แชร์

Chapter 104.1

ผู้เขียน: Purple Moonlight
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-09-14 15:16:57

NAGPASYA NA LUMABAS na ng concert hall sina Bethany at Patricia nang matapos ang event na sumabay sa agos ng mga taong nanood na papalabas na ng venue. Panay ang daldal ni Patricia sa gilid ng dalaga patungkol sa concert na napanood nila. Kung paano siya nag-enjoy at sobrang laking pasasalamat niya sa maestra dahil naisip na isama siya. Mahigpit ang hawak ni Bethany sa isang kamay ng estudyante niya. Natatakot na baka mabitawan at mawala ito. Paniguradong lagot siya sa pamilya ng dalagita. Bahagyang may pagsisisi sa puso ni Bethany na lumabas sila kaagad. Hindi niya maintindihan ang sarili. Gusto niya pang manatili sa loob at kausapin si Mr. Conley. Hindi pa sapat iyong ilang minuto nitong pag-anyaya sa kanya sa itaas ng entablado. Hindi mapalagay ang loob ni Bethany mula nang mapagkamalan siyang anak ni Mr. Conley ng mga reporter at ng host ng event. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang sinasabi ng karamihan na may pagkakahawig daw silang dalawa ng matanda. Ipinilig niya ang ulo, imposi
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (8)
goodnovel comment avatar
Kyna Mendez
Hahahha natatawa ako na kinikilig Paano kaya manuyo si atty gavin hahaha
goodnovel comment avatar
Emilio Casinillo
lagot ka ky bethany Gavin
goodnovel comment avatar
Rosalie Omoto
very exciting story and i love this story..
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 21.4

    NAPIPILITANG TINANGGAL NI Atticus ang labi sa bibig ni Gabe ngunit hindi nito inalis ang mga brasong nakayakap sa katawan ng babae. Nilingon niya ang pintuan na para bang makikita niya ang nasa kabila noon oras na gawin niya ang bagay na iyon.“Pakisabing oo—” Hinila ni Gabe ang collar ng suot na polo ni Atticus upang mailapit lang ang mukha nito sa kanya at siya na ang kusang humalik. Nandilat ang mga mata doon ni Atticus ngunit ginantihan niya rin naman ang halik na iyon ni Gabe. “Pumunta ka na sa meeting niyo. Huwag mo silang paghintayin.” ilang saglit ay tanggal ni Gabe sa kanyang labi na hinabol ni Atticus pero iniwasan na ng babae. “Hihintayin kita dito. Sabay na tayong umuwi pagkatapos mo sa meeting.” “Talaga? Wala ka na bang trabaho ngayon? Hindi ka babalik sa opisina mo?”“Hindi. Dito lang ako. Hihintayin nga kita eh.” “Sige, sa penthouse ko tayo uuwi ha? Doon ka matutulog ngayong gabi.” “Okay…” walang gatol na sagot ni Gabe, ikinalapad iyon ng ngiti ni Atticus. Hindi pa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 21.3

    HINDI PA RIN alintana ni Atticus ang mga paninitig ng mga kasama kahit pa nakita niya ang ginawang paglingon sa kanya ng kakambal na masama na agad ang dating ng ngisi sa kanya. Tila may pagbabadya itong gagawin. Kailangan niyang unahin si Gabe dahil mukhang magbubunga na ang mga pagsisikap niya at paghihintay na ginagawa nang matagal-tagal.“Pupunta ako diyan.” Gumalaw pa ang adams apple ni Atticus nang marinig niya ang kumpirmasyon na pupunta nga doon ang abogada. “Okay, tawagan mo ako kapag nasa labas ka na. Bababa ako upang sunduin ka.” Pinatay na ni Gabe ang tawag. Hindi na naalis ang tingin ng lahat ng nasa conference room kay Atticus maging ang kapatid niyang si August na halatang nang-aasar pa rin ang mga mata sa kanya. Umangat ang gilid ng labi ng kapatid. “Girlfriend ko.” proud na anunsyo ni Atticus na hindi na maitago ang excitement sa kanyang mukha na makita ang babae, hindi niya na sila pahihirapan na manghula ang lahat ng naroon kung sino ang kanyang kausap. Siya na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 21.2

    GUSTO NA SANANG irapan ni Gabe ang ama nang dahil sa mga pinagsasabi nito ngunit bilang respeto na lang sa matanda ay hindi niya iyon ginawa. Sa ibang tao lang dapat siya magaspang ang ugali at hindi sa kanyang mga magulang. Hindi niya pwedeng gawin iyon sa kanyang ama dahil pihadong lagot siya. Mahal na mahal niya pa rin ito kahit ang kulit niya.“Dad, marriage is not something you can do on impulse. If things don’t work out, pipiliin mo ang makipaghiwalay. Paano ang mga anak niyo kung mayroon? Sila ang magiging apektado ng maling naging desisyon—” “That is why kapag kinasal ka na, kailangan mong tanggapin na panghabangbuhay na iyon niyong pagsasama, Gabe. Hindi ka pwedeng umatras o humiwalay lalo na kapag nahihirapan ka na sa inyong pagsasama. Lahat ng nagiging mag-asawa ay may mga pagsubok na pinagdadaanan upang maging matatag kayo. Dapat magkasamang lalaban. Tingnan mo kami ng Mommy mo, tingin mo tatagal ba kami ng ganito kung may sumuko sa aming dalawa? Wala ‘di ba?” hindi inaal

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 21.1

    DUMUKWANG PALAPIT SA mukha ni Gabe si Atticus nang makitang mauubos na ang slice ng pizza sa kamay niya. Itinulak na nito palayo ang box ng pizza na ang ibig sabihin ay busog na siya. Plano ng lalaki na ilagay na lang iyon sa fridge para hindi masira. Bukas, pwede nitong initin. “Attorney Dankworth, would you like to try something else tonight? Pwede tayong lumabas, kahit saan mo pa gusto.” Sumilip sa isipan ni Gabe ang nangyari nang nagdaang gabi, agad niyang iniiling ang ulo. Ayaw na niyang maulit iyon. “Sorry. Ang paglalakad pagkatapos kumain ay hindi nakakatulong sa panunaw ng isang tao. Ginoyo mo lang ako. Tingnan mo nga ang nangyari sa atin kagabi. Saka, okay na ako sa pagkain. Busog na busog na ako. Di ko nga halos maubos eh.” “How about an hour later, Gabe?” Hindi niya makuha kung bakit pilit siyang inaaya ni Atticus na lumabas.“Busog na busog na nga ako at hindi ko na kayang kumain pa ng kung ano. Kung gusto mo ikaw na lang. Huwag mo na akong isama. Alam kong may iba ka

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 20.4

    PINILING MAGLUTO NG pagkain ni Gabe upang aliwin niya ang kanyang sarili dahil mas bumabangon pa ang inis niya kay Atticus na wala man lang paramdam sa kanya. Sinunod niya ang hakbang na nakita online ngunit gaya ng kanyang inaasahan, hindi iyon masarap. Ni hindi nga yata nito nakuha ang totoo nitong lasa. Sa bandang huli ay napilitan siyang mag-order na lang online upang may mailaman sa kanyang tiyan, nagpa-deliver siya ng steak. Habang hinihintay iyong dumating, nagsalin siya ng wine sa goblet at nagpatugtog ng slow music upang kalmahin ang baha ng mga katanungan at hinanakit sa kanyang isipan para kay Atticus. She kept telling herself that she was enjoying this luxurious solitude. Subalit nang dumating ang steak, kahit na ito ang pinakamasarap na steak, kasama ng pinakamahal na alak sa loob ng kanyang tahimik at marangyang penthouse, pakiramdam ni Gabe ay mayroon pa ‘ring kulang sa kanya ngayon na hinahanap niya.“Atticus Carreon!” sigaw niya na sinalampak ang katawan sa sofa, dahi

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 20.3

    MALUTONG ANG TAWANG niyakap siyang muli ni Atticus. Hinalikan sa noo kahit pa pumapalag ito sa kanyang sinasabi dahil sa layo na ng tinakbo ng galit nito sa kay Gabriano.“Wala siyang sinasabi pero doon din naman iyon papunta, Gabe. Bubuo na sila ng pamilya at ngayon pa lang ay naiinggit na ako sa kanila kaya sabayan na natin sila. Pwede naman diba?” Saglit silang nagkatitigan. Hindi magawang tanggihan ni Gabe ang offer nito. Nahawi ang galit ni Gabe sa pinsan sa naging maling akala niya. Sa totoo lang, iyong sinabi ni Atticus kay Gabe ay pangarap niya na dati pa. Kung hindi siya iniwan ng lalaki, marahil ay may dalawa na rin silang anak ngayon o kung hindi naman ay baka sumobra dahils a kanilang edad ngayon.“Sunog na ang sinangag!” Napaigtad si Atticus sa ginawang malakas na pagsigaw ni Gabe habang nandidilat ang mata at gumagalaw ang butas ng ilong na pinasok na ng nasusunog na nakasalang na pagkain sa apoy. Nagmamadaling tumalikod si Atticus at hinarap ang sinangag na kanyang na

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status