SA HALIP NA pumasok ang mag-asawa sa trabaho ng araw na iyon ay nagtungo silang dalawa sa OB upang ipa-check up si Bethany. Pareho kasi silang hindi naniniwala na walang dahilan ang pagpapalit ng ugali ni Bethany. Iba ang kutob nilang dalawa. Kung si Gavin ay excited, si Bethany naman ay halatang kinakabahan na makikita sa higpit ng hawak ng kamay niya sa isang kamay ng asawa. Binabagtas na nila ang maliit na hallway patungo sa clinic ng OB. Parang gusto na naman niyang umatras.“Huwag na kaya natin ituloy? Natatakot ako, Gavin.”“Bakit ka naman matatakot? Kasama mo naman ako.” Umiling si Bethany. Gaya ng unang sabi niya parang hindi pa siya ready. “Ihanda na lang natin ang ating sarili. Kung sakaling wala talaga, anong magagawa natin kung hindi ang patuloy na subukan kahit gabi-gabi pa.” Pinandilatan na naman siya ng mga mata ni Bethany. “Oh, ayan ka na naman. Nasa publiko tayong lugar ha?” warning niya sa abogado na nagbabadya na naman ang kapilyuhan, “Magagalit na talaga ako.
KAGAYA NG KANILANG napagkasunduan inilihim muna ng mag-asawa ang good news sa kanilang mga pamilya. Maging sa ama ni Gavin na alam ang tungkol sa kanilang kasal ay hindi nila nabanggit ang tungkol sa pagdadalang-tao ni Bethany. Naging maayos, normal at peaceful ang unang dalawang Linggong pagsasama ng mag-asawa sa loob ng penthouse. Unang dalawang Linggo na puno ng pag-ibig at pang-unawa para sa bawat isa. Noong una ay naiinis pa si Gavin kapag ginigising siya ni Bethany sa kasarapan ng gabi nang dahil sa kanyang mga cravings ngunit paunti-unti ay nasanay na ang abogado hanggang sa magbalik na silang pareho sa kanilang mga trabaho. Noong una ay pinapagtalunan pa nilang dalawa ang tungkol sa pagma-manage ni Bethany sa music center. Ang gusto kasi ni Gavin ay manatili na lang ang asawa sa bahay at hintayin ang hapon sa pag-uwi niya. Bagay na mariing tinutulan ni Bethany.“Hindi pwede ang gusto mo, Gavin. Kailangan ko rin na may career. Doon ako magaling. Naroon na ako bago mo pa ako mag
NATAWA NA DOON si Bethany. Hindi iyon magiging bugnutin kung hindi rin siya nito patuloy na aasarin. Ibig sabihin silang mag-asawa ang salarin kung mangyari man iyon. Hindi lang siya. Hindi lang din si Gavin. Unti-unti na siyang kumalma. Baka nga makuha ng anak nila ang magaspang na pag-uugali niya ngayon. “Hija, ayos ka lang ba? Bakit ang putla mo? Kumain ka ba bago umalis ng bahay?” sunod-sunod na tanong ng Ginang nang makita ang babae na bumaba ng kotse, mukhang lantang gulay ito at wala sa mood. Tipong tamad na tamad ang kanyang hitsura at napipilitan lang na pumunta upang makipagkita sa kanila. “Diyos ko, pinagpapawisan ka ng malagkit.” puna pa nitong sinalat na ang noo ni Bethany na nakangiti.Masama ang pakiramdam noon ni Bethany subalit hindi naman niya pwedeng i-cancel ang fitting ng mga damit at ang pamimili niya ng designs. Bukod sa naroon na ang hipag at biyenan niyang babae ay nakapangako na siya sa kanilang pupunta. Hindi na niya sinabi pa kay Gavin ang kanyang nararamd
HALOS PALIPARIN NA ni Gavin ang kanyang sasakyan patungo ng boutique kung nasaan ang kanyang asawa. Wala siyang pakialam kung may masabitan man ang kanyang sasakyan. Ang mahalaga ay makarating siya doon agad at makita ang asawa. Panay ang mura ni Gavin habang nasa biyahe. Nakailang palo pa siya sa mahigpit na hawak niyang manibela. Sinisisi niya ang sarili kung bakit hinayaan niya itong mag-isa. Dapat talaga ay pinilit niyang samahan ito kanina kahit na nagmamatigas siya. Hindi niya ipinagkatiwala na kaya ni Bethany ang lahat.“Come on, kung kailan ako nagmamadali saka pa magkaka-traffic! Fucking shit!”Gusto niyang tawagan ang ina at kumustahin ang asawa pero baka lalo lang siyang ma-distract kapag may narinig siyang wala pa ‘ring malay ang asawa. Baka mapano rin siya.Marahang tinapik-tapik ni Mrs. Dankworth ang isang pisngi ni Bethany habang si Briel naman ay hindi na alam ang gagawin. Panay ang silip niya sa labas ng pintuan. Hinihintay niya ang kapatid na dumating. Napalibutan na
SA LOOB NG sasakyan ay nanatiling tahimik pa rin si Bethany. Hindi niya pinansin ang panaka-nakang sulyap ng asawa sa kanya kahit nakikita niya iyon sa gilid ng kanyang mga mata. Natatamad siyang magsalita. Nasa labas lang ng sasakyan ang kanyang paningin. Sa malabong lugar na kanilang binabagtas. Iniisip na sana pala ay inamin na lang nila ang tunay niyang kalagayan kanina sa ina at kapatid ng asawa. Pagkakataon na nila iyon. Maiintindihan naman siguro ng mga ito kung malalaman nila ang tunay niyang kalagayan. Hindi na rin niya kailangan pang magtago. Kaso, ayon nalusutan pa rin nilang mag-asawa sila.“Mrs. Dankworth, ano ang iniisip mo? Mukhang ang lalim naman yata niyan?” gagap ni Gavin sa isa niyang kamay na malamig pa, naninibago siya sa pananahimik ng asawa. “Kanina ka pa diyan tahimik. Iniisip mo ba iyong nangyari kanina? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital para magpa-check up? Just to make sure lang na ayos ang baby natin?” malambing na tanong pa ng abogado na pinisil-pisil
NAPATITIG NA SA mukha ng babae si Bethany nang kunin nito ang kanyang kamay na nakapatong sa table. Ilang beses na kumibot-kibot ang bibig nito na tila ba may nais sabihin. Napakunot na ang noo ni Bethany nang bitawan ni Miss Gen ang kamay niya at iiwas ang mga mata na parang may itinatago siya. “Miss Gen?” muling untag niya sa kanya na sumasama pa ang kutob, “May sasabihin ka ba?” Maliit na ngumiti lang ang babae. Hinarap na ang baso ng kanyang juice. Dinampot na iyon at uminom. “Ayos lang ako, Miss Guzman. Huwag mo akong alalahanin.” Naburo pa ang mga mata ni Bethany sa kanya. Higit pang naging kuryuso sa itinatago nito. “Handa akong makinig, Miss Gen. Mahaba-haba pa ang breaktime natin.” sipat niya sa relo. Muli siyang hinarap ng babae. Namumuo na ang luha nito sa kanyang mata na nagpabahala pa kay Bethany. Kinakabahan na siya sa kakaibang ikinikilos nito. Hindi niya na ito maintindihan.“Spill it. Gaya ng sabi ko, handa akong makinig.” sambit ni Bethany na nakatingin pa rin
SA PAGITAN NG pag-iyak ni Bethany ay nagawa niyang sabihin kay Gavin ang lahat ng kanyang problema kahit na paputul-putol pa ang kanyang boses. Pinakinggan naman siyang mabuti ng asawa. Pilit na iniintindi kung saan galing ang baha ng kanyang emosyon. Humigpit pa ang yakap niya sa asawa habang pinapakinggan ito na parang batang nagsusumbong sa kanya dahil lalo pang bumaha ang mga luha ni Bethany. Lahat ay kanyang sinabi, maging ang sakit ni Miss Gen ay nabanggit nito sa asawa na mataman pa 'ring nakikinig at walang anumang imik. Nakatitig lang siya sa mukha ng asawa kung saan nakabalatay pa rin ang sakit. Naiintindihan niya ito. Para na kasing pamilya ang trato ng asawa sa kanyang ka-sosyo. Ang akala pa naman niya kung ano na ang nangyari at ganun na lang ito kung pumalahaw ng iyak. Walang arteng ginawa ni Gavin na pamunas ng uhog ng asawa at luha ang laylayan ng suot niyang pantulog na damit. Malayo kasi ang tisyu at mahihirapan pa siyang kunin iyon kung iyon. Ilang beses siyang humi
KINABUKASAN AY NAKIPAGKITA agad si Bethany kay Miss Gen na tinawagan niya muna upang siguraduhin na kaya nito ang katawan. Nang nagdaang araw kasi noong malaman niyang maysakit ito ay nagpaalam na rin itong hindi na muna makakapunta ng music center. Kumbaga, iyon na ang naging huling araw niya rin sa trabaho. Tinanggap na lang iyon ni Bethany kahit na mabigat sa kanyang kalooban at hindi pa sanay. Naalala niya na marahil kaya siya tinuturuan nito sa kanyang trabaho noong mga nakaraan. Nagkasundo silang magkita sa isang coffee shop na hindi rin naman gaanong malayo sa music center. Kapansin-pansin ang mabilis na pagbaba ng timbang ng babae bukod sa malamlam na mga mata. Halatang maysakit itong iniinda kahit hindi niya man aminin. Gusto niyang umorder sana ng kape, kaso pinigilan siya ni Bethany. “Huwag ka ng magkape, Miss Gen kung alam mo namang hindi pwede sa’yo. Mag-fruit tea ka na lang.” suggestion ni Bethany na siyang order niya, nakahiligan na niyang inumin iyon kumpara sa kape.
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka