MATAPOS NA SABIHIN ni Gabe iyon ay muli niyang tinalikuran si Atticus na animo ay halamang lanta na biglang nadiligan sa narinig. Puno ng buhay siyang sumunod kay Gabe matapos na isakay sa likod ng sasakyan ang kanyang dalang maleta. Masigla na ang kanyang mga mata na kanina ay tila pundidong ilaw na pinanawan ng liwanag. Mahal pa rin siya ng Tadhana.“Lolo Gov!” maligayang bati ni Atticus na halos labas na ang lahat ng ngipin sa kaligayahan niyang nadarama. Tumango lang si Giovanni na bahagyang hinila si Gabe palapit sa kanya upang bigyan ng pwesto si Atticus sa tabi niya. Pumiglas namang parang bata ang babae na humalukipkip pa para ipakita kay Atticus na ayaw niyang tatabi ito sa kanya.“Doon na siya sa unahan, Lolo Gov!” labas ang lahat ng gitli ni Gabe sa noo na tila sinusukat ang haba ng pasensya niya. Si Atticus na ang nag-adjust. Siya na ang kusang pumunta ng front seat ng makaalis na sila. Kung igigiit niya na sa likod sila, matatagalan sila at baka abutin pa ng kalaliman n
PAGDATING NILA NG terminal ng bus sa Baguio ay nakaabang na ang sasakyan na magsusundo sa kanila doon. Nagawa na namang banggitin ni Atticus na nakapag-booked na siya ng hotel kay Gabe para sa kanila, hindi dahil sa nakalimutan niya na may mansion doon ang mga Bianchi na pwede nilang tuluyan habang nasa lugar. Gusto niya kasing maging independent sila at hindi sa mga ito tumira habang naroon sila ni Gabe. Iyong tipong feeling nila ay silang dalawa lang ang nasa lugar at walang ibang nakakakilala sa kanilang dalawa at ginagawa lang ang kanilang pakay na trabaho sa lugar. “Kina Lolo Gov ako titira habang narito tayo.” anunsyo ni Gabe na tinawag na ang driver upang magpatulong sa maleta.Buong akala ni Atticus ay malinaw na kay Gabe ang plano niya at sang-ayon ito sa kanya. Ni hindi rin kasi ito nag-react nang sabihin niya ang tungkol sa hotel kanina sa babae habang naka-stop over ang bus nilang sinakyan bandang Tarlac.“Magbigay ka na lang ng lugar kung saan tayo pwedeng magkita kada s
HINDI TUMITINGIN SA kapatid na marahang iniiling ni August ang ulo. Hindi niya rin alam kung bakit iyon ang naisip niya sa dami ng pwede niya namang gawing iba. Marahil ay dala na lang iyon ng bugso ng kanyang damdamin sa nobya.“Mahihirapan kang bawiin ang tiwala niya. Buong pagkatao niya ang sinira mo, Fifth. Kung sa akin hindi maka-move on sa nakaraan, sa’yo sinira mo ang imahe niya. Isipin mo kung anong klaseng sama ng loob ang kinikimkim ng babae mo.”Sunod-sunod na tumagay si August na sunod-sunod niya ‘ring nilagok. Aminado siyang tama ang kapatid.“Pareho nga yata tayo ng kapalaran. Siguro kailangan na natin lumuhod at gumapang sa kanilang paanan at humalik—” “Hindi ko iyan gagawin, Fourth. Maraming babae sa balat ng lupa, hindi lang siya. Kaya makinig ka sa akin, samahan mo akong maghanap ng bagong target. Iyong babae na magpapasakop sa atin at hindi tayo gagawing sunud-sunuran lang…”Inubos ni Atticus ang kanyang alak. Walang imik na muling nagtagay at muling ininom. Hindi
BILANG REAKSYON AY marahang iginalaw ni Gavin ang kanyang magkabilang balikat at kapagdaka ay magana na muling kumain. Binago na rin ang topic. Muling naging maingay ang kanilang family dinner na ang madalas na tampulan ng tukso ay sina Brian at saka si Ceska.“Excited na ako sa kasal niyo Kuya Brian, syempre ako ang maid of honor.” daldal ni Gia na siyang pinakamaingay doon.“Talaga? O excited ka lang dahil makikita mo si Benedict?” “Kuya Brian!” “Sino si Benedict?” tanong ni Gorio na halatang hindi updated sa mga kaganapan, nilingon pa ang kanyang asawa sa tabi.“Manager ko po, Lolo.” si Ceska ang sumagot noon na may nahihiya ng ngiti.“Ahh, ikaw ba Gia ay may crush sa Benedict na iyon?” ang asawa ni Gorio na si Rosita iyon. “Wala po, Lola!” namumula na ang mukhang deny ni Gia, tumingin pa ito sa kanyang pinsang si Nabe. “Isyu ka Kuya!” Napuno ng tawanan ang kanilang hapag. Pinag-aralan ni Gabe ang reaction ng pinsan niyang si Gia, iniiling na ang ulo. Doon pa lang, alam niyang
MAHIGPIT NA YUMAKAP si Gabe at pagkatapos ay ngumisi habang sinusuyod niya ng tingin ang kabuohan ng ama. Naabutan ng babae ang ama sa parking lot na lingid sa kanyang kaalaman ay umaasa na kasama niya si Atticus kahit na alam niyang masama ang loob ng lalaki sa kanya kung kaya naman naroon ang matandang lalaki. Hindi maitago ang pagkabigo ng matanda na nakabalatay sa kanyang mga mata na halatang umaasa pa rin kahit paano. Ilang saglit lang iyon na agad niyang pinawi. Hindi niya pinakita kay Gabe ang emosyong iyon sa kanyang mukha. Natatandaan pa ng matandang lalaki ang huling pagkikita nila ni Atticus noong napagbuhatan niya ito ng kamay. Nawalan siya ng kontrol. Mula noon ay hindi na muling nagpakita pa si Fourth sa kanya kahit may pagkakataong ininvite ito ni Bethany na pumunta ng kanilang villa. Iyong tipong parang tuluyang binura na nito ang sarili sa pamilya nila na noong una ay satisfying kay Gavin ngunit hindi naglaon ay naging mabigat itong isipin sa kanya gabi-gabi. Madalas
HINDI NA MA-GETS ni Atticus kung anong klaseng utak mayroon ang babaeng kaharap na parang wala sa sarili.“Sinisisi mo ako ngayon dahil nakipag-break siya sa’yo, pero hindi mo alam na ikaw mismo ang may gawa kung bakit ka niya paulit-ulit na nilalayuan. Mahal mo siya, pero bakit mo iniwan? Bakit nakipag-break ka sa kanya? Naging tayo noon, binigyan mo ako ng chance na mahalin ka bakit pinagsisisihan mo na iyon ngayon? Too late, Atticus. Hindi ka na niya tatanggapin! Tandaan mo, hinding-hindi ka na niya ulit papapasukin sa buhay niya kaya pwedeng kalimutan mo na siya?”Pigil ang galit na pumasok na sa loob ng kanyang penthouse si Atticus. Pabalya niyang sinara ang pintuan na siyang nagpapitlag kay Cresia at kulang na lang ay bumasag na ng eardrums niya. Atticus leaned against the door, covering his face. Cresia was absolutely right. He had given up before. Kung hindi niya iyon ginawa, hindi si Gabe magtatanim ng sama ng loob sa kanya. Kung nangyari iyon, malamang ay may dalawa o tatlo