ang kanyang ina.

"Wala 'yon nay. Para sa kanya, gagawin ko po lahat." Magalang na sagot ni Hyness sa ina at iniisang lingon ang kaniyang kapatid na mahimbing na natutulog.

Sabay silang bumaba ng kanyang ina. Nag paalam naman ang ina niya na magluluto na ito para sa hapunan habang siya ay ipinagpatuloy ang ginagawa niyang thesis.

Hyness breathed a sigh of relief because of the encounter she had with his mother. Kahit papaano ay na appreciate ng kanyang ina ang ginawa nito para sa kanyang kapatid. Masaya na siya at kuntento na doon.

"Nessa!"

"Nessa Anak!" Nagmamadali s'yang bumaba ng marinig ang sigaw ng ina mula sa sala kahit na mumukatmukat.

"Bakit po nay?" Natataranta naman n’yang tanong sa ina.

"Tumawag ka ng tricycle dalian mo! Dadalhin natin sa ospital ang kapatid mo." Tumango naman s'ya at nagmamadaling lumabas ng bahay upang sundin ang sinabi ng kanyang nanay.

Wala kasi ang kanyang ama dahil namamasada ito ngayon.

Nang makahanap si Hyness ay agad n'yang ipinaalam sa ina at doon nila naisakay ang kanyang kapatid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status