LOGINHINDI NAGLAON AY kusang yumakap na ang dalawang braso ni Gia sa katawan ni Bene. Hindi pinansin ang nahulog niyang balabal sa katawan. Ni hindi nag-aksaya si Gia na pulutin ito. Walang paalam na umihip ang malakas na hangin na mas nagpahigpit sa yakapan ng dalawang nilalang na wala namang relasyon pero kung maglambingan ay daig pang ilang taong hindi sila nito nagkita. Hindi kumalas ng yakap si Gia sa mainit na katawan ni Bene at ganun din naman ang mga braso ng binata. “I miss you, Gia…“Sinamantala nilang dalawa ang pagkakataong iyon. Pinaramdam sa bawat isa kung paano nangulila sa bawat isa kahit parang kamakailan lang noong huli silang nagkita. Walang sinuman ang nangahas na magtanong o kumalas sa yakap. Ika nga, action is louder than voice. Ito na ang ganap ng dalawa ngayon. “Halika na sa loob, Bene. Bubuksan ko ang gate para ipasok mo sa garahe ang sasakyan mo.” Doon nahimasmasan si Bene. Bumalik sa realidad ang kanyang isipan ngunit hindi pa rin inaalis ang mahigpit na pagka
HUMILA LANG SI Gia basta ng balabal mula sa iniwang bukas na closet at binalot iyon sa kanyang katawan bago patakbong lumabas ng kanyang silid. Kamuntikan pa siyang mahulog sa hagdan kung hindi lang nakahawak nang mahigpit dala ng labis na pagmamadaling makapanaog. Pakiramdam ng dalaga ng mga sandaling iyon ay lumilipad at lumulutang siya sa saya. Sa labis niya ‘ring taranta ay nalimutan niya pang magsuot ng kanyang bra. Nalaman niya lang ang bagay na iyon paglabas niya ng main door ng mansion at maramdaman na umaalog ang dibdib habang walang tigil pa rin sa pagtakbo patungo sa kanilang nakasarado nang second gate.“Hoy, Bene, narito ka nga!” bulalas ni Gia na napahawak pa ang dalawang palad sa magkabila niyang pisngi, napatalon na siya sa kinatatayuan sa labis na saya. “Sinungaling ka ah? Sabi mo hindi ka makakapunta? Sabi mo busy ka? Ano ‘to? Bakit narito ka? Surprise mo ba ‘to? Hindi kaya panaginip ko lamang ito?!” Malutong na tumawa si Bene na nilamon lang ng malakas na hagibis n
HUMUGOT NG MALALIM na hininga si Brian. Bakas sa mukha niya ang stress na dulot ng kanyang nalaman. Ayaw niyang manghimasok ang ina sa lovelife ng mga kapatid, lalo na kay Gia gaya ng ginawa nito sa kanya noon. Ayaw niyang danasin ng kapatid ang mga pinagdaanan niya noon lalo na kung may iba namang tinitibok ang puso nito. Mahihirapan lang siya at magiging kumplikado ang lahat. Gusto niyang si Gia mismo ang pumili ng magiging partner in life niya. Hindi naman mahigpit ang kanilang magulang doon, baka lang din nag-aalala sila na patanda na nang patanda si Gia kaya ay kikilos na.“I'll talk to Mom tomorrow. Hindi niya pwedeng gawin kay Gia ‘yung ginawa niya sa akin.” “At ano namang sasabihin mo?” lingon na ni Ceska kay Brian, tutol siya sa gagawing iyon ng asawa. “Hindi ba ay dapat na si Gia ang kausapin mo? Kung magkakaroon siya ng boyfriend na ipapakilala kina Mom tiyak walang set up ng blind date.” Hindi sumagot si Brian. Nanatiling nakatikom ang kanyang bibig. “Si Gia dapat ang m
NAKASANAYAN NA NI Ceska na hintayin si Briel na umalis at malinis ang lugar bago kunin ang mga anak. Tapos na rin silang kumain ng dinner. Hindi uso sa kanilang pamilya na hihintayin pang sumapit ang hatinggabi gaya ng tipikal na pamilya bago kumain. Minsan nga, tulog na sila alas-diyes o alas-onse pa lang lalo na kung wala namang family gathering. Hindi nila kasama ngayon ang pamilyang Dankworth dahil sa may iba rin silang plinano sa holidays na iyon.“Matutulog na kayo?” bangon ni Gia nang makita ang marahan na pagpasok ni Ceska sa pinto ng kanyang silid. “Hmm, kukunin ko na itong mga bata.” Komportableng nakahilata noon ang mga anak ni Ceska sa kama. Kapwa abala sa photo album noong mga bata pa sina Brian, Gia at Vaniel. Aliw na aliw silang panoorin iyon lalo na ang mga larawan na kuha ng kanilang amang si Gabriano. “Kuya, look at Daddy. Kamukha mo.” wika ng bunso nina Ceska na sinundan pa ng mahinang pagtawa. “Kamukha siya natin.” pagtatama naman ng anak na panganay nina Ceska
BATID NI CESKA na may gustong itanong sa kanya ang biyenan niyang babae kung kaya ganito ang galaw niya ngayon. Mabilis din kasing basahin ang galaw ng Ginang kung kaya hindi na nagtaka pa si Ceska na tama ang kanyang hula. Sure enough, after eating, Briel took out several photos of men to show her. Sa mga sandaling ito ay busy si Gio at anak na si Brian na mag-usap tungkol sa negosyo nila sa office ni Gio. Si Gia naman ay nakakulong noon sa silid kasama ang mga pamangkin na naglalaro. Si Vaniel naman ay hindi nagawang makauwi ng bansa, nag-videocall lang siya sa pamilya niya.“Ceska, sino sa tingin mo sa kanila ang mas babagay sa hipag mong si Gia?” isa-isa niyang pakita ng mga larawan ng lalaki na nagawa pa ng Ginang na ilahad sa kanyang harapan. “Gusto ko lang kunin ang opinyon mo dito bilang babae ka.”Ceska was a simple person and usually stayed out of things, but Gia was the only baby girl of the family. Kaya marahil ganun ang trato nila sa dalaga. Gusto nila ang best of best. K
MALAKAS NA TUMAWA lang si Gio sa bantang iyon ng kanyang asawa patungkol sa pagkuha at pagpili ng magiging asawa ng kanilang unica hija. Muli pang iniiling ang ulo niya sa kakulitan ng asawa. Nakikita niya dito ang kanyang ina. Makulit. Panay din ang pilit sa kanyang mag-asawa na noon kahit na wala siyang planong gawin sana ang bagay na iyon.“Oo na, tumatanda ka na rin talaga Gabriela. Ang kulit-kulit mo na eh. Pero ‘di nakakairita. Tumahimik ka na at baka kapag narinig ka ni Gia, sumama lang ang loob niya dahil sa matinding pressure. Huwag mong gawin iyon sa kanya.”Sa narinig ay nameywang na ang Ginang habang nakatingin pa rin sa mukha ng asawa. Hindi na gusto ang tabas ng dila.“Aba, anong sinabi mo? Naiirita ka na sa akin?”Sinubukan ni Giovanni na lambingin ang asawa sa pamamagitan ng pagyakap sa kanya. Pinalo ni Briel ang approaching na kamay ng asawa. Nakatikwas na ang isa niyang kilay. Kahit matanda na ay hindi pa rin nawawala ang pagiging maldita.“Hoy Giovanni, baka nakakal
NANG SUMUNOD NA weekend ay nagpasya ang pamilya Dankworth at Bianchi na magkaroon ng banquet sa mansion ng mga Dankworth. Disguise na family dinner iyon pero lingid sa kaalaman ni Bethany ay pupunta ang lahat ng kapamilya niya doon upang e-surprise siya. Hindi lang iyon, maging ang kanyang ama na s
ISANG LINGGO ANG matuling lumipas. Hindi pa rin makapaniwala si Bethany sa natatamasa niyang kasiyahan sa piling ng kanyang mag-ama sa kanilang marangyang villa. Naisip niya na marahil ay hindi pa alam ng ibang kamag-anak na nasa bansa na siya. Hindi rin siya nag-reached out lalo na sa tiyuhin sa B
LINGID SA KAALAMAN ni Briel ay isa si Gavin sa humadlang na lumabas ang kapatid dahil alam niyang magba-bar hopping lang ito na maaaring magpahamak sa dalaga sa hindi kilalang lugar. Narinig niya na papayagan na ito dapat ng kanilang mga magulang pero nagbigay siya ng opinyon kung kaya naman sa ban
NANDILAT NA ANG mga mata ni Bethany sa konklusyon na narinig mula sa panig ni Gavin. Ano? Buntis? Siya? Imposible ang bagay na iyon. Kung buntis siya, malamang ay nagsusuka na siya. Hindi naman siya nagsusuka. Lamon nga siya nang lamon. Sa pagkakaalam niya, walang ganang kumain kapag buntis. Umaarte







