NAGPATULOY PA ANG kanilang games. Sa kasunod na round inuna nila kung sino ang natalo at si Bethany na naman ulit iyon. Napabuga na nang hangin si Gavin habang iniinom ng dalaga ang parusa niyang alak. Iyon na nga ba ang sinasabi niya. Hindi marunong maglaro nito ang dalaga! At nang malaman niya kung sino ang nanalo, halos mapatid na ang ugat niya sa leeg sa sobrang pagkainis dahil si Patrick lang naman iyon!‘Fucking you, asshole, Patrick! Hindi mo pwedeng halikan sa harapan ko si Thanie! Subukan mo lang kundi lagot ka sa akin! Tiyak na manghihiram ka ng mukha sa aso mula sa gabing ito!’Natahimik ang lahat ng nasa loob ng VIP room nang malaman nila kung sino iyon. Maingay na ibinagsak ni Gavin ang cards na nasa kanyang mga kamay sa center table. Lumikha iyon ng ingay na bumasag sa katahimikan ng paligid. Tiningnan na niya ng masama si Bethany na mas doble na ang pula. Nilingon ni Nancy si Gavin na sa mga sandaling iyon ay nakatingin pa rin sa babae.“Bakit natatakot kang mahalikan s
HILA-HILA NI GAVIN si Bethany papalabas ng naturang bar. Inilipad ng panggabing hangin ang kalasingan ng dalaga. Sinubukan niyang hilahin ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nang mahigpit ng abogado, ngunit hindi iyon pinahintulutan nito. Sa halip ay mas hinigpitan pa nito ang hawak sa kanya. Nang marating nila ang parking lot, walang pag-aatubiling ipinasok siya ni Gavin sa passenger seat ng kanyang sasakyan. Parang pusa namang walang naging palag ang dalaga na mas tumindi pa ang nararamdaman niyang hilo. Matapos na makasakay sa loob ng sasakyan ni Gavin, hindi niya binuhay ang makina noon. Mahigpit lang nitong hinawakan ang manibela upang doon ibaling ang sobrang iritasyon niya. “Hinayaan mong dalhin ka ni Briel sa ganitong klaseng lugar?” Pakiramdam ni Bethany ay sobrang naagrabyado siya kung kaya naman iniingos niya ang kanyang mukha at humarap sa kabilang direksyon ng sasakyan upang iignora niya ang abogado. Bakit hindi siya pwedeng pumunta sa ganung klaseng lugar kung si Ga
PINULUPOT PA NI Gavin ang kanyang isang kamay sa beywang ni Bethany na hindi pa rin nagbabago ang expression ng mukha upang igiya na patungo ng elevator. Unang beses pa lang ni Bethany na pumasok ng hotel na lalaki ang kanyang kasama kung kaya naman bigla siyang naging hindi komportable. Pakiramdam niya ang lahat ng nakakakita sa kanila ay pinag-uusapan na sila. Si Rina lang kasi ang lagi niyang nakakasama sa mga ganung lugar kapag staycation sila. Pagpasok nila ng elevator ay pinilit ni Bethany na lumayo sa katawan ni Gavin. Nag-aalab na kasi ang pangungulila niyang nararamdaman para sa binata. Baka mamaya ay hindi na siya makapagpigil at siya na ang kusang sumunggab kay Gavin at magsimula ng pagpapaliyab dito.“Thanie? Bakit mo ginagawa ito?” tila nasasaktan ang boses na tanong ni Gavin.Idiniin siya ni Gavin sa dingding ng elevator habang itinukod rin nito doon ang dalawa niyang kamay kung kaya naman nagmistula na siyang nakakulong dito, bahagyang pinisil ang kanyang baba at kapag
BUMUKAS NA ANG pintuan ng elevator bago pa man makasagot si Bethany. Hinawakan na ni Gavin ang kanyang kamay at hinila na papalabas. Bingatas nila ang pasilyo habang hinahanap ang pintuan ng suite na kanilang pupuntahan. Nang makita ay binuksan na ni Gavin ang pintuan noon. Walang pakundangan na muling binuhat niya ang dalaga papasok. Inilapag niya ito patayo sa malapit sa floor-to-ceiling na bintana, nag-iwan lang ng maliit na ilaw sa gabi, at hinangaan niya ang mukha ng dalaga na natatanglawan ng malamlam na sikat ng buwan. Muli niyang hinawakan ang mukha ni Bethany at muling masuyong hinalikan ang labi nito. Noong kapwa na sila nalulunod at dalang-dala na sa init ng bawat isa, biglang inilayo ni Bethany ang kanyang mukha at nagsimulang magpumiglas sa kanyang pagkakahawak.“Thanie?” mahinang anas ni Gavin na halatang bitin na bitin. Sinubukan ni Gavin na halikan ang kanyang baba upang pakalmahin ang dalaga ngunit walang nagbago kay Bethany, muling inilayo nito ang mukha sa kanya.
DALAWAMPUNG MINUTO ANG lumipas bago nakabalik si Gavin sa kanilang hotel room. Inabot niya kay Bethany ang isang banig ng biogesic na kanyang binili. Nakabihis na ang dalaga pagbalik niya at napansin niyang namumula ang mata nito. Binalewala iyon ni Gavin. Inisip na baka dala lang iyon ng masamang pakiramdam niya kung naman biglang namumula.“Mamaya mo na inumin iyan, kainin muna natin ito nang malay laman ang tiyan mo.” balandra ni Gavin sa mukha ni Bethany ng isang browpaper mula sa sikat na fast food chain. “Bumili ako ng fries, burger at spaghetti.” mayabang at proud pa nitong litanya. Walang imik na naupo si Bethany sa kama. Dinala naman ni Gavin sa harapan niya ang take out na pagkain at binuksan ang burger. Akala ni Bethany ay kakainin niya iyon pero nagulat siya nang buhatin nito ang kamay niya at ipahawak iyon sa kanya. Nag-angat na siya ng tingin sa mukha ni Gavin na malapad na ngumiti lang sa kanya. Hindi niya ito ma-gets, kung gusto siya nito bakit hindi niya sabihin? Puro
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN ANG secretary at ang doctor na kasama niya. Walang nagawa doon ang secretary nang isarang muli ni Gavin ang pintuan ng silid kundi ang maghanap ng panibagong doctor na babae na siyang kailangan ni Bethany. Napailing na lang ito sa doctor na matamang nakatitig lang sa kanya. Nagulat din sa reaction ni Gavin iyon.“Pasensya na, Doc. Narinig mo naman ang sinabi ng amo ko. Kilala mo rin siya na hindi ko mapipilit oras na ayawan niya ang isang bagay. Compensate na lang po kita sa naging abala.” “Ayos lang, naiintindihan ko. Baka ayaw ni Mr. Dankworth sa lalaki dahil pinagdadamot niya ang babaeng kasama. Ayos na iyon, hindi mo kailangang mag-alala.” Dinaan na lang iyon ng dalawa sa mahinang pagtawa. Mabuti na lang at maraming contact ang secretary kaya naman hindi na siya doon nahirapan na maghanap ng iba. Iyon nga lang hindi literal na doctor ang kanyang nakuha. Isang authoritative director of gynecology ito sa lugar. Ang direktor ay may kakayahan naman na magr
GUSTO PA SANA ni Bethany na magmakaawa kay Gavin, ngunit naisip niya na paano kung singilin siya nito ng malaking halaga? Paano kung bitawan nito ang kaso ng Papa niya? E ‘di mas mahihirapan siya. Sa mga sandaling iyon ay pinagsisisihan niyang sinabi niya ritong pagod na siya. Nadala lang naman siya ng bugso ng kanyang damdamin. Nakaramdam na naman siya ng pagguhit sa spinal cord niya ng lamig. Sign iyon na parang lalagnatin na naman siya. Nagkatunog na ang mga hikbi niya. Lumakas pa iyon nang puno ng pag-iingat siyang yakapin ni Gavin na para bang isa siyang mababasaging gamit. Ano na lang ang gagawin niya oras na pumayag itong pakawalan siya at hayaang umalis? Tiyak magiging problemado na naman siya. “Pagod ka na? You just need to rest, Thanie. Matulog ka ulit, ipahinga mo muna ang isipan mo. Saka na natin pag-usapan ang bagay na iyan kapag magaling ka na. Kapag wala ng masakit sa’yo. Hmm? Huwag mo muna itong alalahanin.” ani Gavin na inayos pa ang kumot sa kanyang katawan, mas nai
MALAKAS NA TUMAWA si Gavin. Sino sa akala ni Ramir na kausap niya clone niya? Marahil ay nagtataka na ito dahil hindi ganito ang ugali niya na kilala nila. Sa pagkakakilala nila sa kanya, siya ang dapat na pinagsisilbihan at hindi siya ang maninilbihan kapag may babaeng dumating sa buhay niya. Kumbaga, siya ang boss at hindi siya ang pinapasunod. Hindi naman siya alila ni Bethany, gusto niya lang talaga itong alagaan bilang pagbawi na rin niya sa mga naging kasalanan niya sa dalaga. Oras na para bumawi siya.“Huwag mo nga akong lokohin. Hindi ka naman doctor, Gavin. Pumunta ka na. Hihintayin ka namin ha? Aasahan ka namin sa party mamaya. See you, Gavin!” anitong hindi pa rin doon makapaniwala. Nakapameywang na muling hinarap ni Gavin si Bethany. Umikot pa siya sa kabila ng kama upang makita lang ang mukha ng dalagang may takip na ngayong unan. Dahan-dahan niyang kinuha ang unan upang tanggalin iyon sa mukha nito sabay walang gatol na putol ng tawag ni Ramir sa kanya. Wala siyang pana
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka