PAGKATAPOS NG KALAHATING oras ay narating na ni Bethany ang coffee shop na sinabi ng babaeng kausap niya kanina sa kabilang linya. Wala siyang idea kung ano ang itsura ng babae. Ni hindi na siya nag-abala pa na mag-search ng family tree ni River habang patungo siya doon. Hindi niya kailangang gawin ito. Wala rin siya ditong dapat ikatakot dahil wala naman siyang masamang ginagawa. Natigilan siya pagpasok ng pintuan at kapagdaka ay inilinga na ang kanyang mga mata na natigil na sa babaeng nakaupo malapit sa may glass wall ng shop. Itinaas nito ang kanyang isang kamay upang kunin ang atensyon ni Bethany.‘Siya na siguro iyon.’ Bukod sa parehas ang kilay nito kay River ay maging ang mga mata nito ay kahawig ng professor. Upang hindi magkamali ay sinigurado niyang ito nga ang babaeng kanyang kikitain sa lugar na ito at nagtanong. “Excuse me po, kayo po ba ang ina ni Professor River Balmori?” Mapanuring itinuon ng Ginang ang kanyang mga mata sa kanya. Hinagod ang kabuohan ng dalaga mul
BLANGKO ANG MUKHANG ibinaba na ng Ginang ang iniinom niyang tasa ng kape. Hindi na niya gusto ang tabas ng dila ng babaeng ipinagmamalaki ng kanyang anak na almost perfect na daughter-in-law. Mukhang mali yata ang pagkakakilala dito ng kanyang anak. Hindi ganun ang ugali ng kaharap na babae.“Miss Guzman—” “Huwag hong masyadong mataas ang standard niyo dahil wala akong planong maging tau-tauhan niyo na magiging sunud-sunuran sa lahat ng hihilingin at gugustuhin niyo para lang mapasaya kayo. Anong tingin niyo sa anak niyong si River? Siya na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo? Hindi ko iiwan ang kaibigan kong si Rina dahil lang hindi siya papasa sa panlasa niyo at para lang sa anak niyo. Habangbuhay ko siyang magiging kaibigan. Narinig niyo? At iyong tungkol naman sa naging relasyon ko kay Gavin Dankworth, sa tingin ko wala namang nakakahiya doon dahil nagmamahalan kami. Kulang po yata ang impormasyong nasagap niyo tungkol sa akin. Kulang pa po kayo sa research. Alam niyo po bang ang
NANATILING NAKABUNGISNGIS PA rin ang mukha ni Gavin na nakatuon ang tingin kay Bethany. Hindi malaman ng dalaga kung patuloy na inaasar ba siya nito o ano dahil sa consistent lang ang hitsura nito. Makailang beses niya na itong inirapan at pinandilatan ng mga mata ngunit wala pa rin itong epekto. Ganundin pa rin ang hilatsa ng kanyang mukha na animo ay nahuli siya sa sobrang nakakahiyang tagpo.“Kumusta ang pakikipagkita mo sa future mother-in-law mo? Mainit ba ang pagtanggap na ginawa sa'yo? base sa hitsura mo parang mukhang hindi yata maganda ang first impression niya sa'yo, Thanie, ah?” kumikibot-kibot ang bibig ni Gavin na parang lihim na natatawa, naniniwala na si Bethany na may alam sa mga nangyari ang binata kung kaya naman naroon din ito sa lugar. Ganunpaman ay hindi niya pa rin ito kinausap. Wala siyang planong bigyan ng sagot ang kanyang mga katanungan. “Kung ire-rate mo siya at ikukumpara sa Mommy ko, ilang porsyento ang pagkakaiba nilang dalawa? Sino ang mas gusto mong mag
KAAGAD NA NAGKATINGINAN ng may kahulugan sina Bethany at River nang dahil sa out of the blue na tinurang iyon ni Gavin. Walang nag-e-expect sa dalawa nito. Lumawak pa ang ngiti ng Ginang na parang pinaparating na tama siya. Ang buong paningin nito ay nakatuon na ngayon sa dalaga. Sa sinabing iyon ng abogado ay lalo lang niyang pinasidhi ang galit ng Ginang kay Bethany na halatang mas lalo pang nadismaya sa buong pagkatao niya. Ang buong akala pa ng Ginang ay palipasan lang ito ng oras ni Gavin, ngunit ano ito? Girlfriend? Hindi naman siguro siya nabibingi.“Girlfriend? Girlfriend mo ang babaeng iyan na nagpapaligaw sa anak kong si River?” hindi makapaniwala nitong tanong na nandidilat ang mga mata, walang humor pa itong humalakhak.Marahang itinango ni Gavin ang kanyang ulo. Proud sa sagot sa katanungan ni Mrs. Balmori na lalo pang nanggalaiti sa katauhan ni Bethany. “Tingnan mo nga naman. Gusto mo pa talagang tuhugin ang anak ko at—” Itinaas ni Gavin ang kanyang isang kamay upang m
ILANG MINUTO NG nakaalis ang sasakyan ni Bethany nang humahangos na lumabas si River upang habulin ang dalaga. Si Gavin na lang ang kanyang naabutan sa parking lot na nang makita siya ay mabilis na lang lumulan ng sasakyan niya dahil baka hindi siya makapagtimpi at baka pa magulpi niya ang lalaki ng wala sa tamang oras. “Tsk, ayoko ngang magsayang ng lakas sa kanya.” bulong ni Gavin na binilisan ang takbo ng kotse, pinakain ng usok si River na naubo-ubo na roon. Tinawagan ni Bethany si Victoria upang ipaalam ang nangyari. Binanggit niya ang lahat, maging ang mga ginawa ni Gavin doon na kalokohan. Gusto niyang makahanap dito ng kakampi, ngunit pinagtawanan lang naman din siya ng madrasta.“Sa tingin ko hija, sadyang mahal ka pa talaga ni Attorney Dankworth. Ano kaya at makipag-ayos ka na? Bigyan mo pa ng isang pagkakataon?” Hindi iyon direktang sinagot ni Bethany na agad nagpaalam sa madrasta na umano ay may gagawin siya para lang makaiwas. Wala naman talagang magawa noon si Bethany
MAKALIPAS ANG ILANG minutong paninitig pa sa mukha ng dalaga ay nagpasya si Gavin na maligo. Wala siyang makita sa damitan ni Bethany na pajama na kakasya sa kanya kung kaya naman napilitan siyang matulog na naka-boxer lamang. Niyakap niya ang katawan ng dalaga upang kumuha siya dito ng init. Nakatulog siya nang may ngiti sa kanyang labi. Naniniwala siyang kinabukasan, maayos na sila ng dalaga.“Goodnight, aking Thanie…” mahigpit na yakap pa niya sa katawan ng dalagang walang kamalay-malay. Paggising ni Bethany kinabukasan ay bahagya siyang nagtaka kung bakit may naririnig siyang humihinga. Tumatama ang init noon sa kanyang mukha. Pamilyar din ang amoy noon at imposible siyang magkamali. Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay mabilis siyang napamulagat nang makita niya ang nakangiting mukha ni Gavin na nakaharap ngayon sa kanya at animo hinihintay na magising ang buong diwa niya! Gavin Dankworth? Paano nangyaring nasa higaan niya ngayon ang binata? Naisin niya mang biglang buman
ILANG MINUTONG NINAMNAM ni Bethany ang mga yakap na iyon ni Gavin sa kanya. Pumikit pa ang dalaga upang pigilan ang kanyang sarili na gantihan ang ginagawa sa katawan niya ng binata. Natutukso na siyang pagbigyan ang binubulong ng puso at damdamin niya. Iyon kasi ang gusto ng puso at katawan niya. Ganunpaman ay pilit niyang napigilan iyon sa pamamagitan ng mariing pagkagat niya sa labi niya.“Bakit naman ako magagalit? Wala akong karapatan, Gavin.” “Anong walang karapatan? Pag-aari mo ako kaya naiintindihan ko ang lagay ng damdamin mo ngayon.” ani Gavin na pahapyaw na hinalikan ng mainit at malambot nitong labi ang kanyang nakikiliting leeg.Makikita sa mga mata ng binata ang mataas na interes ng pagnanasa na naman sa katawan ng dalaga. Mula sa tiyan ay tumaas ang kamay ng abogado sa dalawang malulusog na dibdib ni Bethany. Napalunok na doon ang dalaga. Nag-iinit na rin ang katawan niya. Kapag hindi pa ito tumigil, susunggaban na niya. “Gavin? Hindi ba at sabi mo ay pupunta ka ng ho
TUMANGO LANG SI Bethany na hinarap na ang mga doctor na hinihintay na rin siyang lumapit sa kanila. Medyo malala ang lagay ng kanyang ama, ayon sa kanila na kung gagawin nila ang operasyon, 50% lang noon ang pag-asa at ang another 50% naman ay ang kapahamakan nito na agad ng sinabi sa dalaga. Hindi mapigilan ni Bethany na makaramdam ng pagkahilo sa mga nalaman. Litong-lito siya sa mga sinasabi sa kanya ng doctor kahit na ang linaw naman ng pagkakasabi. Hindi na alam ng dalaga kung saan pa siya kakapit. Kung saan pa siya hahawak nang sa ganun ay huwag tuluyang bumagsak at malugmok sa sakit. Eksakto namang bukas ng pintuan ng ward kung saan pumasok ang namumutla pang si Gavin, nasa likod nito ang secretary niya. Namula na ang mga mata ni Bethany. Sa sandaling iyon nais na niyang yakapin ng mahigpit ang binata at magsumbong ng mga nangyayaring kamalasan sa kanya ngunit sa hindi malaman na dahilan ay hindi niya maigalaw ang kanyang katawan para gawin ang bagay na iyon. Nakatanaw man siya
KASALUKUYANG WALA DOON ang mag-asawang Dankworth kung kaya naman silang mag-anak lang ang kumain ng sabay-sabay ng lunch. Matapos noon ay tumambay na silang tatlo sa kwarto ni Briel. Nilaro ni Giovanni si Brian nang nilaro kung kaya naman nang mapagod ay mahimbing itong nakatulog. Pagkakataon na sinamantala ng dating Gobernador na bumawi kay Briel. Hindi naman na doon nagpatumpik-tumpik pa si Briel na isang haplos lang ni Giovanni sa kanyang mga hita na may kasamang malalim na mga halik, tuluyan na naman siyang nawala dito sa ulirat. Muling pinagbigyan ang kagustuhan ni Giovanni na angkinin ang kanyang sarili na pareho rin naman nilang na-enjoy.“Hindi ako natutuwa na pinapaghintay mo na naman ako. Kami.” paglalabas ni Briel ng kanyang saloobin matapos na ayusin ni Giovanni ang nakabalot na comforter sa kanilang walang saplot na katawan na nasa ilalim nito. “Narinig mo?” Gumalaw ang adams apple ni Giovanni at lumalim ang hinga na hindi nakatakas sa pandinig ni Briel. “Alam ko naman
NAPANATAG NA ANG loob ni Briel sa kanyang narinig. Namasa pa ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa labis na galak. Hindi maikakaila na excited na siya sa araw ng gagawing pagbaba ni Giovanni kahit na hindi pa man lumilipas ang isang araw mula ng kanilang pagkikita. Parang ang tagal na ng huli sa paraan ng kanilang pag-uusap na dalawa.“Sabi mo iyan ha? Baka paasahin mo na naman ako.” “Hindi ko iyon gagawin.” malambing na sagot ni Giovanni upang bigyan ng assurance si Briel sa kanyang sinabi. Hindi na rin nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil sa paglalim ng gabi. Bukod doon ay nakaramdam na rin sila ng antok. Ang marinig iyon ni Briel ay naging kampante ang kanyang puso at nagdesisyon na hindi na lang mag-isip nang kung ano hanggang makababa ng Maynila si Giovanni. Nang sumapit ang araw ng pagbaba nito ay nakatanggap si Briel ng tawag mula sa kanya. Ganun na lang ang panghihina niya nang malamang hindi umano ito matutuloy na bumaba. Iyon na nga ba ang mali at negatibong iniisip niya
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu