Se connecterAWTOMATIKONG BINITAWAN NI Gia ang hawak niyang bulaklak. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang gaga na kinuha na ang pagkakataong iyon para ipahayag na rin ang kanyang nararamdaman. Hindi pwedeng ang binata lang ang aamin. Kailangan na rin niyang sabihin kung ano ang tunay niyang nararamdaman oras na makumpirma niyang totoo ang narinig niyang sinabi ni Benedict Madrigal. Dumukwang na ang dalaga palapit sa mukha ni Bene na sa mga sandaling iyon ay napalunok na ng sunod-sunod ng sariling laway. Walang pakundangan na nilagay ang dalawang kamay ni Gia sa magkabilang pisngi ng lalaki na noon ay halatang nanlalamig dala ng labis ng kaba. Kumurap na ang mga mata ni Bene.“Anong sinabi mo, Bene? Pwede bang ulitin mo? Hindi ko narinig…” naiiyak na muling hiling ni Gia sa binata. Ilang beses na pinangarap ni Gia na mangyari ang bagay na iyon, at ngayon na nangyayari na ay para siyang nakalutang.“Are you confessing your feelings for me Bene? P-Pwede bang ulitin mo, hmm?”Kasinungalingan ang kanya
HABANG PAPALABAS KANINA ay ipinangako ng dalaga sa kanyang sarili na magiging bold na siya sa lahat ng sasabihin niya kay Bene. Hindi niya na pipigilan pa ang sarili gaya ng mga ginagawa niya noon dahil bukod sa nahihiya ay naiilang. Napagdesisyunan din niyang sabihin kay Bene kung ano ang tunay niyang nararamdaman sa lalaki. Wala na siyang pakialam kung ma-reject, ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang maiparating niya ang tunay na nadarama. Hindi na ni Gia kailangan pang maghintay ng tamang panahon dahil kailanman ay hindi magiging tama iyon kung hindi siya kikilos. Kung patatagalin niya pa ang bagay na iyon na mangyari kahit may pagkakataon na ay baka pagsisihan niya lang. Pwede namang ngayon na. Sayang ang opportunity na ito na ibinigay sa kanila ng panahon. Kumbaga ay ito ang perfect timing.“Thank you, Gia. Nakakahiya nga eh, dapat tulog ka na ngayon pero heto ka at piniling samahan mo akong lumabas pa.”“Ayos lang, sa totoo lang boring nga sa bahay. Sina Mommy, Daddy, si Kuya at a
HALOS MAPASAYAW SA tuwa si Briel sa pagbalik niya ng silid nila. Hindi nakaligtas ang pagiging hyper na iyon ng Ginang sa paningin ng asawa niyang si Gio. Hindi niya sinundan ang asawa para panoorin ang CCTV na ginawa ng Ginang na mag-isa, bigla kasing nanakit ang mga laman niya sa binti nang tangkain niyang tumayo upang sundan noon ang asawa. Pinili na lang niyang manatili sa silid kasama ang mga apo at hintayin ang pagbabalik ng asawa na hindi naman nagtagal.“May nakita ka? Anong meron at bakit ganyan ka ngayon kasaya?” Ipinilig ng Ginang ang kanyang ulo. Wala sa kanyang plano na sabihin sa asawa ang anumang kanyang nakita. Makaluma itong tao at paniguradong magiging hadlang. Pupunahin nito ang ginawang pagyakap ng anak sa bisita na kitang-kita sa camera. Bukas na lang niya sasabihin iyon kay Gio kung sakaling ulitin ng asawa ang tanong o kung makita rin ang CCTV.“Wala, Gio. Matulog na tayo. Mukhang guni-guni ko lang.” sampa ng Ginang sa kama upang tumabi na sa kanyang asawa. Hi
HINDI NAGLAON AY kusang yumakap na ang dalawang braso ni Gia sa katawan ni Bene. Hindi pinansin ang nahulog niyang balabal sa katawan. Ni hindi nag-aksaya si Gia na pulutin ito. Walang paalam na umihip ang malakas na hangin na mas nagpahigpit sa yakapan ng dalawang nilalang na wala namang relasyon pero kung maglambingan ay daig pang ilang taong hindi sila nito nagkita. Hindi kumalas ng yakap si Gia sa mainit na katawan ni Bene at ganun din naman ang mga braso ng binata. “I miss you, Gia…“Sinamantala nilang dalawa ang pagkakataong iyon. Pinaramdam sa bawat isa kung paano nangulila sa bawat isa kahit parang kamakailan lang noong huli silang nagkita. Walang sinuman ang nangahas na magtanong o kumalas sa yakap. Ika nga, action is louder than voice. Ito na ang ganap ng dalawa ngayon. “Halika na sa loob, Bene. Bubuksan ko ang gate para ipasok mo sa garahe ang sasakyan mo.” Doon nahimasmasan si Bene. Bumalik sa realidad ang kanyang isipan ngunit hindi pa rin inaalis ang mahigpit na pagka
HUMILA LANG SI Gia basta ng balabal mula sa iniwang bukas na closet at binalot iyon sa kanyang katawan bago patakbong lumabas ng kanyang silid. Kamuntikan pa siyang mahulog sa hagdan kung hindi lang nakahawak nang mahigpit dala ng labis na pagmamadaling makapanaog. Pakiramdam ng dalaga ng mga sandaling iyon ay lumilipad at lumulutang siya sa saya. Sa labis niya ‘ring taranta ay nalimutan niya pang magsuot ng kanyang bra. Nalaman niya lang ang bagay na iyon paglabas niya ng main door ng mansion at maramdaman na umaalog ang dibdib habang walang tigil pa rin sa pagtakbo patungo sa kanilang nakasarado nang second gate.“Hoy, Bene, narito ka nga!” bulalas ni Gia na napahawak pa ang dalawang palad sa magkabila niyang pisngi, napatalon na siya sa kinatatayuan sa labis na saya. “Sinungaling ka ah? Sabi mo hindi ka makakapunta? Sabi mo busy ka? Ano ‘to? Bakit narito ka? Surprise mo ba ‘to? Hindi kaya panaginip ko lamang ito?!” Malutong na tumawa si Bene na nilamon lang ng malakas na hagibis n
HUMUGOT NG MALALIM na hininga si Brian. Bakas sa mukha niya ang stress na dulot ng kanyang nalaman. Ayaw niyang manghimasok ang ina sa lovelife ng mga kapatid, lalo na kay Gia gaya ng ginawa nito sa kanya noon. Ayaw niyang danasin ng kapatid ang mga pinagdaanan niya noon lalo na kung may iba namang tinitibok ang puso nito. Mahihirapan lang siya at magiging kumplikado ang lahat. Gusto niyang si Gia mismo ang pumili ng magiging partner in life niya. Hindi naman mahigpit ang kanilang magulang doon, baka lang din nag-aalala sila na patanda na nang patanda si Gia kaya ay kikilos na.“I'll talk to Mom tomorrow. Hindi niya pwedeng gawin kay Gia ‘yung ginawa niya sa akin.” “At ano namang sasabihin mo?” lingon na ni Ceska kay Brian, tutol siya sa gagawing iyon ng asawa. “Hindi ba ay dapat na si Gia ang kausapin mo? Kung magkakaroon siya ng boyfriend na ipapakilala kina Mom tiyak walang set up ng blind date.” Hindi sumagot si Brian. Nanatiling nakatikom ang kanyang bibig. “Si Gia dapat ang m
HINDI NAWALA ANG paningin ni Ceska kay Brian nang makapsok na ito sa loob ng kanilang villa. Panay ang sulyap nito sa kanya gamit ang mga mata nitong animo ay tinutunaw siya kung kaya naman nag-decide siya na magtungo na lang ng kanyang silid at magkulong hanggang matapos ang okasyon. Ayaw niyang s
ILANG SEGUNDO NA napatitig si Ceska sa nilabasang pintuan ni Gia na nakapinid na. Tahimik ang loob ng silid. Walang kahit na anong ingay bukod sa hinga niya. Humahalimuyak ang pamilyar na amoy ni Gabriano na sumasama sa hangin. Umikot sa kabuohan ng silid ang kanyang mga mata. Nang dumapo ‘yun sa p
MARIIN ANG NAGING pagkagat ni Ceska ang kanyang pang-ibabang labi upang gisingin ang kanyang sarili at makaramdam ng sakit para mahimasmasan. Gahibla na lang ang kanyang pagtitimpi na kapag hinalikan pa siya ni Brian muli, gagantihan na niya ito. Bahala na kung anong isipin nito. Tutugon na siya da
NAKANGITING INI-ABOT NI Brian ang hanger ng dress na kanyang pinili mismo sa loob ng closet ng fiancee. Tumagal ang titig doon ni Ceska na para bang nagtatanong kung bakit iyon ang kailangan niyang isuot. Hindi pa rin noon napapawi ang mga ngiti ni Brian na para bang siyang-siya sa reaction ni Cesk







